Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Epekto ng larong DOTA sa mga kabataan

No description
by

Mary De Villa

on 22 February 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Epekto ng larong DOTA sa mga kabataan

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang mga Elektronikong kagamitan. Lumipas ang ilang
dekada, ito ay lumago, nakilala at naging bahagi na nang ating pang araw araw na pamumuhay.
Ngunit sa pagpasok ng hererasyong teknolohika maraming nadiskubreng mga larong
kinaaadikan. Isa na rito ang larong Defense of the ancient o mas kilala lang sa tawag na DOTA.
Ano nga ba ang larong dota? Anu-ano nga ba ang naiidudulot nito sa mga kabataan? Ito ba ay
nakakabuti o nakakasama?

Ang Defense of the ancient ay isang larong nagmula sa larong bidyo na Warcraft: Reign of
Chaos na nang maglaon ay naging Warcraft: Frozen Throne

Suliranin at Kaligiran nito
Kabanata I
Kabanata III
Disensyo at paraan ng pananaliksik
Kabanata IV
Kabanata II
Mga kaugnay na pag-aaral at literatura
Pamanahong papel
Epekto ng larong DOTA sa mga kabataan

Ang Mapa nito ay base sa
mapang “Aeon of strife” ng larong Starcraft. Ang layunin sa larong ito ay sirain ang mga
imprastruktura sa kampo ng kalaban. Ang bawat manlalaro ay mayroong katumbas na “yunit” na
kinokontrol. Katulad ng iba pang mga RPG, ang bawat manlalaro ay nag-iipon ng ginto pambili
ng gamit habang pinapataas ang antas ng kanilang karakter. Ang paglalaro ng Dota ay hindi
nagsimula bilang isang industriya o produkto na agad inihayag sa mundo. Sa panahon ngayon,
madaming kabataan ang sadyang naaadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng dota,
naaapektuhan ang isip ng manlalaro dahil nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro
niya.Karamihan ng naglalaro ng DOTA ay mga kalalakihan, sa kadahilanang ang larong ito ay
masyadong mapangahas. Sa katotohanan, hindi lamang ang kalalakihan ang pwedeng maglaro
ng DOTA.
Ito ay pwedeng laruin ng kahit sinuman, babae man o lalaki. Mayroon ding mga babae na mas magaling pa sa lalaki kaya hindi rin masasabing ang DOTA ay para lamang sa kalalakihan. May mga positibong epekto ang DOTA sa kaugalian ng kabataan. Una, nagbibigay ito ng kasiyahan sa kabataan.Marahil ito ang pangunahing dahilan ng pagkakabuo ng DOTA. Pangalawa,Natututong dumiskarte ang mga kabataan. Kailangan ng diskarte sa larong DOTA upang manalo.Sa larong DOTA napapaunlad ang pakikisama at pagkakaisa. Sa kadahilanan may mga kakampi sa pag-lalaro,kailangan makisama ka sa mga kakampi mo,kung ang isang koponan ay di magkakaisa, maari silang matalo sa laro. Napapaunlad din dito ang pagiging isport.Ang pagtanggap sa pagkatalo ay isang napaka buting ugali ng isang Pilipino. Dahil sa bangong varayti ng wikang nabu buo sa DOTA, na papaunlad din nito ang social na aspeto ng isang kabataan. Natututo ang isang tao na makipagusap sa mga kakampi.

Mayroon din itong negatibong epekto sa kaugalian. Nagbibigay ito ng kaadikan sa mga bata na
nagtutulak sa kanila na hindi pumasok sa klase. Pangalawa ay ginagawang sugal ang Dota na
pinagpupustahan ng mga bata. Ito rin ay pwedeng magdulot ng gulo o away kung natalo sa
pustahan ang isang koponan. Sa larong ito ay pinapakita ang pagpapatayan ng mga hero na
pwedeng magdulot ng negatibo sa pagiisip ng mga kabaaan. Dahil din sa Dota, ang mga
kabataan ay nakakagawang tumakas sa kanilang mga magulang. Naiisip din ng mga kabataan na
kumupit ng pera sa magulang na pamusta sa Dota. Sa bagong varayti ng wika, nagkakaroon ng
mga mura sa pagdodota. Ang iba ay isinisigaw ang mga salitang ito at ang iba naman ay
sinasabi ito sa mga chat. Ito ay ilan lamang sa mga negatibong epekto ng DotA sa kabataang
Pilipino.

Ang katotohanan sa likod ng dota ay hindi maganda. It ay isang satanic game. Sa
pangalan pa lang ng mga karakter at tema ng laro, mahahalata na ang larong ito ay inspirado
ng mythology, killing, bragging, devil at kung ano ano pang masamang elemento. Ito din ay
nageengganyo sa mga manlalaro sa tema nito na patayan: masmaraming mapapatay,
mas maraming pera at maging BEYOND GODLIKE (higit pa sa Diyos).
Ngunit sa kabila ng mga hinaing ng iba patungkol sa mga negatibong epekto nito. nakikita natin
na hindi naman puro problema ang dulot ng DotA sa buhay ng isang bata. May mga magandang
epekto rin naman ito. Pero hindi dapat naaadik ang mga bata sa paglalaro nito. Mas importante
pa rin ang mag-aral ng maayos sa pamamagitan ng pagbasa ng ating mga libro at pakikinig sa
guro. Nakakatulong lamang ang DotA. Iilang oras lang sa isang linggo ang ibigay natin para sa
Dota. Dapat ay humihigit pa rin ang ibinigay natin sa matinong pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa epekto ng paglalaro ng dota sa mga kabataan.
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa mga:
a.) Edad
b.)Kasarian
c.) Oras na ginugugol sa paglalaro ng Dota

Kahalagahan ng pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay bigyang impormasyon ang mga kabataan naglalaro ng dota ukol sa mga hindi magagandang epekto na kanilang maaaring sapitin kung sila ay magpapatuloy sa paggawa ng bagay na ito. Dagdag na rin dito ang pagnanais naming malaman kung balanse pa ba ang kanilang pananaw sa kahalagahan ng edukasyon at sa panandalian nilang kasiyahan at maituro sa mga libu-libong kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng dota. Batid kong mahalagang malaman ito ng mga manlalaro upang mabigyan ng limitasyon ang sarili sa paglalaro nito at mas pagtuunan ng pansin ang edukasyon.

Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakafocus sa mga kabataan, pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isa sa mga kabataan ay naglalaro ng dota at kung anu ba ang mabuti at masamang naidudulot nito. Ang pag-aaral na isinagawa ay nagpakita ng pagnanasa upang magamit ang paglalaro ng dota sa pag-aaral na hindi kadalasang nagbibigay ng higit na interes sa kanila. Ang mga pag-aaral rin na ito ay nagpapahayag ng ilang rekomendasyon upang maisakatuparan ang paghahangad na mapaunlad ang larangan ng edukasyon mula sa pag-aaral na ito at mapaalam sa mga kabataan ang halaga nito kaysa sa anumang bagay.

Depinisyon ng mga terminolohiya

DOTA- defense of the ancient
Aeon of strife- Mapa
RPG- Role playing games
Satanic game-nakaka adik na laro
Mythology-kwento ng alamat sa lumang bayan.
Bragging-pagmamayabang sa kalaban.
Killing-pagpatay sa kalaban, upang madepensahan ang sarili

Kung grabe na ang pagkahumaling ng mga kabataan sa paglalaro ng dota, nagkakaroon na ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag-iisip at ugali. Ang palagiang pagtutok sa computer ay nakakasira sa mata lalo na kung wala proteksiyon ito. Ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos ay nagdudulot ng pangangawit at kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang bahagi ng katawan. Ito ay sa kakulangan na rin sa ehersisyo. Nakakasira din ito sa pag-aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro at nawalan na ng oras para mag-aral ng leksyon, hindi makagawa ng mga takdang aralin, nahuhuli sa pagpasok at ang resulta ay ang mababang marka. At kung walang sariling computer at nagrerenta lamang, dito madalas nauubos ang kanilang pera imbes na pambili ng baon o pagkain kaya natututo silang mangupit sa kanilang mga magulang. At dahil ang mga bata ay naaadik sa dota maaaring hindi na nila maatupag ang paglilinis ng kanilang sarili at maaring maging tamad na sila sa mga gawaing bahay at kung ano pa man. Dahil din dito, natututo ang mga kabataang makipag-away. .(http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_epekto_ng_computer_games_sa_mga_mag-aaral_ngayon)
Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang pagsasabi ng “mag-aral ng mabuti”. Madaling sabihin pero ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V., napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang. Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang bumaba ang mga grades mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral at paglalaro. https://jr2quared.wordpress.com/2010/10/02/kabataang-pag-asa-ng-bayan-sa-panahon-ng-dota/
Disensyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral ang suliranin na kinakaharap ng mga estudyante ng Business Administration.
Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga kabataan na nawiwili sa paglalaro ng DOTA.

Instrumento ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito ay ginamit ang pagsasarvey upang sa ganon ay makuha ang propayl at suliraning kinakaharap ng mga kabataan. Ang mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri at malaman ang propayl at suliranin ng bawat respondent ng mga kabataan.

Tritment ng mga Datos
Dahil ang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng kompleks na istatistikal na pamamaraan. Pagkuha ng porsyento o bahagdan lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian sa kwestyuner ang inalam ng mananaliksik.

Full transcript