Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Awit ni Maria Clara

No description
by

Rose Anne Bacos

on 20 January 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Awit ni Maria Clara

Awit ni Maria Clara
Background
binubuo ng tatlong saknong na may apat na taludtod
tulang inawit ni Maria Clara
nilapatan ng tugtog ni Juan Hernandez
Maria Clara
Siya ang kasintahan ng bidang si Crisostomo Ibarra
Ang sinasabing larawan ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Pinalaki nina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel ngunit siya'y anak ni Padre Damaso at nang namatay na si Donya Pia Alba.
Background
tulang isinulat ni Rizal noong 1887
matatagpuan sa kanyang nobelang 'Noli Me Tangere' na sinimulang isulat sa Madrid,Spain at natapos sa Berlin, Germany na nasa Kabanata XXIII 'La Pesca' o Ang Pangingisda
Background
Canto de Maria Clara
Song of Maria Clara
Awit ni Maria Clara
A crayon sketch of Leonor Rivera, the basis of the "María Clara" character in José Rizal's Noli me tangere.
(wikipedia)
Kabanata XXIII
'La Pesca' o Ang Pangingisda
Sa kabanatang ito inawit ni Maria Clara ang tulang ito.
Napagkasunduan ni Maria Clara at Ibarra ang pamamasyal
kasama ang mga kaibigan ni Maria Clara na sina Victoria, Sinang, Iday at Neneng, mga magulang at ang mga kalalakihan.
Pinaghiwalay ang mga babae at lalaki sa dalawang bangka na may mga palamuti.
Lumipat ang mga lalaki dahil sa nagkakagulo ang mga babae dulot ng butas sa bangka.
Habang naghihintay sa isdang huhulihin, nagsimulang tumugtog si Iday

Hinilingan ng mga matatanda si Victoria, ngunit tumutol ang mga kalalakihan.
Pinilit nilang umawit si Maria Clara at ito ang kanyang inawit.
Punung-puno ito ng damdamin kaya naman ang mga kababaihan ay napaluha at tumahimik ang lahat.
Nagsigawan ang mga babae nang marinig ang isang malakas na tunog na nanggaling pala kay Albino na kasama rin sa pamamasyal at napalitan ng saya ang kanilang mga luha.
Si Maria Clara sa nobela ni Rizal ay ibinatay sa naging kasintahan at pinsan ni Rizal na si Leonor Rivera.
Ang Awit ni Maria Clara
Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling
bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing
sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan
man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na
walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng
ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang
tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang
mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang
nagmamahal.
Mga Reperensiya
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/ang-awit-ni-maria-clara.html

http://www.scribd.com/doc/215870195/Canto-de-Maria-Clara#scribd

Mula Sa Wikipedia.org - Maria Clara

Librong 'Noli Me Tangere' Salin at Anotado ni Enedina G. Villegas
INTERPRETASYON



Hindi lamang ukol sa bayan ang tulang ito ngunit sa pagiging Inang Bayan (motherland) ng Pilipinas sa halip na Amang Bayan (fatherland).
Itinuturing na isang ina ang bansa - inang nirerespeto at pinapalaki ang mga mamamayan bilang kanyang mga anak.
Bayan - pangunahing tema ng Awit ni Maria Clara
Sa unang saknong ng tula ay ipinahayag ni Maria Clara ang kanyang matamis na pagmamahal sa bayan gayundin ang masasayang karanasan na gustung-gusto niya. Ang mapagpalang halik ng araw, ang magandang panahon, ang masarap na simoy ng hangin na kanyang nadarama sa sariling bayan ay nagbibigay sa kanya ng kasiyahan at kapanatagan.
Sa ikalawang saknong naman, ipinahayag niya ang pagiging Ina ng ating bayan. Kung paano magmahal ang isang ina sa kanyang bayan. Ang pakiramdam ng nasa bisig ng iyong ina, ang kanyang pag-aaruga, sa paggising sa umaga at masilayan siya ay nagbibigay ng kasiyahang di mapapantayan.
Sa huling saknong, ipinababatid nito na kaysarap mamatay para sa sariling bayan. Magaan at masaya sa pakiramdam ang mamatay nang nagmamahal ka sa iyong lupang pinagmulan. Kahit anong mangyari, saan ka man pumunta,sa ibang bansa man, may mga tao pa ring ninanais bumalik sa sariling bansa at doon manirahan.
Batay sa nabanggit ni Rizal, ang mga kababaihan ay may mahalagang katungkulan:
1.Pagbubukas ng loob ng mga lalaking anak.
2.Pagpapalakas ng loob sa kanyang asawa.
Ayon pa sa kanya, ang pagbubuo sa loob ng mga kalalakihan ay nakatuon sa paglikha ng mga“bayaning puso”na maghihimagsik upang ipagtanggol ang bayan—ipagtanggol ang kanilang ina.
Sa kabuuan, ito ay tumatalakay sa ina at ang bayan - ang ina bilang nagbubuo ng loob ng mga kalalakihan upang maipagtanggol ang bayan. Kung pag-iisahin ang ina at bayan bilang Inang Bayan, maaaring sabihin na ang Inang Bayan ay nagbubuo ng loob o damdaming nasyonalismo upang makabuo ng mga tagapagtanggol nito.Kaya ang bayan, bilang isang ina at isang babae, ay kailangang ipagtanggol, mahalin at alagaan. Dahil sa sandaling ang ating ina ay mawala, tayo ay makararamdam ng kawalan ng kasiyahan, tahanan at pagmamahal.
KAHALAGAHAN
Makahihikayat ito ng mga tao upang patuloy na magpahalaga at magmahal sa bayan katulad ng pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.
Magsisilbing instrumento upang mailarawan at maipahayag ni Rizal ang kanyang mga naisin tungo sa ikauunlad ng bayan
Mapapataas nito ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
Full transcript