Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Epekto at Dahilan ng Pagiging Isang Working Student na Mga E

No description
by

April Sayson

on 26 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Epekto at Dahilan ng Pagiging Isang Working Student na Mga E

ABSTRAK
Sa panahon ngayon madami na ang mga estudyanteng nagtatrabaho upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ang kanilang pagtatrabaho ay tunay na nakakatulong ngunit hindi rin maiwasan na ito ay maging epekto sa kanilang pag-aaral, kalusugan, at pati na rin sa kanilang sosyal na pamumuhay.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga working students dahil nais ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng pagiging isang working student pagdating sa kanilang pag-aaral, kalusugan, at sa kanilang pamahalaang sosyal. Nais malaman ng mga mananaliksik ang dahilan kung bakit sila nagtatrabaho.

Sa pananaliksik na ito, ginamit ang paraang Descriptive Survey, ang pangunahing instrumentong ginamit ay talatanungang papel upang makakalap ng datos sa mga suliranin ng mga magaaral na ito. Frequency counts at percentage ang ginamit para malaman ang profile at ang antas ng suliranin ng mga working students.

Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay nagkakaroon ng problema ang mga working students pagdating sa kanilang pag-aaral, kalusugan, at sosyal na pamumuhay. Marami sa kanila ay hindi sapat ang income buwan-buwan. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminumungkahi na palaguin at mabigyan ng atensiyon, kaalaman at malawak pag-unawa ang mga working students. At magkaroon ng mga pagbabago sa mga paraan na mas makakabuti sa kanila pagdating sa pag-aaral, at kung saan pang bagay na kanilang kinakailangan. Iminumungkahi na pagbutihin ang kanilang time management.
Introduksyon
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo na pananaliksik. Maraming uri ang deskriptibong pananaliksik, ngunit ang napili na gamitin ay ang Descriptive Survey Research Design, ito ay gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng mga datos. Pinili ang disenyong ito para mas mapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at suriin ang epekto at dahilan ng pagiging isang working student.


RESPONDENTE

Ang (30) napiling mga respondente ng mga mananaliksik ay ang mga working students na nag-aaral sa STI, Parañaque na may edad 18 hanggang 25.
Ang pagiging isang manggagawang mag-aaral ay hindi biro. Ang pinakamatinding suliranin na kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong paaralan ay ang kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral sa isa sa pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling makapagaral. May ibang estudyante na nakatuon ang pansin sa kanilang pangangailangan na makahanap ng trabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Napakalaking bagay kasi ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng titulo. Sa panahon ngayon edukasyon ang kauna-unahang solusyon sa kahirapang nararanasan. Ito ang madalas na kalagayan ng mga working students sa Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay hangad na maipakita ang isang mukha ng mga mag-aaral na sabay ding mga empleyado. Masasabi nating ang bawat isa ay may nalalaman ukol sa kalagayan ng mga working students ngunit maaring hindi sila lubos na mauunawan, maliban sa mga nakaranas na mag-aral habang nagtatrabaho. Maraming opinyon ukol sa mga working students, may positibo at mayroon ding negatibo. Positibo sa paraang kinakaya nilang gampanan ang dalwang mahalagang tungkulin, ang maging mag-aaral at empleyado. Sa murang edad ay mayroon na silang mabigat na responsibilidad at pilit ginagampan. Lumalawak ang kanilang karanasan at natututong magpahalaga sa perang pinagsikapan. Kahit na kumikita na ay hindi pa rin nawawala ang ideya ng edukasyon, na kung kaya nila iyon ginagawa ay dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. May negatibong komento, dahil ang mga kabataang ito ang nagiging repleksyon ng sistema sa ating bayan. Ang mga kabataan, para lamang maipagpatuloy ang pag-aaral, ay kailangan pang mamasukan. Manaka-naka din silang nakararanas ng pagmamaliit sa kanilang trabaho. Dahil dito napapababa loob ang mga working students at nawawala ng tiwala sa kanilang sarili.

Sa murang edad ay naikintal na sa ating mga isipan ang kahalagahan ng edukasyon. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga nag-aaral ay may kakayahang maipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. Masuwerte na nga raw kung makatungtong ng kolehiyo. Kahit pa sabihing may mga suportang natatanggap tulad ng mga scholarships at iba pa, hindi pa rin nito lubusang natutustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral. Dagdag dito ang mga proyekto ay gastusin sa paaralan. Hindi lahat ay kayang tustusan ang pangangailangan. Ang mga karagdagang libro at mga photocopy ay nagbibigay din sa dagdag gastos ng mga working students.

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng tumitigil at hindi nakapagtatapos sa kanilang pag-aaral at ito ay dahil sa kakulangan sa pinansyal na suporta. Mayroon namang mga estudyanteng mapalad at nakakakuha ng iskolar ngunit bibihira at pili lamang ito. Kaya naiisipan ng mga nag-aaral ngayon na maghanap ng trabaho upang makapagaral.
Bihira na lamang ang mga working students na nakakapagtapos ngayon. Kalahati ng porsyento ng mga working student ay tumitigil na lamang sa pag-aaral upang matustusan na lamang ng buo ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na matustusan ang mga gastusin. Maswerte ang mga working students na mas binibigyang importansya ang pag-aaral kahit na sila ay nahihirapan para makapagtapos lamang.

Mahirap man ang maging isang working student napipilitan pa rin ang mga kabataang magtrabaho. Mahirap magbanat ng buto ngunit nagsisikap ang mga nasabing mag-aaral makamit lamang ang hinahangad na diploma ng pagtatapos.

Sa mga taong nakilala ng mga mananaliksik, iba’t iba ang gawain at trabahong pinapasok ng mga ganitong uri ng mag-aaral karamihan ay nagtatrabaho sa mga fast food chain bilang mga service crew at ang ilan naman ay sa mga tindahan. Ang iba naman ay nagtatrabaho bilang tutor.

Ang paghahati ng oras sa pag-aaral at pagtatrabaho ay hindi biro. Napakahalaga sa mga mag-aaral ang makapagtrabaho upang makapag-aral. Dahil mahalaga ang pag-aaral naisipan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pananaliksik para sa mga estudyanteng nag-aaral habang nagtatrabaho. Ipinapakita nila kung gaano kahalaga ang pag-aaral sa kanila. Dahil ang pag-aaral ang susi sa kanilang pangarap.

Epekto at Dahilan ng Pagiging Isang Working Student na Mga Estudyante sa STI Sa Sucat Parañaque na May Edad 18 Hanggang 25.
KONKLUSYON

Naging matagumpay ang pag-iinterbyu sa mga estudyante dahil sa kooperasyon ng bawat estudyante at pag-unawa na sagutin ang mga tinatanong ng mga mananaliksik.

Ang mga working students ay kinakailangang magtrabaho para makatulong sa pangangailangang pinansyal ng kanilang pamilya at matustusan din ang kanilang pag-aaral.

Ang mga working students ay inspirasyon sa iba pang kabataang gustong makatapos ng kanilang pag-aaral dahil nagagawa nilang pagsabayin ang kanilang pag-aaral at pagtatrabaho upang makamtan ang pangarap na inaasam.

Napatunayang malaki ang epekto nito sa buhay ng mga working students. Sila ay nagtatrabaho upang makatapos sila ng kolehiyo para makapagtrabaho sa hinaharap.

Napatunayang napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan, pag-aaral at maging ang kanilang sosyal na pamumuhay.


REKOMENDASYON
Sa mga employer na tumatanggap ng working student, panatilihin ang pag-intindi sa oras o panahon na nailalaan nila sa trabaho.

Sa mga administrador ng paaralan ng STI maunawaan nawa ng mga administrador na ito ang kalagayan ng mga working students. Bigyang pansin ang kanilang hirap at tiyaga sa kanilang trabaho at pag-aaral.

Sa mga guro ng STI Sucat Paranaque, unawain ang sitwasyon ng mga estudyanteng ito. Sa pamamagitan ng pagpapatibay o pagpapalakas ng kanilang loob na mag pursigi sa pag-aaral upang hindi bumaba ang kanilang grado.

Sa mga working students pagbutihin ang inyong time management. Ito ang susi para kayo ay hindi mahirapan sa inyong sitwasyon, makakabuti kung kayo ay magsasagawa ng skedyul. Isantabi muna ang mga hindi importanteng bagay at magpokus sa mga bagay na ikauunlad niyo at magpapabuti sa inyo.

Sa mga susunod na mananaliksik ito ay maging gabay sa kanila upang malaman nila ang impormasyon na nakakalap sa pananaliksik na ito.
Full transcript