Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Kabihasnang Griyego

No description
by

Shyra Concepcion

on 10 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Kabihasnang Griyego

Ang Panahong Hellenic
Ang tawag ng mga griyego sa kanilang sarili ay HELLENE. Ito ay hango sa salitang 'hellas' na tumutukoy sa kabuuang lupain ng gresya. Ang hudyat ng simula ng pamamayagpag ng kanilang kabihasnan ay ang unang pagtatanghal ng mga laro bilang parangal kay Zeus. Ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Griyego hanggang sa matapos ito noong 338 B.C.E. ay kadalasang tinatawag na panahong Hellenic.
Ang mga Polis
Dahil sa digmaan bago pa ang panahong Heleniko, nagtayo ng mga kuta ang mga Griyego sa mga lugar sa gilid ng mga burol at sa mga tuktok ng bundok upang maprotektahanang kanilang sarili sa pagsalakay ng ibat ibang pangkat.
Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-astado o Polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, pulitika at pulitiko. Tinatawag na lungsod-estado ang polis dahil malaya ito, ang bawat isa ay may sariling pamahalaan at ang pamumuhay ng tao ay nakasentro sa iisang lungsod.
Ang Kabihasnang Griyego ang una sa naging pinakatanyag na kabihasnang klasikal. Kung ihahambing ang kabihasnang klasikal sa mga ibang lambak-ilog ng sinaunang asya, Ang kabihasnang klasikal tulad ng Gresya ay nakasentro sa karagatan.
Ang Kabihasnang Griyego
Submitted By:
Shyra Lee C. Magana

Parthenon
Acropolis
Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Griyego pra sa kanilang proteksyon
Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya't naging sentro ng pulitika ang relihiyon.
Ang ibabang bahagi naman ay tinawag na Agora o pamilihang bayan. Sa paligid ng Agora ay may bukid para sa pagtataniman at pagpapastol ng mga alagang hayop.
Ngunit hindi lahat ng nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan lamang ang binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian at humawak ng posisyon sa pamahalaan
Mula sa pakikipaglaban sa iba't ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Griyego ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto.
Ginamit din nila ang mga teknik ng Phoenician sa paggawa ng malalaki at mabibilis na barko.
Sa mga sumerian naman nila namana ang sistema ng panukat.
Sparta: Pamayanan ng mga Mandirigma
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Gresya. Sa lahat ng lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umaasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
Ang naging pangunahing lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na pangangatawan.
Sa lipunan ng Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinaka mahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Ang mahabang militar, ang sistemang phalanax, ang hukbong sandatahan.
Submitted To:
Ma'am Gina Mortel-Abando

Habang patuloy na namumuhay sa pakikipagdigma, ang mga Spartan ay nakilala nilang mga simpleng tao at walang hilig sa luho. Habang pabilis ang pagunlad ng ibang lungsod-estado, ang Sparta ay nanatiling agrikultural na lipunan na nakadepende sa aliping manggagawa at naging tagasunod sa paniniwalang pang-militar ng kanilang lungsod-estado.
Athens
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembliya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng maharlika.
Lokasyon ng Athens
Ang sumunod na pagbabagong naganap noong 549 B.C. sa pangunguna ni Solon na mula sa pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Panahon ng mga Digmaan
Ang humigit kumulang 50 lungsod-estado sng Gresya ay may magkakatulad na wika ay kasaysayan bagama't sila ay nahati sa maliliit na lungsod-estado. Naging mapagmataas ang mga Griyego at laging nakikipaglaban kung kaya't hindi nila nakasundo ang mga tao sa labas ng kani-kanilang lungsod-estado.
Digmaang Peloponnesian (431 B.C.E. - 404 B.C.E.
Naging napakahalaga ng sumunod na pangyayari matapos matalo ang mga Persian ng mga Griyego. Nais ni Pericles na mapanatili ang kalayaan hindi lamang sa Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens.
Ang Imperyo ng Macedonia at si Alexander
Ang Macedonia ay isang imperyong umusbong sa europa. Nauna ito kaysa Roman Empire. Ang isa sa pinakakilalang naging pinuno nito ay si Alexander the Great. Matapos niyang mamatay ay hinati niya ang imperyo sa tatlo, ito ay pinamunuan ng kaniyang mga heneral.
Lokasyon ng Macedonia

Alexander the Great
Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander the Great. Siya ay isang hari ng sinaunang Griyego ng Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si Philip II.
Paglalarawan kay Alexander the Great
Alexandria: Sentro ng Sibilisasyong Ehipto
Ang panahon mula sa pagkamatay ni Alexander hanggang sa mapasailalim ang Ehipto sa Roma sa panahon ng pamumulaklak ng Sibilisasyong Helenistiko
Lokasyon ng Ehipto
Ang mga siyentipiko mula sa Alexandria noong panahong ito ay nagsagawa rin ng iba't ibang pagtuklas na nakaimpluwensya maging sa ating kasalukuyang panahon.
Euclid
Si Euclid ay kilalang Matematisyan. Tinagurian siyang "Ama ng Geometry"
Aristarchus
Si Aristarchus ay isa ding Matematesiyan at astronomo mula sa Samos. Siya ay lumikha ng kontrobersiya nang makipagtalo siya na ang planeta ay umiikot sa araw.
Eratosthenes
Siya ay isang iskolar at punong librarian sa Alexandria. Siya ay nagbigay ng tinatayang distansya sa mundo sa tulong ng kaniyang kaalaman sa Geometry.
Archimedes
Nag-aral si Archimedes sa Alexandria ngunit naglagi nang matagal sa isla ng Sicily. Naging kilala siya sa larangan ng Matimatika at pisika. Siya din ang nagimbento ng Catapult, isang armas sa pakikidigma na pinakatatangi sa kaniyang mga imbensyon
Mahahalagang Pilosopiy
Ang dalawang mahahalagang pilosopiya na nagsimula sa Athens noong panahong Helenistiko

A. Epicureanismo na hango sa pangalan ni Epicurus ng Samos, isang maestro at manunulat.
B. Pilosopiyang stoicismo na ipinakilala naman ni Zeno
The End



Thank You =))
Full transcript