Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila

No description
by

Mariel Arboleda

on 18 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila

Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila Valerio L. Nofuente Buod ng Sanaysay Pamagat ng Akda Sa pamagat ng akda, ang bahaging "Sa Makati at Dibisorya" ang tumutukoy sa sari-saring uri ng tauhang gumagamit ng pantalong denims. Ang mga nakatira o bumibili ng gamit sa Makati ay kadalasa'y mayayaman at may kaya, samantalang ang mga nakatira at bumibili ng gamit sa Divisoria ay kadalasang mahihirap o kaya'y nagtitipid. Ang nais sabihin ng pamagat na kahit mayaman man o mahirap, ang denims ay isang unibersal na suotin at lahat ng uri ng tao ay sumusuot nito. Kasaysayan ng Maong Ang "Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila" ay isang sanaysay na tungkol sa ironiya ng pagsusuot ng denims. Mayaman man o mahirap, babae man o lalake, kristoyano o muslim, lahat ay bumibili at nagsusuot ng denims. Lahat sila ay pare-pareho, lahat sila ay pantay bilang tao. California Gold Rush Inilikha ito nila
Levi Strauss at Jacob
Davis ngunit una
itong tinawag na
"waist overalls". 1848 1873 Umusbong ang ibang
mga kalaban ng Levi's
tulad ng Wrangler at Lee. 1940s 1950s Dahil sa pelikulang "Rebel Without A Cause"
na nilabasan ni James Dean, sumikat
ang pagsuot ng maong. Dahil dito,
hindi muna pinapayagan ang
pagsuot ng denims sa
mga sinehan, restaurant,
at eskuwelahan. 1970s 1980s Dumami ang nagsusuot ng maong sapagkat naging mas mura ito (bunga ng mababang sahod ng mga manggagawa). Naging "high fashion" ang maong nang iilang designers ang nagsimulang gumawa ng sarili nilang estilo ng maong. Patuloy na sumikat ang maong. Mga Sikat ng Estilo ng
Pantalong Maong Serge de Nimes Nakapaloob sa bahaging "Serge de Nimes" ang kasaysayan ng denims o maong sa Tagalog. Noong panahon ng Gold Rush, taong 1850 sa California, nagtungo si Levi Strauss, isang nandarayuhang Aleman, sa minahan dala-dala ang makapal na telang kambas. Nang malaman niyang ang kailangan ng mga minero ay hindi tent o bubong ng bagon kundi pantalong may matibay na tela, tahi, at de-rimatseng bulsa para tumagal sa kanilang harabas na trabaho, ginawa ni Strauss na pantalong matibay ang kambas na dala at pinagbili sa mga minero. Umupa ng mga sastre si Strauss at mula noon, denims na ang ginagamit. Ang ngalang "denims" ay nagmula sa pangalang Serge de Nimes, o telang buhat sa Nimes, isang pook sa Pransiya at pinaikli na lamang ito sa denims. Rebelyon Sa Tipong Disente Ipinaliliwanag sa bahaging "Rebelyon Sa Tipong Disente" ang mga dahilan kung bakit naging katanggap-tanggap at sikat o tanyag ang pagsusuot ng maong. Ginamit ng iba't ibang klase ng tao sa lipunan ang denims bilang simbolo ng pagrerebelde sa mga hinihiling sa kanila ng lipunan. Para sa mga kabataang rebelde, nagustuhan nila ang pagiging gusgusin ng denims sapagkat ito ang estilong pinauso ng idolong si James Dean, lalo na pag kupas at punit-punit na ito. Para naman sa mga kababaihan, nais ng lipunan na ang isuot nila ay mga palda at saya. Sa pagsusuot ng denims, pinapakita ang katangiang unisex at pagiging pantay nila sa lalaki. Nagsilbi rin itong patama sa mga manyakis na nais sumilip sa kanilang mga palda. Maliban sa pagrerebelde laban sa lipunan, mayroon rin ibang nakapaloob sa pagsusuot ng maong, mga personal na dahilan. Kabilang dito ang pakikisunod sa moda o paggaya sa pananamit ng kanilang idolo upang masabi sila'y "in" at moderno. Para sa mga lalaki at iilang matatanda, ang pagsusuot ng maong ay nagbibigay rin ng damdaming macho. Para sa mga karaniwang estudyanteng kakaunti lamang ang damit, higit na mabuti ang pagsuot ng maong sapagkat hindi ito kapitan ng dumi at maaaring gamitin nang ilang beses bago labhan. Hindi Birong Salapi Ayon sa "Hindi Birong Salapi", basta pwedeng pagkitaan, tiyak na may maghahanap ng paraan na abusuhin ito at pagkikitaan nga ito ng lubusan. Halos mawala ang pasadya na paggawa ng denims sa mananahi sapagkat nang magtayo ng pabrika ng denims ang Levi Strauss, kumalat ng sobra-sobra ang denims na gawa ng dayuhan hindi lamang para sa Pilipino, kundi para sa iba't ibang Asyano na rin. Pinagkitaan nanaman tayong mga Pilipino ng milyon-milyon. Dahil sa katakawan, nawala ang sining ng pagtatahi at paggawa ng pasadyang denims at napalitan ng mga denims ng dayuhan na matagal nang kumikita mula sa iba't ibang lugar. Tatak Establisimiyento Rin Sa bahaging "Rebelyon sa Tipong Disente", isinaad ng may-akda na ang maong ay simbolo ng rebelyon laban sa lipunan at establisimiyento. Ngunit sa ikalimang bahagi, "Tatak Establisimiyento Rin", ipinahayag ng may-akda na ang maong ay naging kakatwang simbulo na rin ng establisimiyento. Ito ay dahil sa malinaw na kontrol ng negosyante. Tulad ng ipinahayag sa nakaraang bahagi, "Hindi Birong Salapi", pinagtutubuan ng malalaking kumpanya ang larangan ng denims. Ang mga mayayaman na negosyante, hindi ang mga karaniwang na mamamayan, rin ang nakabibili ng marami at magagandang pantalong maong. Uniporme ng Daigdig Ang denims ay naging unibersal na suotin ng buong mundo. Kahit anong kultura, kasarian, kabuhayan, hanap-buhay, o edad, ang lahat ng tao ay mayaring denims at mukhan tatagal pa ito. Mukhang hindi ito mawawala kahit kailan at tuwing may bagong nauuso, naghahanap ng bagong estilo ang denims, ngunit denims pa rin ito at hinding hindi mawawala. Isyung Panlipunan Kasangkapang Panretorika Pagbibigay-katuturan - binigyan- kahulugan ang salitang "denims"
Pag-iisa-isa - pagbibigay ng maraming katangian ng denims
Pabuod - pagbuod ng lahat na ito upang sabihin na imortal ang denims at kahit kailan hindi mawawala sapagkat dahil sa mga inilistang katangian ng denims, magahahanap palagi ito ng paraan na makisabay pa rin sa uso. Ang herarkiya sa lipunan, ang mayayaman at mahihirap. Tanging ang mga mayayaman lamang ang nakabibili ng mga pantalong maong na tunay, tulad ng Levi's, Guess, at iba pa. Ang mga mahihirap ay bumibili na lamang ng tela sa Dibisorya, maghahanap ng etiketa ng mga mamahaling brand names, at dadalhin sa sastre upang magpagawa ng pantalon.
Colonial mentality o kanluraning mentalidad ng mga Pilipino. Nais makisakay ng mga Pinoy sa mga pantalong tatak-dayuhan tulad na lamang ng Levi's, Faded Glory, at Amco. Sa Pag-uulat Nina Ponchit Apilado at Mariel Arboleda
Fil 12 Seksyon C Skinny Jeans Masikip mula hita hanggang paa Tapered Jeans Parang skinny ngunit maluwag sa puwet, pasikip habang aabot sa paa Straight Cut Sakto sa puwet, hita, at pasikip kaunti sa may paa Flare/Boot Cut Sakto sa puwet, kaso luluwag at palabas na pagkababa sa tuhod Wide Leg Katulad ng Flare cut ngunit mas maluwag sa may hita at kadalasan malalim ang bulsa. Sinusuot para hindi masyado mahalata ang hugis ng katawan Low Rise Sakto sa buto ng baywang ng tao ngunit ang mismong pantalon ay maaring kahit ano sa mga style na binanggit kanina. Mas bagay magsuot ng mahabang t-shirt o kaya magandang sinturon Anti Fit Maluwag sa puwet ngunit sakto lang pababa
Full transcript