Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabanata 14: Pamahalaang Sibil

No description
by

Rodrigo de Asis

on 9 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 14: Pamahalaang Sibil

Kabanata 14:
Pamahalaang Sibil

Saligan ng Pamahalaang Amerikano
Unang buwan pa lamang ng 1898, kung hindi man noong 1897, ay nais na ng mga Amerikano na kunin at gawing kolonya ang Pilipinas. Sapagkat natitiyak ni McKinley at ng mga Amerikano na magtatagumpay sila dahil sa dami at galing ng kanilang mga gamit-pandigma, minarapat ni McKinley at ng kanyang mga tagapayo, na magkaroon ng patakaran ukol sa pamamahala ng Pilipinas, kung ito'y mapasakanila na.
Upang magawa ito ay lumikha si McKinley ng isang komisyon na pinamunuan ni Jacob Gould Schurman. Bago umalis ang komisyon patungong Pilipinas, binilinan niya ito ng mga gawain ng komisyon at ito ay ang mga ss:
1. Pagpapalawak, sa mapayapang paraan, ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong Pilipinas.
2. Pamamahagi, sa lalong madaling panahon, ng mga kapakinabangang bunga ng matalino't magandang loob na pangangalaga sa buhay at ari-arian.
3. Paggalang sa mga kaugalian, mithiin & institusyon ng mga Pilipino.
Sumapit sa Maynila ang Komisyon noong ika-4 ng Marso, 1899. Siniyasat noon ang kalagyan ng bayan at ipinahayag na ang layunin ng Estados Unidos sa pagtungo sa Pilipinas ay ang magpunyagi sa ikauunlad at ikaliligaya ng mga Pilipino at hindi sa kapakanan nila.
Nang matapos ang gawain ng Komisyong Schurman sa Pilipinas ay nagbalik ito sa Estados Unidos at itinagubilin kay McKinley na magtayp ng pamahalaang sibil sa Pilipinas na may tagapagbatas o lehislatibo. Bukod dito ay iminungkahi rin nina Schurman na pairalin sa Pilipinas ang pagtuturong panlahat, na a;lalaon baga'y magkaroon ng mga paaralang bukas para sa lahat ng nais mag-aral.
Bilang pag-alinsunod sa mga mungkahing ito ay muling lumikha si McKinley ng isang komisyon na ang tagapangulo ay si William H. Taft. Ito ang tinatawag na Komisyong Taft. Noong Abril 1900 ay itinagubilin ni McKinley ang Komisyong Taft ng mga ss.:
1. Ipabatid sa mga Pilipino ang pamahalaang itatayo sa Pilipinas ay para sa mga Pilipino, at hindi sa mga Amerikano.
2. Igalang ng mga kagawad ng komisyon ang mga kaugalian, kinamulatan, at kinagawian ng mga Pilipino.
3. Magbukas ng mga paaralang primarya sa Pilipinas na ang gagamiting wika sa nasabing mga paaralan ay Inggles.
Ang mga tagubilin ni McKinley sa Komisyong Schurman at Komisyong Taft ay isang saligan ng patakarang Amerikano sa pamamahala sa Pilipinas. Mapipiga sa mga saligan ng patakaran ng Estados Unidos sa pamamahala sa Pilipinas sa ss.:
1. Na tumungo ang mga Amerikano sa pilipinas hindi upang pagsamantalahan ito ,kundi upang paunlarin at paligayahin ang mga Pilipino.
2. Na ang layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay kaibiganin ang mga mamamayan at hindi kalabanin.
Ang Pamahalaang Militar
Matapos lumagpak ang Maynila sa kamay ng mga Amerikano, noong ika-13 ng Agosto, 1898, ay inutos ni McKinley na itatag sa Pilipinas ang pamahalaang Militar.
Hinirang niya si Heneral Wesley Merritt na gobernador-militar. Nanungkulan ito noong ika-26 ng Agosto, 1898.
Hinalinhan siya ni Heneral Elwell Otis na nanatili sa tungkulin hanggang 1900, nang halinhan siya ni Heneral Arthur McArthur na nanungkulan hanggang 1901.
Ang gobernador-militar ay kinatawan ng Pangulo ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nasa kanya ang mga kapangyarihang tagapagpaganap o ehekutibo, hudisyal at inilipat ito sa mga hukuman.
Ngunit noong 1899 ay binitiwan ng gobernador-militar ang kapangyarihang hudisyal at inilipat sa mga hukuman.
Noong 1900, ang kapangyarihang tagapagbatas ay inilipat sa Komisyon ng Pilipinas, at nang sumunod na taon, ang kapangyarihang tagapagpaganap ay inilipat sa gobernador-sibil.
Makapangyarihan ang gobernador militar at tungkulin niya ang pagpapaamo sa mga Pilipino at ang pagpapanatili sa kapayapaan at katiwasayan ng bansa.
Ang Baliwag, Bulacan ang kauna-unahang bayan sa Pilipinas na nagkaroon ng halalan sa ilalim ng mga Amerikano.
Sa ilalim din ng Batas Militar itinayo ang mga paaralang primarya na ang mga guro ay mga sundalong Amerikano.
Ang Pamahalaang Sibil
Ang Pamahalaang Sibil sa Pilipinas ay bunga ng tinatawag na Susog Spponer ng 1901.
Noong ika-2 ng Marso 1901 ay ipinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang batas ng mga gugulin. Ang batas na ito'y may susog na ipinasok ni Sen. John Spooner ng Estado ng Wisconsin.
Sang-ayon sa susog, ang Pangulo ng Estados Unidos ay binibigyan ng kapangyarihang magtayo ng pamhalaang sibil sa Pilipinas.
Nang mapagtibay na ang batas na ito ay inilipat ang pamamahal ng Pilipinas sa Konggreso. Dati -rati'y sa ilalim ng kapangyarihan ng Pangulo pinamamahalaan ang Pilipinas.
Sa ibang salita, ang pamahalaang militar sa Pilipinas ay hinalinhan ng pamahalaang sibil.
Hinirang ni McKinley si Taft bilang unang gobernador sibil ng Pilipinas. Ang pamahalaang ito'y pinasinayaan noong ika-4 ng Hulyo, 1901.
Noong ika-6 ng Pebrero 1905, ang bansag na gobernador-sibil ay pinalitan ng gobernador-heneral. Ang gobernador-sibil ay tagapangulo ng Komisyon ng Pilipinas, na siyang tiga-pagbatas.
Dahil dito, ang gobernador sibil ay may mga kapangyarihang tagapagpaganap o ehekutibo at tagapagbatas o lehislatibo.
Ang Patakaran ni Taft
Ang mga suliranin na nakita ni Taft ay ang mga ss:
Unang-una'y hindi pa ganap na may kapayapaan at kaayusan sa bayan. Sa ilang lalawigan ng Luzon at Kabisayaan ay may mga makabayang Pilipinong ayaw kumilala sa kapangyarihan ng mga Amerikano.
Ikalawa'y laganap ang gutom at salot na bunga ng pagdaralita at ng maruming kalagayan na nagbabantang lumipol sa ma mamamayan.
Ikatlo'y walang sapat na salapi ang pamahalaan na magagamit sa pag-aayos ng mga napinsala o nawasak na mga daan at tulay.
Pinilit ni Taft na malutas ang lahat o kahit na bahagi ng mga suliranin. Isa-isang pinahuli ang mga makabayang Pilipinong ayaw sumuko at tinawag ng mga Amerikano na manloloob o bandolero. Sila ay binitay.
Upang malutas ang suliranin sa gutom at pananalat ay nanawagan si Taft sa Kongreso na magtakda ng 6 na milyong piso para magamit na panaklolo sa mga Pilipinong nagdaralita.
Tumungo siya sa Roma noong 1903 at nakipag-ugnawaan sa Papa hinggil sa pagbili ng ilang bahagi ng mga asyenda ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas
Nagbunga ito ng pagkabili ng pamahalaan ng 410,000 akre o 200,000 ektaryang lupang ari ng Simbahan. Ang lupang nabili'y ipinagbili naman ng pamahalaan sa mga magsasaka sa paraang hulugan.
Hindi rin nalutas ang suliranin sa lupa. Bukod dito'y katulang ng mga Amerikano ang mga mayayaman at may-ari ng asyenda sa kanilang pamamahala sa bansa. Ang mga kolaborador sa mga Pilipino ay hindi nagbuhat ng lipi ng mga maralita, kundi sa lipi ng mayayaman at marurunong.,
Bagaman hindi naniniwala si Taft na dapat magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas, ipinahayag niya na ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino, at hindi para sa mga mapagsamantalang Amerikano.
Maraming Amerikano ang nagalit kay Taft nang malathala ang pahayag na ito, datapwat isinagot niyang dapat umalis sa Pilipinas ang hindi nasisiyahan sa kanyang pamamalakad.
Ang Batas ng 1902
Nang mailipat na sa Kongreso ang pamamahala sa Pilipinas ay nagpatibay yaon noong unang araw ng Hulyo 1902, ng isang batas na kilala sa tawag na Batas Cooper.
Pinagtibay ng batas na ito ang lahat ng ginawa ng Pangulo ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas at nagtadhana pa ng tinatawag na "Talaan ng Karapatan".
Nilikha rin ng batas ang ilang kagawaran o departamento ng pamahaalaan gaya ng Kagawaran ng Komersyo at Pulisya, Kagawaran ng Pananalapi at Hustisya, Kagawaraang Panloob, at Kagawaran ng Pagtuturong Panlahat o Instruksiyon Publika.
Itinadhana rin ng Batas Cooper ang pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas sa loob ng dalawang taon matapos na maipahayag ng Pangulo ng Estados Unidos na mayroon nang kapayapaan at kaayusan ang Pilipinas.,
Ang kahalagahan ng Batas Cooper ay nasa pangyayaring naging pundasyon o batong saligan ito ng pamahalaang demokratiko ng Pilipinas.
Ang mga Pilipinong hindi nakatikim ng kalayaan noong panahon ng mga Kastila ay pinahintulutan na ngayong tumikim ng kalayaan. Hindi ganap ang kalayaang ito sapagkat napagtibay sa Komisyon ng Pilipinas...
Ang Batas Sendisyon 1901 na "labag sa batas na magtaguyod sa pagsasarili ng Pilipinas o paghihiwalay ng Pilipinas sa Estados Unidos" hangga't patuloy ang "pakikidigma o pagbabangon laban sa kapangyarihang Amerikano.
Ang Senso ng 1903
Isang taon buhat nang itatag ang pamahalaang sibil sa Piilipinas ay ipinahayag ni Pres. Theodore Roosevelt, sa tagubilin ni Gobernador Taft, na mayroon nang kapayapaan at kaayusan ang Pilipinas.
Sapagkat hindi mapagkakatiwalaang ganap ang mga sensong ginawa ng mga prayleng Kastila ay inutos na maghanda ng isang senso upang matiyak ang tunay na dami ng mga mamamayan at iba pang bagay na nauukol sa Pilipinas.,
Ipinahayag ni Gob. Taft ang ika-2 ng Marso 1903 na Araw ng Senso. Sa pamamagitan ng mga kawaning marunong magsenso ay nagkaroon ng mabuting impormasyon hinggil sa bayan.
Inilathala ang kinalabasan ng senso noong 1905, na sang-ayon sa sensong kinuha noong 1903, na ang dami ng mga mamamayan sa Pilipinas ay 7,635,426
Ang Asemblea ng Pilipinas
Naghahanda ang mga Pilipino sa halalang itinakda ng Batas Cooper. Nagkaroon ng mga lapiang pulitiko, na ang bantog at kinikilala ng mga Amerikano ay Lapiang Federal na tinatag ni Trinidad Pardo de Tavera, kilalang iskolar ng bayan.
Bukod sa lapiang iyan, ay nagtatag din ng ibang lapiang pulitiko kagaya ng Liberal (1902), Democrata (1902), at Naconalista (1901).
Noong 1907 ay nagsanib ang dalawang pangkat na nagmimithi ng pagsasarili ng Pilipinas. Ang pagsasanib na iya'y nagbunga ng pagtatag ng ikalawang Lapiang Nacionalista. Pinalitan ng Federal ang pangalan ng "Progresista".
Sa halalang naganap, nagharap ang Federal at Nacionalista sa isyung "Katig ang Progresista sa kasarinlan na hinay-hinay, samantalang ang Nacionalista sa kasarinlang ganap at kagyat.
Nagtagumpay ang Nacionalista na nagkaroon ng 59 na kinatawan, samantalang ang kalaban ay nagkaroon ng 16 na kinatawan, Lima ang nahalal na independiyente. Ang kinalabasan ng halalan ay nagpakilalang ang bayang Pilipino ay sang-ayon sa pagkakaroon ng ganap at kagyat na kasarinlan.
Pinasinayaan ang Asemblea ng Pilipinas, na siya na ngayong Mababang Kapulungan ng Batasan, noong ika-16 ng Oktubre 1907. Sa halalan ng Asemblea, nagkaisang hinalal si Manuel Quezon bilang pior lider at Sergio Osmeña bilang Ispiker.
Ang pagpapasinaya sa Asemblea ng Pilipinas ay siyang kauna-unahang hakbang tungo sa pagtutulungan ng mga Pilipino at Amerikano. Sa kauna-unahang sandali simula ng buksan ang Konggreso ng Malolos ay ngayon lamang nagkaroon ng mga kinatawan ang mga Pilipino sa mga sanagay ng pamahglaang tagapagbatas.
Mga Nagawa ng Asemblea
Ang pagbubukas ng Asemblea ay nagdulot sa mga kinatawan ng karanasan sa pagbabatas. Sa simula'y inilatag nila ang layunin ng Asemblea:
1. Ang pakikiisa sa Estados Unidos na batay sa paggalang ng isa sa isa.
2. Ang pagpapatibay ng mga batas na magtatadhana ng mga paraan tungo sa ikauunlad ng kabuhayan at ng lipunang Pilipino.
3. Ang pagpapalawak ng awtonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng matapat na pagpupunyagi sa ikapagkakaroon ng kasarinlan
4. Ang pagpapahayag sa buong daigdig na ang panlulupig noong nakaraang mga taon ay wala nang bisa at dapat halinhan ng patakarang may layong tumulong sa mga bansang hindi gaanong maunlad..
Ang mga kinatawan ng Asemblea ay pawang makabayan, matapat, at masigasig sa kanilang mga gawain. Ang unang Asemblea ay:
1. Nagtatag ng isang bangko para sa pagsasaka.
2. Nagpahaba ng linya ng tren.
3. Nagpaunlad ng pahatiran tulad ng telepono at telegrapo.
4. Nagpagawa ng maraming daan, tulay, at patubig.
5. Nagpatibay ng batas na lumilikha sa Kawanihan ng Paggawa at kasama nito'y itinakda ang unang araw ng Mayo bilang "Araw ng Paggawa".
6. Ang paglikha sa Pambansang Aklatan at Pambansang Gusali.
Mga Komisyonado
sa Kongreso

Sang-ayon sa Batas Cooper ay dalawang Pilipino ang ipadadala ng Asemblea sa Kongreso ng Estados Unidos upang ipagtanggol dito ang kapakanang Pilipino
Ang unang dalawang komisyonadong ipinadala sa Konggreso ng Estados Unidos ay sina Benito Legarda, 1907, at Pablo Ocampo, 1907.
Noong 1909, si Manuel Quezon, na noo'y pior lider ay hinirang na kapalit ni Ocampo bilong komisyonado. Noong 1912, si Manuel Earnshaw ay humalili kay Legarda.
Paaralang Bayan
Ang isa sa mga pinakamahalagang nagawa ng Amerika sa Pilipinas ay nakahanay sa larangan ng edukasyon. Pagkaraan ng labanan ng Look ng Maynila ay agad nagtayo ang mga Amerikano at tinawag ang unang pangalan na Korehidor.
Nang lumagpak ang Maynila sa kamay ng mga Amerikano noong ika-13 ng Agosto, 1898 ay nagbukas sila ng mga paaralan sa Maynila.
Noong 1898-1899 ay tinatayang may 100,000 bata ang nakatala sa paaralang primarya. Dahil sa pagdami, ang Komisyon ng Pilipinas ay nagpatibay ng isang batas noong 1901 na lumilikha ng Kagawaran ng Pagtuturong Panlahat o Public Instruction.
Itinadhana rin ng batas ang pagtatayo ng paaralang normal at paaralan para sa hanapb0uhay at ang pagpapadala ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas.
Upang malunasan ang mga suliranin ukol sa dami ng mga guro ay nagpadala ang pamahaalng Amerikano sa Pilipinas ng mga Pilipinong mag-aaral sa Estados Unidos. "Pensiyonado" ang tawag sa mag-aaral na pinapag-aral sa Estados Unidos.
Nang magbalik ang mga pensiyonado sa Pilipinas ay marami sa kanila ang nagturo at ang ilan ay naging hepe ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Ang isa sa pinakamahalagang ibinunga ng pagtatayo ng mga paaralang bayan ay ang pagdami ng mga Pilipinong marunong bumasa at m,agsulat.
Tinatayang kalahati ng mamamayang Pilipino ang marunong bumasa't sumulat. Hindi lamang iyan. Ang wikang inggles ay natutuhan ng marami kaya't naunawaan mula sa Apari hanggang Kamindanawan.
Sa ganito'y nagkaroon ng tulay ng pag-uunawaan ang mga Pilipino na naging baitang sa pagpanhik ng hagdan ng nasyonalismo o diwang makabayan.
Pilipino sa
Pamahalaan

Dahil sa hangad ng mga Amerikano na sanayin ang mga Pilipino sa pag-ungit ng pamahalaan ay humirang sila ng mga Pilipinong manunungkulan sa pamahalaan.
Noong 1901 ay naglagay sila ng mga komisyonadong Pilipino gaya nila de Tavera, Luzuriaga, at Legarda. Ang mga ito'y kilala sa pagiging maka-Amerikano, kaya't sila ang mga piniling kagawad ng Komisyon ng Pilipinas na kakatawan sa mga Pilipino.
Sa ibang sangay ng pamahalaan ay dumami taun-taon ang bilang ng mga pinuno at kawaning Pilipino at umunti nang uminti ang bilang ng mga Amerikano.
Full transcript