Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Mga Bahagi ng Teksto

No description
by

Roeden de Leon

on 6 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Bahagi ng Teksto

Panimula o Introduksyon
- Ito ang pinakamukha ng sulatin.

- Kailangan itong maging kaakit-akit.

- Ito’y dapat maging malinaw, maiintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.

- Ang haba ay dapat ibagay sa haba ng komposisyon.
Mga Bahagi ng Teksto

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
1.
Pagtatanong
- Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.

Halimbawa:
Ihahambing ba kita sa isang tag-araw?

Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan.

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
6. Pagsasalaysay
- Malumanay na pagkukwento

Halimbawa:
Biktima ako at ang aking pamilya ng giyera. Patuloy na nagtutugisan ang magkabilang panig. Naiipit ang taong bayan sa “crossfires”. Saan kami tatakbo? Papaano kaming mamumuhay nang matiwasay? Ang tagal naman ng kapayapaan!

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
3. Pagsasalitaan
- Dinaraan sa usapan o dayalogo

Halimbawa:
“Amnestiya sa magbabalik-loob? Pag-aralan natin. Kaibigan, marami nang nagsisuko. Bumaba sa bundok para muling mayakap ang kanilang pamilya. Palalampasin ba natin ito?”

“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente! Ang walang kamayawang pagbati ng nagsisisiksikang madla sa harap ng Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong halal na pangulo na abot –tainga ang mga ngiti ng “Maraming salamat mga kababayan! Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala ninyo!”

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
4. Tuwirang Sinabi
- Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.

Halimbawa:
“Ikaw ay isang Pilipino. Hindi pili-pilipinuhan lang. Samakatwid, ganap kang Pilipino. Susulat ng tungkol sa Pilipino, para sa Pilipino, para sa Pilipinas.”

“They’r e liars!” Ito ang mariing sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tañada sa mga US officials.
Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
5. Analohiya
- nagtutulad o nagwawangis

Halimbawa:

Di ka laging bata. Ang bata ma’y tumatanda. At kapag ang bata’y tumanda, dapat siyang may pinagkatandaan. Mahirap maging bata kung matanda na. Ito’y isang pagkukunwari.
Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
2. Makatawag-pansing Pangugusap

- Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.

Halimbawa:
Bawat puso ng minorya ay pintig ng kanyang tribo.

Masarap ang magmeryenda sa CR.

Lumantad ang kanyang walang buhay na katawan pagbukas ng pinto.

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
7. Anekdota
- Nagkukwento ng maikling istorya para pasiglahin ang mambabasa o di kayang sabihin kaya’y gamiting tularang lundaya ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Halimbawa:
“Manong bayad.” “Mama bayad”… Maraming beses na iniabot ko sa drayber ang pamasahe ng mga nakasakay sa jip. Malapit kasi ako sa drayber. Ngunit anong mangha ko nang bilangin ko ang aking pera. Di nabawasan ang aking pera. Nakalimutan kong magbayad. “Sori manong, bulong ko sa sarili ko, di ko sinasadya”.

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
8. Paglalarawan

- Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit

Halimbawa:
Nakalahad na mga palad. Yayat ang katawan. Dilat ang mga mata. Gusot-gusot ang buhok. Nanginginig sa gutom. Marumi. Nanlilimahid. Masangsang ang amoy.Nabalot ng banil ang buong katawan sa napakatagal na panahong di pagligo. Taong grasa kung siya’y tawagin.

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
9. Pasaklaw na Pahayag
- Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.

Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.

Mga Paraan Para sa Mabisang Panimula
10. Pagsasalungat
- binibigyang-diin ang pagkakaiba

Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
Ang Katawan
- Ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto.

- Dito pinapaliwanag ang lahat-lahat tungkol sa paksa.

- Ang lahat ng datos na nakalap ay kailangang maisaysay rito.

- Samakatuwid, binibigyan ito ng mahabang preparasyon upang ganap na maorganisa.

Ang Katawan
May tatlong (3) hakbang para magawa ang katawan.

1. Pagpili ng organisasyon ng padron
2. Pagbabalangkas ng nilalaman
3. Paghahanda sa transisyon ng talaan

Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Topikal/lohikal na paraan
- Inaayos ito ayon sa pagtaya ng manunulat kung aling impormasyon ang dapat na mauna.

Halimbawa:


Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Kronolohikal na paraan
- Itinatakda ang oras, kaganapan o “sequence” ng pangyayari.

Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.

Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Ispatyal (spatial) na paraan
- Inoorganisa ang pagulat ayon sa pisikal na espasyo.

Halimbawa:
Kung gustong ipaliwanag ang loob ng klasrum, tinatalakay ang iba’t ibang parte ng silid.

Kung lagay ng panahon naman, ang rehiyonal na kalagayan sa iba’t ibang parte ng bansa ang ipinaliliwanag

Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Klasipikasyon
- Inilalagay sa tamang kategorya o klas ang mga datos o entri ng klas o uri, seks, lebel, ekspiryens, abilidad at iba pa.

Halimbawa:


Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Sanhi at bungang pagkakaayos
- Tinatalakay muna ang sanhi at saka isusunod ang bunga o epekto.

Halimbawa:
Kung ang toxic waste ang tatalakayin, kailangang irepresenta ang mga sanhi nito at saka ipaliliwanag ng isa-isa.

Paraan sa pagsasaayos ng katawan ng sulatin
• Problema-solusyong pagkakaayos
- Ang unang bahagi ng sulatin ay tumatalakay sa problema at saka susundan ng solusyon.

Halimbawa:
Problema sa pera, kailangan nating magsumikap at magtrabaho ng maayos. Kung walang trabaho,kailangan maghanap. Maraming paraan kung gugustuhin lang natin tulad ng paghahanap sa Dyaryo at humingi ng tulong sa mga kakilala.

Ang Wakas
- Ito ang kaganapan ng sulatin.

- Ito ang nagsusuma sa nilalaman at nag-iiwan ng impresyon sa mambabasa.

- Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi.

- Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.

Ang Wakas

- Kung naging epektibo ang panimula, dapat ay gayon din ang pangwakas.

- Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-siya.

Mga Paraan Para sa Mabisang Wakas
1. Pagbubuod

- pinakagamiting na pangwakas

Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.

Mga Paraan Para sa Mabisang Wakas
2. Pagpapahiwatig ng aksyon
- tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa

Halimbawa:
Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging biktima ng panggagahis kundi angpinunong kasangkapan sa hukbong sandatahan upang gahisin ang bayan.

Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
Mga Paraan Para sa Mabisang Wakas
3. Mahalagang insidente

- madulang pangwakas na maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa katawan ng mga nasasangkot sa katha

Halimbawa:
Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang naging mailap noong sila’y nagsasama pa, nang magtagpo silang muli… sa morgue.

Mga Paraan Para sa Mabisang Wakas
4. Pagsisipi
- kumukopya ng isang taludtod o mahigpit pa sa isang akda patula man o patuluyan na ang sinasabi ay angkop sa tinalakay na paksa

Halimbawa:
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”

Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa mundo. Tila pakawalang bahala sa mga kumbensyon ng lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa paglipad ng ibong pipit. Paglipad upang salubungin ang umagang nagpapangako ng mas magandang bukas.
Full transcript