Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kastila

No description
by

daffnie galvan

on 20 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kastila

KASAYSAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
May sariling sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ang ating bansang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.
Alam naman natin na ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga karatagan kaya naman ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan noon sa tabing dagat.
Karamihan sa ating mga ninuno ay umaasa sa ating mga likas na yaman upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao.
Dahil kakaunti pa lang ang mga tao, masasabi na wala pang gaanong kompetisyon.
Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang BARTER na kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto.
Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan.
Dala ng mga Tsino ang porselana,
banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.
PANAHON NG KASTILA
Sa pagdating ng mga Kastila, ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan.
Nagmula sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakal.
Dahil sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng tao, naging malabo ang sistema ng barter kaya naman nagpakalat ang pamahalaang kolonyal ng tansong barya na tinatawag na barilang Espanyol.
Ipinakilala nila ito sa ating mga ninuno noong 1521
Sa pagdating ng mga Kastila, tinuruan nila ang ating mga ninuno sa paggamit ng sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro,
suyod, at kawit.
Ang mga Kastila ay nagmistulang amo ng mga katutubo nating Pilipino.
Lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw nila sa mga Pilipino.
Napilitan silang magtanim sapagkat hindi na sapat ang dating kinamulatan sa paghahanapbuhay.
Ang mga sobra nilang produkto ay ang nagsisilbing pambayad sa mga Kastila.
Dahil sa hindi husto ang kaalaman ng mga Pilipino noog Panahon ng Kastila, sila ay nakaranas ng pang-aabuso at diskriminasyon.
Nagkaroon ng klasipikasyon sa estado ng tao. Ang mga Pilipino ay tinawag na INDIO samantalang MESTIZO ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino.
Nagkaroon ng sistema na kung saan ang isang pueblo ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan.
Hindi pinapayagang bumili basta basta ng produktoang sinumang tao kung walang REALES, COMPRAS, ito ang tawag sa salaping pambayad sa binibiling produkto sa galyon.
Inatasan ng pamahalaang Kastila na magtrabaho ang mga kalalakihan sa loob ng apatnapung araw para sa pamahalaan ng walang bayad. Ito ay tinatawag na POLO Y SERVICIOS O FORCED LABOR.
Dumating mula Espanya ang mamumuno sa bansa na tinatawag na Gobernador-Heneral
Isa si Gob. Hen. Jose Basco Y Vargas na gumawa ng mga programa ukol sa ekonomiya ng bansa.
Sa panahon niya, umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulak at mga sangkap sa pagkain tulad ng paminta.
Dahil dito, nakilala ang mga Pilipino sa Europeo at nabuksan ang malayang kalakalan.
Sa panahon na umunlad ang Pilipinas sa paggamit ng lupa, kasabay nito ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda.
Sa kautusan ng Hari na iparehistro ang mga lupa, sinamantala ito ng mga Espanyol. Dahil walang kaalaman ang katutubong Pilipino ukol dito, wala silang nagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang kalagayan.
PAMUNUAN NG MGA AMERIKANO
Nagkaroon ng pagbabago sa kalakaran ng pamumuhay ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano.
Sa panunungkulan ng mga Amerikano, umunlad ang pagtatanim ng abaka,
tabako,
asukal,
palay, at iba pang produkto.
Umunlad ang pagsasaka at gumamit ng mga makabagong paraan sa pagtatanim at dahil dito lumaki ang produksiyon na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng mga patakarang panlabas na ipinatupad ng Amerika tulad ng PAYNE-ALDRICH ACT at UNDERWOOD SIMMONS TARIFF ACT, mabilis na umunlad and industriya ng Pilipinas.
Full transcript