Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Noli Me Tangere- Kabanata 1

No description
by

Keith Bautista

on 8 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Noli Me Tangere- Kabanata 1

Isang Pagtitipon
Kabanata 1
"Isang Pagtitipon"
Pag-uugnay
Don Santiago delos Santos
Tiya Isabel
Tinyente Guevarra
Padre Hernando de la Sibyla
Padre Damaso Verdolagas
Dr. Don Tiburcio de Espadaña
Donya Victorina de EspadañaDalawang Paisano
Mga panauhing kabilang sa mataas na antas ng lipunan
Tauhan
A. Karatig - katabi, kalapit
B. Limatik - linta, sipsip
C. Muni - nilay
D. Barandilya - pasamano
E. Gayak - dekorasyon
F. Maringal - elegante, magarbo
G. Gloryeta - kiyosko, palasyo
H. Borlas - palawit
Talasalitaan
Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage.

Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.

Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.
Buod
1. Ang pagsasabit ng maraming kuwadro sa bulwagan o salas ay nagpapakita lamang na ang mga tao noon, bagama't nabibilang sa mga kinikilala sa bayan ay kulang sa karunungan ng sining pantahanan at nalalayo pa sa makabagong kabihasnan.
2. Ipinapakita sa kabanatang ito ang paggamit o pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng mga dayuhan.
3. Sinisimbolo ng bahay ni Kapitan Tiyago ang Pilipinas at ang pagiging malapad nito ay nagpapakita na ang Pilipinas ay bukas sa impluwensya ng dayuhan.
4. Ang pag-aaway nina Tenyente Guevarra (pamahalaan) at Padre Damaso (simbahan) ay ang nagpapakita na noong unang panahon, ang pamahalaan at simbahan ay hindi nagkakaisa dahil sa ibig mangibabaw ng bawat isa.
5. Ang tingin ni Kapitan Tiyago sa kanyang sarili ay isang Kastila. (Colonial Mentality)
6. Ang pagkamahiyain ng mga babae ay nagpapakita na ang mga lalaki ay mas makapangyarihan sa mga babae.
Tagpuan
Sa Bahay ni Kapitan Tiyago
Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan
Pagsusulit
1. Ano ang pamagat ng kabanatang ito?

2. Saan ang tagpuan ng kabanata 1 at ano ang sinisimbolo nito?

3. Sino ang nagtalo na sinasabing sumisimbolo sa pamahalaan at simbahan?

4. Ano ang buong pangalan ni Kapitan Tiyago?

5. Sino ang nag-iistima ng mga bisita at sinasabi ring nagpalaki kay Maria Clara?
Sagot
1. Isang Pagtitipon
2. Sa Bahay ni Kapitan Tiyago; Ang Pilipinas
3. Tenyente Guevarra at Padre Damaso
4. Don Santiago delos Santos
5. Tiya Isabel
Full transcript