Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

No description
by

Jon Alvarez

on 15 August 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Pele
Mga Tauhan
Haumea
Kane-milohai
Inihanda ni:
Jon Kleyton G. Alvarez

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
-Si Pele ay ang diyosa ng apoy.
Namaka
-Si Namaka ay ang diyosa ng tubig.
-Siya ang diyosa ng makalumang kalupaan, ang ina nina Pele at Namaka, at ang asawa ni Kane Milohai.
-Siya ang diyos ng kalangitan na asawa ni Haumea.
Hi'aka
-Siya ang diyosa ng hula at ng mga mananayaw. Siya ang bunsong kapatid (na nasa itlog pa lamang) na ipinagkatiwala nina Haumea at Kane Milohai kay Pele.
Lohi-au
-Siya ang kasintahan ni Pele na tinulungan ni Hi'iaka, ngunit ayon sa kuwento, minahal naman siya nito.
Ohi'a at Lehua
-Si Ohi'a ay isang lalaki na nagustuhan ni Pele, pero tinanggihan siya ni Ohi'a dahil may asawa na siya, na ang pangalan ay Lehua.
Buod
May isang pamilya na nakatira sa Tahiti. Ang nanay ay si Haumea, ang diyosa ng makalumang kalupaan. Ang tatay naman ay si Kane-Milohai, ang diyos ng kalangitan. Mayroon silang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki. Dalawa sa mga ito ay sina Pele at si Namaka. Si Pele ay diyosa ng apoy, pero si Namaka naman ay diyosa ng tubig. Nagkaroon ng matinding alitan na namamagitan sa kanilang dalawa dahil naniniwala si Namaka na inagaw ni Pele ang kabiyak niya. Hindi naayos ng kanilang mga magulang ang kanilang alitan. Hindi natupad ang kanilang solusyon dahil naakit si Pele sa apoy na nadiskubre niya sa kailaliman ng lupa. Binabalaan siya ng kanyang ina na huwag makipag laro sa apoy, pero hindi siya nakinig. Isang araw aksidenteng nasunog ang buong isla ng Tahiti ng dahil kay Pele. Kaya talagang nagalit si Namaka at nagbantang ilubog ang buong isla. Kaya umalis ang buong pamilya sa pamamagitan ng isang bangka. Nakatakas sila sa isang isla at duon na sila tumira. Dito napisa ang itlog na naglalaman ng ng bunsong kapatid ni Pele, na ipinangalang Hi'iaka na itinuring na diyosa ng hula at ng mga mananayaw. Naging tanyag at labis na humanga ang mga tao kina Pete at Hi'iaka dahil sa kanilang kagandahan at husay sa pag sayaw na ikinainis ng apat na diyosang naninirahan din sa isla. Nagplano ang apat na diyosa na paalisin sila sa isla. Kaya naman sa tuwing makapagpapatayo ng tahanan si Pele ay binubugahan nila ito ng niyebe. Kaya napilitan ang pamilyang magpalipat lipat ng tahanan. Sa huli ay nakahanap si Pele ng isang ligtas na lugar, itoy napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa. Ngunit hindi pa rin sumuko si Namaka pilit niyang pinapaabot ang along kanyang pinakakawalan. Hindi nag patalo si Pele ginamit niya ang apoy upang makaganti kay Namaka. Upang mailigtas ang kanyang pamilya, pinagliyab niya ang bundok na umabot ang init sa kalaliman at naging dahilan ng pag putok na na naging lava na lumabas sa tuktok ng bundok. Nang matuyo ito tinawag itong isla ng Hawaii o "The big Island." Bagama't nanalo siya sa laban nila ni Namaka namatay si Pele. Siya ay naging espiritu at nagagawa nitong baguhin ang sarili niya. Minsan siyay nagbabalatkayo, minsan ay isang napakagandang dalaga. Minsan ay inakit nito ang makisig na si Ohi'a ngunit siya ay may asawa na si Lehua.
Hopoe
Kane-milo
Mahalagang Pahayag
Aral
Labis na nanibugho si Pele kay Ohi'a kaya nagpakawala ito ng matinding apoy kaya si Ohi'a ay naging isang sunog na puno. Nagmakaawa siya kay Pele at dahil sa lumambot ang puso ni Pele ay ginawa niya si Lehua na halamang may pino at magagandang pulang bulaklak. Kaya mula noon hanggang ngayon kapag may pumutok na bulkan ang nabuong lava unang unang sumisibol sa lupa ang magkadikit na puno at Ohi'a at ang mga bulaklak ng lehua. Kaya ang paniniwala sa Hawaii kapag maganda ang panahon magkadikit ang mga ito ngunit kapag biglang umulan may paniniwala silang may pumipitas sa bulaklak ng Lehua. Pinaniniwalaan nilang ang ulan ay luha ni Lehua na ayaw mawalay sa kanyang pinakamamahal na si Ohi'a. Ngunit hindi dito natapos ang pagiging selosa ni Pele. Ang naging sunod na biktima niya ay ang pinakapaborito niyang kapatid na si Hi'iaka. Minsang naglalaro sina Hi'iaka at ang matalik niyang kaibigang si Hopoe nang inutusan ni Pele na sunduin ni Hi'iaka ang kanyang kasintahang si Lohi'au. Nagsimulang maglakbay si Hi'iaka sa mahaba at mapanganib na pag lalakbay. Nadatnan niyang halos patay na dahil sa pagkakasakit si Lohi'au sa pagaakalang nakalimutan na siya ni Pele na balikan. Tinulungan ni Hi'iaka na gumaling si Lohi'au na naging dahilan upang maging malapit ang loob nila sa isat isa. Bagama't nakadama ng pag ibig si Hi'iaka kay Lohi'au pinigil niya ito dahil ayaw nyang masaktan ang kanyang ate Pele. Dahil sa paninibugho, nasunog ni Pele ang hardin na ipinagbilin ni Hi'iaka na alagaan ni Pele, at maging ang kanyang matalik na kaibigang si Hopoe ay nag mistulang taong bato. At dahil sa galit ni Hi'iaka hinagkan niya si Lohi'au na ikinamatay nito dahil sa lava na dumaloy mula kay Pele. Huminge si Hi'iaka ng tulong sa kanyang kuya na si Kane-milo upang buhayin muli si Lohi'au, at ng magkitang muli sila ni Hi'iaka ay nagpasya silang lumayo sa isla ng Hawaii upang makaiwas sa galit ni Pele. Pinagsisihan ni Pele ang nagawa niya sa kanyang pinakamamahal na kapatid. Mula noon, hinayaan na ni Pele ang kanyang kapatid na si Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay ng tahimik at payapa. Upang ipakita ang kanyang pagsisisi biniyayaan niya ng masaganang pagsibol ang anumang itanim sa kanilang lupain bilang pagppakita ng pagmamahal sa kanyang bunsong kapatid na si Hi'iaka.
Nakakasira ng pagsasama ng isang pamilya ang selos kahit na nga mahal pa ng miyembro nito ang isa't isa. Nag dudulot ito ng di-pagkakasundo at alitan na nagigigng dahilan ng pagkasira ng samahan.

Humingi ng tawad kung nakagawa ka ng di magandang bagay sa iba. Aminin ang iyong pagkakamali.

Magpakita ng pag ibig sa lahat . Huwag maging magagalitin upang maiwasan ang kapahamakan ng iyong sarili at ng iba.


"Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba ninyo ako pilit na inilalayo rito?"

"Buhayin mo po ang asawa ko o gawin mo na rin akong isang halaman upamg magkasama na kami habang buhay. Hindi ko kakayaning mapawalay sa kanya. Mahal na mahal ko po siya."

"Dadalhin ko po rito si Lohi'au para sa iyo pero alagaan mo sana ang aking hardin habang wala ako."

"Kuya, tulungan mo akong makuha ang kaluluwa ni Lohi'au sa kalaliman ng lupa."

-Panganay na kapatid nina Pele at Hi'iaka.
-Matalik na kaibigan ni Hi'iaka. Namatay siya at nagmistulang bato dahil natabunan siya ng lava.
Pagsusulit
1. Si Namaka ang diyosa ng __________.
2. Sino ang mag-asawa na pinagselosan ni Pele?
3. Ano ang pangalan ng bundok na inakyat ni Pele?
4. Sino ang ama ni Pele?
5. Saan nakatira noon ang pamilya ni Pele?
Full transcript