Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Pananaliksik

No description
by

Mark Ode

on 19 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Pananaliksik

Pananaliksik
Epekto ng Teleseryeng Temptation of Wife
sa kamalayan ng mag-aaral
na nasa kolehiyo

Kabanata II
Pamamaraan ng Pag-aaral
Kabanata IV
Lagom, Kongklusyon, Recomendation
Kabanata I
Ang Suliranin at Sanligan Nito
Ang oras ay mahalaga para sa ating mga tao. Ang bawat sandali ay may katumbas na pangyayari. Maraming bagay ang nagaganap sa loob lamang ng ilang sandali, makabuluhan man ito o hindi. Upang ang bawat sandali ay maging kapakipakinabang, kailangang maging matalino sa paggugol ng panahon. At dahil sa mahalaga ang bawat sandali, makatutulong kung ito’y gagamitin nang produktibo. Kailangang matukoy ang mga bagay o paraan na magbibigay – halaga sa pagdaraan ng oras.

Ang panonood sa telebisyon ay may malaking bahagi sa ating pang araw – araw na gawain, karaniwan nang ito ay ating kaharap sa umaga, hapon at gabi. Kung gayon, ang pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring may kapupulutan ng mga aral at karunungan ay dapat isaalang – alang.
Ang Philippine Drama, o kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring mauri sa iba’t ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri ng panooring telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o pawang walang pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series” at “drama” para naman sa drama.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang Epekto ng teleseryeng “Temptation of Wife” sa Kamalayan ng mga estudyanteng nag-aaral sa The National Teachers College at upang matupad ang mga layuning ito ay sinikap ng mga mananaliksik na sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


1. Nakakatulong ba ang teleseryeng “Temptation of Wife” sa paghubog ng kaisipan ng mga mag-aaral?
2. Naaapektuhan ba ng nasabing teleserye ang paraan ng pagdidisisyon ng mga mag-aaral?
3. Nagiging dahilan ba ang palabas na ito sa pagkaroon ng masamang pag-uugali ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo?
4. Bukas ba ang kamalayan ng mga mag-aaral sa uri ng eksenang pinapakita sa teleseryeng “Temptation of Wife?
5. Nagbibigay ba ito ng aral na makakatulong sa kanila sa pang-araw-araw na buhay?

Proseso ng Pagsasagawa

1. Pagtutok sa pag-aaral ng Teleseryeng “Temptation of Wife” Kung ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay nakapanood na ng teleseryeng Temptation of Wife; makakatulong sila sa pagsagot ng aming mga katanungan upang mabuo ang kongklusyon ng aming isinasagawang thesis.
2. Palagiang pagpasok o pag “attend” sa klase sa Filipino
Kung ang isang nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino at may gustong matutunan, siya ay hindi magdadalawang isip na pasukan ang kanyang klase o “subject” sapagkat sa bawat araw ng pagpasok ay laging may matutunan.
3. Masusing pakikinig at may tiyak na pang-unaw
Upang madaling maunawaan ang teleseryeng Temptation of wife dapat isa alang-alang natin ang pakikinig na may pag-unawa upang lalo natin maintindihan ang Teleseryeng pinapanood at ang
kahalagahang maidudulot nito sa atin.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Mayroon kaming sampung katanungan na sasagutin ng anim napung mag-aaral na nagpapadalubhasa sa Asignaturang Filipino. ang Epekto ng teleseryeng “Temptation of Wife” ay ibabatay sa resulta ng ginawa naming survey o pagsisiyasat na ibinigay sa mag-aaral. Sa pamamagitan ng ginawa naming survey ay matutukoy ng mga mananaliksik kung gaano nakakaa ang nasabing teleserye sa kamalayan ng mag-aaral.
Nililimitahan ang pananaliksik na ito sa mga katanungang kabastos-bastos o mga tanong na makakasakit sa damdamin ng iba. Mahigpit na pinagbabawal ang mga mananaliksik na magpasagot ng survey sa mga estudyanteng hindi nag-aaral sa The National Teachers College.

Balangkas Teoretikal
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng konseptong makatulong sa mabisang pag-aaral ng Epekto ng teleseryeng “temptation of Wife” sa kamalayan ng mag-aaral. Masusing pinag-aralan ng mga mananaliksik ang nasabing teleserye upang mapunan ang kaalaman na aming kinakailangan.
Ang pag-aaral na ito ay nakabatay una sa teoryang Realismo. Dahil ito ay Binibigyang-diin sa katotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan. Ang tauhan sa pananaw realismo ay dapat maipakitang nagbago nang walang tigil kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo ay sa sikolohikal, intelektwal, ispiritual o emosyonal na aspeto. Malakas din na salik ang ugnayan ng tao, at pag-unlad mismo ng tao.
Sumunod naman ay ang teoryang Humanismo nagbibigay halaga sa saloobin at damdamin ng isang tao.

Batayang Konseptual
Pinapakita sa Chart na ang Teleseryeng Temptation of Wife ay nakapokus sa Tatlong Epekto: Kamalayang Panlipunan, Pag-uugali, Pagkatao.
Mga Kaugnay na Literature at Pag-aaral
Ang mananaliksik ay nakakuha ng kaugnay na pag-aaral at literature na may kinalaman sa paksang sinasaliksik.


Mga Kagamitan at Teknik na ginamit
Ang pangunahing pinagkunan ng mga datos ay ang talatanungan.
Ang Talatanungan
Napakahalagang kasangkapan sa pagtatamo ng isang talaan ng mga saloobing akma sa tunay na reaksyon ng mga mag-aaral sa kalagayang itinatanong. Ang naging katugunan sa talatanungan ay maituturing bilang datos sa pag-aaral ng paksa.
Pagsubok ng Talatanungan
Upang mapatunayan ang kaangkupan ng pananaliksik, sinubok ang talatanungan sa 60 na mag-aaral. Matapos sagutan ito ay aming iwinasto at binigyan ng kaukulang pansin.
Sa pag-aaral na ito ginamit ang sarbey sapagkat mas angkop ito sa aming paksang pinag-aralan.

Pangongolekta ng Datos
Sa pangongolekta o paglikom ng datos ay humingi kami ng pahintulot sa puno ng lawak ng kagawaran sa Filipino magkaroon kami ng karapatan na magpasagot sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo sa tuwing wala silang klase.
Nagsagawa kami ng sarbey na kung saan masusukat ang antas ng kamalayan sa Temptation of Wife ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Ipinamigay naming ang mga talatanungan sa pamamagitan ng pagpunta sa kani-kanilang silid-aralan habang hindi pa nag-uumpisa ang kanilang klase. Ang iba naman ay sa kanilang bakanteng oras. Tumagal ang aming pagpapasagot at pangongolekta ng mga datos ng halos isang lingo. Hindi naging madali sa amin ang pagpapasagot at pangongolekta. Sa katunayan nga ay sa nagkaroon pa kami ng konting pagtatalo dahil sa sarbey na aming ginawa.

Kabanata III
Paglalahad ng Pagpapakahulugan sa Mga Datos
Paglalahad ng Pagpapakahulugan sa Mga Datos
Matapos maisagawa ang pagpapasagot sa naturang tseklis, gumamit kami ng isang talahanayan na makikita ang pagkakaiba ng nakuhang puntos sa bawat salik. Ang naturang tseklis ay kinapapalooban ng 10 salik na ipinasagot sa 60 piling mag-aaral na nasa antas ng kolehiyo
Ang pormulang ginamit upang makuha ang kabuuang puntos sa bawat salik ay ito:

Weighted Mean = Frequency(x)
------------------
N

Na kung saan ang:
Frequency (Datos):
kabuuang puntos na nakuha sa bawat aytem
X: patungkol sa “scale” na nasa tseklist
N: kabuuang bilang ng respondent

Mga Salik sa Epekto ng teleseryeng “Temptation of Wife”
sa Kamalayan ng mga mag-aaral na nasa Kolehiyo.

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Sa
kabanata I
ay inilahad ang paksa ng pananaliksik at binigyang kahulugan ang salitang “teleserye”. Inumpisahan ito sa introduksyon na naglalaman ng malawakang pagpapaliwanag sa paksa ng pananaliksik. Nakapaloob din dito ang pananaw ng mga mananaliksik sa paksa, Sumunod ay inilahad ang layunin ng pagaaral kung anu ano ang mga epekto nito sa mga magaaral pagkatapos ng pananaliksik na ito. Pagkatapos ay inilahad ang suliranin nito na magbibigay daan upang mabigyan ng kalutasan ang mga inilahad na problema. Nilalaman din ng kabanatang ito ang mga saklaw at limitasyon ng pag aaral na ito ay para lamang sa mga mag aaral ng The Nationals Teachers College. Ang mga magaaral na ito ang magsisilbing mga respondent sa pagkakaroon ng mga serbey at iba pang gawain na maaaring makatulong sa kalutasan ng mga suliranin. Inilahad din sa kabanatang ito ang mga maaaring magiging kalabasan ng pagaaral na ito. Ang mga posibleng bunga sa isipan at pananaw sa buhay ng mga respondents sa pananaliksik na ito. Kasama sa pagaaral na ito ang mga may kaugnayang literature na may kinalaman sa nasabing paksa na nanggaling sa iba’t ibatng tao at ibang lugar at bansa.
Sa
Kabanata II
Kami ay nangalap ng impormasyon at kinuha ang ideya at saloobin ng mga magaaral sa teleseryeng Temptation of Wife. Itinanong naming ang nagging impak nito sa mga manunuod na magaaral. Gumawa kami ng sampung katanungan at ipinamahagi namit ito sa anim na pung magaaral sa NTC. Nang Makita naming ang nagging pananaw ng mga magaaral. Inilagay ng bawat mag aaral ang kanilang sarili sa nasabing teleserye. Marami din ang mga sumagot na magaaral batay sa kanilang personal na buhay.
Sa
kabanata III
naman ay pinakita ang pagkakaiba ng mga pananaw nila tungkol sa mga tanong na aming pinasagutan sa kanila. sa mga babaeng aming mga napagtanungan, marami sa kanila ang gusto ay walang kahati sa asawa. Ayaw nilang maranasan ang naranasan ng bidang si Angeline. Sa lalaki naman, handa nitong ipaglaban at handa silang maghiganti para sa taong mahal nila. Nalaman naming sa aming pagsserbey na mas malaki ang paninindigan ng mga lalaki sa ganoong sitwasyon. Nagsagot ang mga mag aaral ng kanilang sariling pananaw at tingin sa aming ibinigay na katanungan. Nalaman din naming na marami palang sumusubaybay sa teleseryeng Temptation of Wife.
Kongklusyon
Batay sa Resulta ng aming ginawang Pananaliksik, Nailahad ang na Lubos na Nakaka-apekto sa Kamalayan ng mag-aaral nasa kolehiyo.
Salik #3
– Hindi ako Papayag na Maka-apekto ang aking Problema sa aking mga anak.
Salik #1
– Hindi ko papayagang magkaroon ng kabit ang aking asawa
Salik #4
– Hindi ko tutularan ang ginawang pagtataksil ng aking asawa.
Salik # 8
– Karamihan sa mga kalalakihan ay malapit sa tukso.

Pinapakita na nagkakaroon sila ng Positibong Kamalayan Nang Mapanood nila ang Teleseryeng Temptation of Wife dahil sa tamang paraan ng kanilang pagdidisisyon at pananaw sa mga eksenang makikita sa Teleserye.

Nailahad din ang 3 hindi nakakaapekto sa Kamalayan ng Mag-aaral na nasa Kolehiyo.
Salik #2
–Maghihiganti ako sa aking asawa kung sakaling ako’y kanyang pagtaksilan.
Salik #10
– Sa kabila ng pangangaliwa ng aking asawa ay patatawarin ko sya at tatanggapin muling buo.
Salik #5
– Ipapaunawa ko sa aking magiging anak sa kasalukuyan na ang pagtataksil ay maling Gawain.

Rekomendasyon
Napatunayan sa naisagawang pag-aaral ang apat na pangunahing salik na lubhang nakakaapekto sa Kamalayan ng Mag-aaral na nasa kolehiyo:
a.
Malaki ang Epekto ng Teleseryeng Temptation of Wife sa Paraan ng Pagdidisiyon ng mga Mag-aaral na nasa Kolehiyo kaya naman nararapat na bigyan parin ng gabay ang mga mag-aaral upang hindi sila magkaroon ng masamang interpretasyon sa mga eksenang makikita sa Teleseryeng Temptation of Wife.
b.
Sa mga Manonood, dapat na maging mapanuri sa mga papanooring teleserye, dahil hindi lahat ng teleserye ay mayroong magandang epekto o nagbibigay ng positibong pananaw.
Full transcript