Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PANAHON NG LUMANG BATO

No description
by

Precious Amore

on 3 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PANAHON NG LUMANG BATO

PANAHON NG BAGONG BATO
Maituturing na pinakamahalagang nangyari sa panahong ito ang pagsisimula ng pagsasaka. noong mga 10,000 BCE nagsimula ang mga taong magtanim ng mga halaman at mag-alaga ng mga hayop. naging regular na bahagi ng pagkain ng mga tao ang mga pagkaing mula sa halaman. nagsimula na ring kumunsumo ang mga tao ng mga itinanim na butil at mga produktong gatas.
PANAHON NG LUMANG BATO
Naging hudyat sa pagsisimula ng panahong ito ang paglitaw ng mga kagamitan na ginawa mula sa magagaspang at tinapyas na bato. sa panahong ito, nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pulo-pulotong na pangangalap ng mga pagkaing ligaw na halaman at pangangaso ng maiilap na hayop. kabilang sa kanilang mga pagkain ang mga hayop at halaman na bahagi ng kanilang kapaligiran. mga lalaki ang kadalasang nanghuhuli ng mga hayop, mga babae naman ang pumipitas ng mga prutas at kumukuha ng mga halamang makakain. wala silang permanenteng tirahan. sa mga kweba at malalaking puno sila tumitigil. upang maging ligtas sa panganib. ginamit ng mga tao bilang panakip ng katawan ang balat ng hayop at malalapad na dahon.
Ginamit ng mga tao ang magagaspang na bato bilang sandata, panghuli ng mga maiilap na hayop, panghiwa at pamutol sa kahoy at maging sa pagkuha ng mga halaman. pinakamahalagang imbensyon ng panahong ito ay ang paggamit ng apoy, ginamit ng mga taong paleolitiko na ilaw at pampainit ang ampoy, panakot sa mababangis na hayop, panluto ng mga halaman at hayop, pang-init sa mga batong ginagawang kasangkapan, at pansunog sa mga putik na ginagawang seramiko. sa tulong ng apoy, natiyak ang kaligtasan ng mga tao sa gitna ng mabangis na kapaligiran. isa ang taong Peking sa China na kinakitaan ang tirahang kweba ng bakas sa paggamit ng apoy.
Sa katapusan ng Paleolitiko, nagsimula ang mga sinauang tao na magprodyus ng mga gawang sining, tulad ng pagguhit ng mga larawan sa mga kweba nagsimula rin silang gumawa ng mga aktibidad na panrelihiyon tulad ng paglibing at ritwal.
Dahil sa pagsasaka, nagbago ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nakapagtatag sila ng mga permanenteng panirahanan, nalinang nila ang iba't-ibang uring panlipunan, at nakapagtayo ng pamahalaan. Nagbigay daanito sa paglinang ng sibilisasyon
Kinailangan ng mga tao na bantayan ang kanilang mga pananim laban sa ibang tao at maiilap na hayop. nagsimulang lumaki ang populasyon sa bawat lugar. nagkaroon ng oras ang mga tao na makisalamuha at makipagugnayan, na siyang nagbigay ng daan, upang makapagtatag ng pamayanan na may pinuno at may sailing pamahalaan
Maaring binubuo ang pamahalaan ng mga pamayanan ng isang konseho ng matatanda. kasama dito ang mga pinuno ng iba't-ibang pamilya ng pamayanan. Maari ring may iisang pinuno ang ilan sa mga pamayanang ito. kapag nagkakaroon ng kasalatan sa mga pinagkukunan, dumarami ang mga digmaan sa pagitan ng mga pamayanan. sa panahon ng digmaan makikilala ang mga iba't-ibang lalaki bilang mga dakilang mandirigma. sila ang nagiging pinuno ng pamayanan. Bunga nito, nalinang ang mga unang uring panlipunan. batay ang uri ng isang tao sa kaniyang gawain, tulad ng mandirigma, pari, magsasaka, at artisano. kadalasang mga pari at mandirigma ang bumubuo ng mataas na uri at magsasaka ang artisano naman ang kabilang sa mababang uri at artisano.
Dahil kailangang anihin at iproseso ang mga pananim at makipagdigma, luminang ang mga tao ng mga bagong teknolohiya. kumalat ang mga kasangkapang batong inihasa ang pinakinis. kabilang dito ang mga kasangkapang para panghasa, pamutol at panghiwa. Ang mga magsasaka ng simpleng kalendayo upang matiyak ang panahon ng pagsasaka at pag-aani. Gumawa rin sila ng mga simpleng kasangkapan para sa kanilang mga gawain at mga simpleng armas para sa kaniilang pakikipagdigma.

Sa panahong ito nagsimulang makipagkalakalan ang mga tao. Umangkat sila ng mga produkto mula sa malayong lugar. Sa panahon ding ito ipinatayo ng mga tao ang unang malalaking eskultura, tulad ng mga tore at pader.

Nakagawa sila ng mga palayok mula sa luwad na ginamit billang lutuan ng pagkain at imbakan ng mga surplus o labis na ani. Nakapagpatayo rin ang mga tao ng mga imbakan at nagkaroon ng materyal na yaman.

Full transcript