Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

KOMIKS

No description
by

Adrian Abelligos

on 20 November 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KOMIKS

KOMIKS
Abelligos, Adrian
Palomata, Ivan
Luardo, Crestalyn
Sibug, Ericarl
8-Anemone
BALIK-ARAL
Apat na Larawan, isang salita
K
O
M
I
K
S
Apat na Larawan, isang salita
Magaling!
Tama ang iyong sagot.
--KOMIKS--
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.


BAHAGI
NG
KOMIKS
PAMAGAT
NG
KUWENTO
LARAWAN NG
GUHIT NG MGA
TAUHAN SA
KUWENTO
Kuwadro-
Naglalaman ng
isang tagpo sa
kuwento (frame).

KAHON NG SALAYSAY-
PINAGSUSULATAN NG
MAIKLING
SALYSAY
LOBO NG USAPAN-
PINAGSUSULATAN NG USAPAN
NG MGA TAUHAN:
MAYIBA'T INAG ANYO ITO BATAY SA INILALARAWANG
NG DIBUHISTA
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. 

Ang pagiging malikhain ng mga taga komiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.


Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.


Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.
ALFREDO ALCALA
ALEX NIÑO
MAR AMONGO
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks.
Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. 
PABLO S. GOMEZ
ELENA PATRON
NERISSA CABRAL
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. 
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad.
Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
--KOM--
(TAMA)
--IKS--
(MALI)
MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG!!!
Full transcript