Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang disiplina.

No description
by

Ron ron Tukodlangit

on 6 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang disiplina.

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang disiplina.
I. Pagbasa sa tekstong Akademiko at Propesyonal
MGA URI NG PAGSULAT
PAGBASA NG TEKSTONG PANG-AGHAM PANLIPUNAN AT PANGKASANAYAN
PAGBASA NG TEKSTONG PANGMATEMATIKA AT PANG-AGHAM
Ang pagbasa sa tekstong akademiko at propesyonal ay nangangailangan din ng masusing pag-aaral sapagkat mat ginagamit na natatanging wika sa iba’t-ibang disiplina. Ang mga tekstong ito ay may sariling rejister ng wika na kailangan maunawaan ng mga mambabasa.
Teknikal na Pagsulat
Referensyal na Pagsulat
Akademikong Pagsulat
PAGBASA NG TEKSTONG PAMBATAS
Pagbasa sa tekstong Akademiko at Propesyonal
Pagbasa sa tekstong Akademiko at Propesyonal
Ang mga kurso sa agham panlipunan ay nangangailangan ng malaking panahon sa pagbabasa. Ang mga teksbuk sa ekonomiks ay may tambak-tambak na impormasyon na kailangang basahin nang maingat ng mga estudyante at siguruhing naunawaan ang mga naunang aralin bago magpatuloy sa pagbasa.
Ang Agham panlipunan ay isang disiplina na nagsusuri sa ugnayan ng mga tao sa lipunan at kung paano sila nakikitungo sa isa’t-isa at sa kanilang kapaligiran.
Ang mga teksbuk sa matematika at agham ay ginawa upang maintindihan ng mga estudyante. Binibigyang-linaw rito ang mga pamagat at pantulong na pamagat at kasama rin dito ang mga pantulong sa pag-aaral tulad ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon at mga pagpapaliwanag sa teksto.
Halimbawa:
KABANATA II. MGA TIYAK NA TADHANA SA MGA KAPANGYARIHAN MAGPATAW NG BUWIS AT LUMIKHA NG MAPAGKAKAKITAAN NG MGA PAMAHALAANG LOKAL.

ARTIKULO I. MGA LALAWIGAN
SEKSIYON 6. SAKLAW NG KAPANGYARIHAN- Maliban kung may ibang itinaktakda sa kodigong ito, ang lalawigan ay maaaring magpataw, bukod sa iba pa, ng mga buwis, bayarin o butaw na tiyakang tinutukoy sa artikulong ito.

Ang teknikal na pagsulat ay isang praktikal na kamunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t-ibang uri ng mababasa. Karaniwan itong naglalaman ng mga paksang panteknikal. Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pagaayos halimbawa, ng kompyuter, pagbuo ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal.
Ang teknikal na pagsulat ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. Hangarin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng isang bagay. Kasama rito ang mga ulat panlaboratoryo, proposal at iba pang uri ng propesyonal na dokumento.
Ang referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Ang ilang halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan.
bago ka sa daigdig na pang-akademiko, kailangan mong maunawaan ang akademikong pagsulat. Ito ay may sinusunod na particular na kumensyon na kailangan mong malaman. Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.
Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:

• Pormal
• Obhetibo
• Maliwanag
• May Paninindigan
• May Pananagutan.

Sa pagsulat ng tekstong referensyal, isaalang alang ang mga sumusunod.
1. Sumulat ng tesis na nagpapahayag ng kabuuang impormasyon na nais iharap sa mambabasa.
2. Ihara pang wasto at komprehensibong katibayan na susuporta sa tesis.
3. Upang maging komprehensibo, ang impormasyon ay kailangang sumasagot sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, at paano. Sa pagbibigay ng interpretasyon, ang kongklusyon ay kailangang sumasagot sa tanong na bakit.
4. Huwag magbigay ng haka-haka o pala-palagay.
5. Sikaping maging obhetibo at walang kinikilingan.
6. Huwag gumamit ng panghalip sa una at ikalwang panauhan sa paglalahad ng impormasyon.
7. Maaaring gumamit ng pormal at di-pormal na wika.
Full transcript