Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG SUGAT NA HINDI NAKIKITA

No description
by

Elias Cuesta

on 24 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG SUGAT NA HINDI NAKIKITA

ANG SUGAT NA HINDI NAKIKITA
(The Invisible Wound)
ni Karoly Kisfaludi

A. pagpuna sa pamgat ng akda
B. Pagkilala sa mga tauhan, ang kanilang mga katangian, pagkakatulad at pagkakaiba
C. Pagkilala sa tagpuan (pook at panahon)
D. Pagkuha ng kahulugan ng salita ayon sa pagkagamit sa pangungusap o linya
E. Pagkilala sa pangunahing kaisipan at tema ng seleksyon
F. Mahanap at makilala ang dahilan ng pagkilos at mga pangyayari sa loob ng seleksyon
G. Maibigay ang malinaw na pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento
H. Paglalagom ng katha
Pagpuna sa Pamagat
Sakit ng Ulo
sakit ng tiyan
sakit ng ngipin
internal bleeding
sakit sa puso
Ang Lalaki
Pagpuna sa pamagat at Mga Tauhan
Ang Asawa
Kondesa
Espesyalistang Siruhano
Pagkilala sa Tagpuan at Pagkuha ng kahulugan ng salita
Bayan ( 18th century)
Kastilyo (18th century)
bahay ng mag-asawa
higaan ng siruhano
Kahulugan ng mga salita ayon sa gamit
kumikirot - "iyon ba ang kumikirot?"
Nakapanlulumo- "Oo. Nakapanlulumot sa kirot"
Maipipintas-" walang Maipipintas sa lusog ng balat"
pakikibaka-" pakikibaka sa kirot na nararamdaman ko"
Nananalaytay-" Nananalaytay sa bawat ugat ng aking katawan"
kahulugan ng salita ayon sa gamit
Kataksilan
- " isang
kataksilang
hindi mapatawad"
Nakipagtalimpusok
-"
nakipagtalimpusok
ako noon ng isang taon"
pinakamatalik
-" isa sa
pinakamatalik
kong kaibigan"
Tema ng seleksyon at dahilan ng pagkilos at mga pangyayari sa loob ng seleksyon
TEMA
DAHILAN NG PAGKILOS AT MGA PANGYAYARI SA SELEKSYON
Ang pagtitiwala ang pangunahing pundasyon sa bawat relasyon. Ang pangunahing tema sa "Ang sugat na hindi nakikita (the invisible wound) ni Karoly Kisfaludi" ay ang pagtitiwala mo sa iyong minamahal. Mahirap makuha ang tiwala na isang tao maraming mga proseso ang kinakailangan pero ang pinaka mahirap sa proseso ay ang pagdesisyon mo kung kailan mo pagkakatiwalaan at kung paano mo haharapin ang mga pagdududa at para sa akin ang pinaka magandang paraan upang malaman mo ang katotohanan at maharap ang pagduda ay KOMUNIKASYON.
Pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kwento
Ang espesyalistang seruhano ay nagkaroon ng pasyente na labis ang pagmamadali.
pumasok ang isang lalaki kagalang galang na magwawaring nagmula dakong kabilang sa mataas na lipunan
Humingi ng tulong ang lalaki sa siruhano upang gamutin ang kirot na nadarama sa kanyang kanang kamay.
Pinatistis ng lalaki ang kanang kamay sa siruhano dahil hindi na niya matiis ang sakit at nawala naman ang kirot.
Tatlong linggo ang nakalipas at idinaraing na naman ng lalaki ang napakakirot na bahaging tinitiis noon. Tinistis muli ng siruhano ang kanang kamay ng lalaki at nagpaalam itong may bakas ng kalungkutan sa pagsasalita.
Nakalipas ang isang buwan at hindi na muling bumalik ang lalaki. Lumipas pa ang isang linggo, sa halip na ang lalaki ang dumating ay isang liham mula sa kanya ang dumating.
Ipinabatid ng lalaki sa liham ang pinagmulan ng sakit niyang iyon. Ikinuwento niya ang mga pangyayari anim na buwan na ang nakalipas
Isang babaeng napakaganda, napakabait at napakahinhin ang kanyang kapalaran at sila'y nagsama. Pinaghinalaan niyang nagbabalatkayo lamang ang babaeng kanyang minamahal dahil sa kahong lagi nitong sinususian sa maliit na mesang panahian.
Isang araw ay naanyayahan sila ng kondesa na maghapunan sa kastilyo at sinabi ng lalaki na susunod lamang siya.
Pagkaalis pa lamang ng karwahe ay agad nitong sinimulang buksan ang kahon. Ang kahon ay naglalaman ng mga liham ng pag-ibig.
Habang natutulog ang asawa ay ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa leeg nito at buong diin itong sinakal. Nailibing ang babae ng walang alingasngas.
Nang sapitin ng lalaki ang kanyang tahanan ay siya namang dating ng kondesa.
Nakiramay ito at sinabing may ipagtatapat siyang lihim. Sinabi ng kondesa na may ipinagkatiwala siyang liham sa asawa nito at kung maaari niya itong makuha
Nakaramdam ng matinding panlalamig ang lalaki dahil sa kanyang nalaman. Hustong isang linggo pagkatapos ng libing ay nakaramdam siya ng matinding kirot na nanunuot hanggang buto sq bahaging nalagpakan ng dugo ng kanyang asawa.
Parusa iyon sa kanya dahil sa malupit at pabigla-biglang pagkitil sa buhay ng kanyang asawa.
Sinabi ng lalaki sa liham na susunod na siya sa kinaroroonan ng kanyang asawa at pagpipilitan na makamit ang kanyang kapatawaran
paglalagom ng katha
Nag simula ang kwento ng pumunta ang isang lalaking may sakit sa bahay ng doktor. Kinwento niya ang lahat ng nararamdaman at kung gaano kasakit ang kanyang sugat. Sinuri ng doktor ang kanyang kamay at sina i ng lalaki na huwag syang magulat kung wala siyang makikita na sugat sa kanyang kamay. Pag katapos tingnan ng doktor ang kanyang kamay, nag pursige ang lalaki na tistisan ang kanyang kamay.

Pagkatapos tistisan ng doktor ang kamay ng lalaki, nawala ang dinadamdam na sakit at malaki ang pagpapasalamat niya sa doktor. Pagkalipas ng tatlong linggo, bumalik ang lalaki sa tahanan ng doktor sabay sabi na, "Hindi sapat ang lalim ng pagkahiwa mo, nag balik ang kirot ng higit pa sa dati." Sinuri ng doktor ang kamay at tinistisan muli ang kamay ng lalaki. Pagkatapos, sabi ng lalaki na babalik raw siya pagkalipas ng isng buwan para ma tistisan muli ang kamay.

Pagkalipas ng isang buwan, hindi na bumalik ang lalaki ngunit nakatanggap ang doktor ng liham mula sa lalaki.

Ang laman ng liham ay kung gaano kasay ang lalaki sa kanyang buhay. Masaya ang kanyang buhay kasama ang kanyang maybahay. Pero, namasdan niya na may kahon na sinususiuan sa ibabaw ng panahian ng kanyang maybahay. Isang araw, dumalay ang kondesa sa kanila at nahimok niya ang maybahay ng lalaki na sumama sa kanya. Binuksan ng lalaki ang kahon at nagulat sya sa kanyang nabasa. Binalik nya ang lahat ng sulat sa kahon at sinarado ito.

Pagkabalik ng asawa, niyakap na ito ma pawang walang nangyari. Nag-usap sila at bigla niya itong sinakal at hinay hinay na nawalan ng buhay ang kanyang maybahay. May pumatak na dugo sa kanyang kamay na kung saan ang sugat na hindi makikita sumasakit.

Dumalaw ang kondesa sa libing ng maybahay ng lalaki at sinabi sa lalaki na may ipagtatapat siya. Nagulat ang lalaki ng malaman niya na hindi pala nagkaroon ng relasyon ang kanyang maybahay at ang kondesa. Pinatago lamang ito ng kondesa sa kanyang maybahay kasi hindi niya ito matago sa kanilang tahanan dahil sa uri ng naturang liham.
WAKAS
Ang kwentong "ANG SUGAT NA HINDI NAKIKITA" ay nag papakita na isang lalaki ay naghahanap ng lunas sa sakit ng kanang kamay...idinaing niya ito sa doktor upang i-tistis upang mawala ang sakit. Sabi dito na ang dahilan ng pagkirot ng kanang kamay nya ay sa pagtulo ng dugo dito ng kanyang asawa na mismo sya ang sumakal upang mamatay.....ngunit ang totoo ay nasiraan na sya ng bait dahil sa kanyang nagawa at naghanap lang sya ng dahilan...ang totoo ay may sakit na sya sa pag-iisip at kailangan nya ng ipa MENTAL HOSPITAL...
Full transcript