Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabanata 6 : Si Kapitan Tiago - Elijah Adriel Somera

No description
by

Elijah Adriel Somera

on 23 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 6 : Si Kapitan Tiago - Elijah Adriel Somera

Kabanata VI : Si Kapitan Tiago
Ulat ni : Elijah Adriel Somera

Kapitan
Buod ng Kabanata Vi :
Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan.
Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.
Tauhan :
-
Tiyago
Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep).
Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba. Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle.
Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.
Aral ng Kabanata VI :
Pinagkuhanan ng Buod : http://noli-me-tangere.com/kabanata-6-si-kapitan-tyago/
Full transcript