Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

"KADAHILANAN NG MGA KABATAANG MAAGANG NALULONG SA MASAMANG B

No description
by

Victorio Durang

on 27 February 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of "KADAHILANAN NG MGA KABATAANG MAAGANG NALULONG SA MASAMANG B

"KADAHILANAN NG MGA KABATAANG MAAGANG NALULONG SA MASAMANG BISYO SA BANSANG PILIPINAS"
Panimula
SAKLAW AT LIMITASYON SA PAG-AARAL
Ang pananaliksik tungkol sa “Maagang Pagkalulong sa Masamang Bisyo ng Kabataan” ay sumasakop lamang sa masamang naidudulot ng pagbibisyo sa katawan ng tao dito sa bansang Pilipinas. Ang pananaliksik sa aming paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng maagang pagbibisyo.
LAYUNIN

Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin:
KAHALAGAHAN SA PANANALIKSIK
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Mga posibleng suliranin na maidudulot sa mga kabataang maagang nalulong sa masamang bisyo ayon sa mga sumusunod:
1. Paano ba maitutuwid sa tamang landas ang mga kabataang maagang nalulong sa masamang bisyo?


2. Anu ang mga posibleng hakbang upang maibsan ang paglaganap ng mga kabataang maagang nalulong sa masamang bisyo?
UNA...
Paglalahad ng mga programang makapupukaw ng atensyon at interes na maaaring makatulong sa mga kabataan na maagang nalulong sa masamang bisyo
PANGALAWA...
paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa magaang pagkalulong sa bisyo
3. Paano ba naapektohan
ang mga desisyon ng mga
batang lulong sa masamang
bisyo?

4. Paano ba mapipigilan
ang pagtaas ng kaso sa mga
batang lulong sa bisyo?
Sa makabago at modernong panahon ngayon, hindi maikakaila na maraming kabataan ang naligaw ng landas dahilan sa pagbibisyo. Tulad nalang ng alak, sigarilyo at mas malala pa ay ang paggamit ng droga.
Maraming tao ang nahuhumaling na gumamit nito at tila nagiging normal at walang pakiaalam ang karamihan sa gawaing ito dahil ito narin ang kanilang kinasanayan. Lalong lalo na sa mga kabataan na walang kamuwang-muwang kung ano ang maaaring ikadudulot nito.
Kung iyong mapapansin, saan ka man makatingin ay maraming kabataan ang naiimpluwensyahang magbisyo dahil mismo kapwa kasama nila ang nagtutulak para gawin nila ito. Kahit isang kahig isang tukang pamumuhay ay nagagawa parin nilang makapagbisyo kaya naman malaki ang pagbabagong naidudulot nito sa kanilang pamumuhay
Dagdag pa rito, maraming bilang ng kabataan ang nalululong at pabata ng pabata ang naitatala sa pagbibisyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit maraming solusyon at batas ang isinasagawa at ipinatutupad ng ating gobyerno upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng mga gawaing ito.

Maituturing na isa sa mga pangunahing suliranin na dapat pagtuunan ng pansin ng karamihan upang ito ay tuluyan ng mawakasan.
PANGATLO...
Pagtatala ng mga karaniwang dahilan na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na lulong sa bisyo at mga karaniwang epekto ng bisyo lalo na kung bata pa lamang ay nasimulan na ang ganitong gawain
PANGAPAT...
at pagbibigay ng ilang mga
mungkahi at solusyon upang
makatulong sa mga nais tumigil
sa pagbibisyo.
Estudyante/Mag-aaral. Ang pag–aaral na ito ay magsisilbing batayan kung lahat ba ng mga mag-aaral ay nakakaalam kung ano ang masamang naidudulot sa maagang pagkalulong sa masamang bisyo. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga estudyante para maunawaan ang maaring maging bunga nito sa ating kalusugan.
Mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito, malalaman ng mga guro kung gaano karami ng kabataan ang nasasangkot sa masamang pagkalulong sa bisyo. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maitutulong sa mga guro at kung ano ang kanilang gagamiting paraan para maiwas ng kanilang mga estudyante sa ganitong klase ng bisyo.
Mga Magulang. Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga magulang kung ano ang pananaw ng kanilang mga anak sa pagkalulong sa masamang bisyo. Malaki ang ginagampanan ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak kaya ay nararapat lamang na makialam at maunawaan ang suliranin na ito.
BATAYANG KONSEPTWAL/BATAYANG TEORETIKAL
BATA/
KABATAAN
BARKADA
IMPLUWENSYA
SA BISYO
(alak, sigarilyo, droga)
EPEKTO NG BISYO
SOSYOLOHIKA
PISIKAL
MENTALIDAD
EMOSYONAL
Takot makipag
halubilo sa iba
Pamumula ng
mata
Pagkabalisa
Pumapayat
Pangingitim ng ngipin at gums
Pumatay ng tao
Magnakaw
Manakit
Wala sa tamang pag.iisip

Sensitibo
Madaling magalit

Makikita sa dyagram na ito ang epekto sa mga kabataan ang maling pagpili ng mga barkada na naiimpluwensyahan ng masasamang bisyo gaya na lamang ng paginom, paninigarilyo at higit sa lahat ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot o droga.
Ang bawat bisyo ay may epekto sa mga tao ma sosyolohikal, pisikal, mentalidad at emosyonal man. Sa bawat sangay makikita ang ibat ibang epekto at mga senyales ng mga kabataang gumagamit ng droga.
PAGBIBIGAY KAHULUGAN
SA MGA SALITA

suliranin
- problema

maibsan
- malunasan
Nahuhumaling
- gusto

MGA KAUGNAYAN NA
LITERATURA AT PAG-AARAL

interview about "Bisyo ng Kabataan"
METODO AT PAMARAAN
Ang metodolohiya na aming ginamit sa paggawa
ng aming pananaliksik ay sa pamamagitan ng pag-kuwa ng mga impormasyon na nabasa namin sa internet at libro. Bilang isang kabataan, naranasan din namin ang uminom ng alak. Sinuri namin ang aming mga sarili at nagpalitan kami ng mga opinyon at ideya.

DISENYO NG PAG-AARAL
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
LOKAL NA PAG-AARAL
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga kabataang lulong sa masamang bisyo. Pinili ko ang mga nasabing respondente dahil sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.
PAGLALAHAD, PAGUSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
Inilalahad ng pagsasaliksik na ito ang mga kadahilanan at epekto ng maagang pagkalulong ng mga kabataan sa masasamang bisyo dahil sa pakikipagbarkada sa mga maling tao, problema sa pamilya at kahirapan.
BUOD, KONKLUSYON
AT REKOMENDASYON
BUOD
Maraming kabataan ang napapariwara at nasasayang ang buhay dahil sa pagkalululong sa masasamang bisyo dulot ng maling pakikipagbarkada, problema sa pamilya, at matinding kahirapan. Dahil dito natututo silang gumawa ng mga krimen gaya na lamang ng pagnanakaw at karahasan.
Hindi lamang buhay ng kabataan ang nasisira kundi pati na rin ang sosyolohikal, mentalidad, pisikal at emosyonal na aspeto. Maaari silang magkasakit ng malubha at mauwi sa pagkamatay kaya naman dapat laging gabayan at turuan ng tama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pakikipagbarkada at pakikipaghalubilo sa mga tao sa paligid nila. Dapat maaga silang mamulat sa mga bagay na maaaring makasira ng kanilang mga kinabukasan, dahil sabi nga ni Dr. Jose Rizal “ang kabataan ang pagasa ng bayan”.

KONKLUSYON

KONKLUSYON
Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang pagkakaabalahan kaya natututo silang gumamit ng droga para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema. Ginagamit din nila itong pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan tulad ng panghoholdap at pagnanakaw.
Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang sila sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para takasan ang sakit ng kalooban.
Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.
REKOMENDASYON
REKOMENDASYON
Ang pakikipagbarkada ay isa sa mga dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa ibat ibang bisyo. Dahil dito, dapat nating patibayin ang samahan at pagmamahalan sa pamilya. Tamang impormasyon galing sa gobyerno kung saan sinasabi ang masamang epekto at dulot ng masasamang bisyo. Kailangan ding sugpuin at ipairal ang kamay na bakal sa mga kapulisan at batas para mawala na ang droga. Dapat kilalanin at piliing mabuti ang mga sasamahang barkada o kaibigan. Maghanap sila ng makabuluhang pagkakaabalahan tulad ng isports at pagsali sa mga programang pang gobyerno na naglalayon ng tamang landas para sa mga kabataan upang maging listo sila at mas nakaka-alam sa mabuti at hindi mabuting mga gawain.
Full transcript