Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA SINAUNANG NINUNO NG MGA PILIPINO

No description
by

BelLe Santos

on 14 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA SINAUNANG NINUNO NG MGA PILIPINO

Mga sinaunang ninuno ng mga Pilipino:
MGA SINAUNANG NINUNO NG MGA PILIPINO
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
NEGRITO
indones
MALAY
NILALAMAN
PAGSULIT
1. Ang kauna-unahang tao na nakarating
sa Pilipinas ay ang mga:
A. INDONES
B. MALAY
C. NEGRITO
2. Anu- ano ang karaniwang sandata ng mga Negrito?
A. Pana at Palakol
B. Busog at Palaso
C. Baril at Kanyon
3. Sa tatlong pangkat, sino sa kanila ang mas maunlad?
A. Malay
B. Negrito
C. Indones
4.Ang mga Negrito ay nakatira sa?
A. Mansyon
B. Bahay kubo
C. Walang tiyak na tirahan
Sumapit ang mga Negrito sa kapuluan may 25,000 hanggang 30, 000 taon na ang lumipas.
Sila ay pinaniniwalaang buhat sa kalagitnaang Asya nang bumabaw ang dagat at nakalakad sa lupang lumitaw mula Vietnam, Indonesia at Malaysia.
Nakilala ang mga Negrito sa iba’t ibang katawagan tulad ng ITA, AETA, AGTA, BALUGA, at iba pa.
Bahagya lamang ang saplot ng kanilang katawan, walang tiyak na tirahan, walang malinaw na tahanan.
Pandak, maitim, bilugan ang ulo, at malapad ang ilong.
Umaasa lamang sila ng ikabubuhay sa kalikasan at ang kanilang pagkain ay di na halos niluluto at kinakain ng hilaw.
Ang mga negrito ay nagpaparingas ng apoy sa pamamagitan ng
“PAN-A-HAN” (dalawang putol na kawayan ang pinagkikiskis hanggang sa lubusang uminit at mapagdingas ang kusot na nasa pagitan nito.)
Ang kanilang sandata ay
BUSOG AT PALASO.
Sumunod na pangkat na sumapit sa kapuluan. Sila’y buhat sa timog silangang asya at sakay ng mga bangkang magaspang ang kayarian.
Ang panahon ng kanilang pagdating: tinawag na new stone age at sila’y binubuo ng 2 pangkat.
Ang una'y dumating mga 5,000 - 6,000 na ang taong nakararaan, at ang ikalawa'y mga 3,500 - 4,000 taon naman.
Ang unang dumating ay matangkad kaysa pangalawa, may karaniwang taas na mula 5 talampakan-at-apat-na-pulgada hanggang 6 talampakan-at-dalawang-pulgada, balingkinitan ang katawan, maputi, matulis ang hugis ng mukha, manipis na labi, matangos ang ilong, malapad ang noo at malalim ang mga mata.
Ang pangalawang pangkat ay pandak, higit na matipuno, maitim, pangahan, malapad na mukha, malaki at makapal na ilong, malaki ang bibig makapal na labi at malaki ang mga mata.
Ang mga Indones ay higit na maunlad ang pamumuhay kaysa Negrito. Bukod sa pangangaso at pangingisda, marunog magsaka at magtanim ng mga palay, gabi at iba pa. Niluluto nila ang kanilang pagkain sa mga paso. Malimit ding iniihaw nila ang anumang kanilang kinakain.
Ang panakip ng mga Indones ay mga balat ng hayop at balat ng punongkahoy kung saan kanilang hinahampas hanggang lumambot upang maginhawang maibalot sa kanilang mga katawan.
Ang kanilang kasangkapan ay yari sa bato, at tulad sa kasalukuyang asarol at pait. Mahusay sila sa paggamit ng sumpit, gumagamit din sila ng busog at palaso, sibat at kalasag. Nagsimulang magtunaw ng tanso dito at nagsimula ring gumamit ng pandayan.
Ang mga Malay. Isang pangkat ng tao na sumapit sa Pilipinas sa pagitan ng mga taong 300-200 B.C.
Sila’y lulan ng may kalakihan na ring mga Bangka na yari sa mga inukit na punong kahoy.
Ang mga pangkat na ito’y binubuo ng mga Malay na nagbuhat sa kanlurang pampangin ng Palawan at Mindoro.
Ang ilan sa kanila’y sa celebes strait nagdaan patungo ng Mindanao at Visayas.
Higit na maunlad ang pamumuhay ng Malay sa mga Negrito at Indones.
Sa kapuluan, sila ang nagsimula ng paggamit ng irigasyon sa pagsasaka, gayon din ang pagtutunaw at pagpapanday upang makayari ng mga kasangkapang bakal at metal.
Marunong ding mag alaga ng hayop ang mga malay. Sila ang naunang gumamit ng kabayo, kalabaw at aso bilang mga hayop na katulong sa paggawa.
Isang pang uri ng Malay na sumapit sa kapuluan sa pagitan ng mga 100 at ikalabinpitong siglo. Ito’y ang pangkat na marunong gumamit ng alpabeto.
Sinundan sila ng isa pang pangkat, ito’y ang mga muslim Malay. Ang kanilang mga inapo ay matatagpuang namumuhay ngayon sa Mindanao at Sulu.
Full transcript