Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Rizal Chapter 22

No description
by

erich trinidad

on 4 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Rizal Chapter 22

KABANATA 22:
PAGPAPATAPON KAY RIZAL SA DAPITAN,
1892-96 SIMULA NG PAGPAPATAPON SA DAPITAN Cebu - Ang Steamer na nagdala kay Rizal sa Dapitan. FATHER PABLO PASTELLS FATHER ANTONIO OBACH MGA KONDISYON PARA MAKATIRA SI RIZAL SA PAROKYA KUMBENTO Ang mga kodisyong ito ay ang sumusunod:

Una, hayag na tatalikdan at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa relihiyong Katolika, at maghahayag siya ng mga pagpapatotoong iniibig niya ang Espanya at kinalulupitan niya ang mga kagagawang laban sa Espanya;

ikalawa, na bago siya tanggapín ay gagawa muna siya ng mga “santo ejercicio” at tsaka “confesión general,” ng kanyang dinaanang buhay;

at ikatlo, na sa haharaping panahon ay magpapakagaling ng asal, na ano pa’t siya’y maging uliran ng iba sa pagka masintahin sa relihiyong Katolika at sa Espanya BAHAY NG KOMANDANTE CARNICERO Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan. A DON RICARDO CARNICERO -

Isang tula na ginawa ni Rizal para sa kaarawan ni Kapitan Carnicero. Setyembre 21, 1891 -
Hinatid ng Butuan Mail Boat na nanalo si Rizal sa Loterya Nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ng P20,000. ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpala. P6,200 - Ang naging hati ni Rizal.

P2,000 - Ibinigay niya sa kanyang ama at

P200 - kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at

ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan. TATLONG (3) PESETAS - Ang itinataya ni Rizal sa Loterya kada buwan. "Eto ang tangi niyang bisyo" ayon kay Wenceslao E. Retana.

Wenceslao E. Retana - Biographer ni Rizal at Dating Kaaway. Nagsimula ang debate nang magpadala si Padre Pastell ng isang libro at ipinayo sakanya na tigilan na ang kanyang kahibangan.

Sa unang bahagi ng kanilang debate, ipinakita rito ang pagpapakumbaba ni Rizal sa isang pari kahit hindi siya sang-ayon sa pagpapatakbo o pamamalakad ng Kristyanismo sa Pilipinas. Ipnakikita rin dito ang pagiging matuwid ni Rizal sapagkat kahit na mabigat ang mga patungkol ni Pastells kay Rizal sa Liham nito kina Obach at Sanchez, malugod pa rin itong tinanggap ni Rizal bilang isang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang dating kaibigan.

Sinasabi ni Rizal kay Padre Pastell na ang pansariling pananw o paghatol ay kaloob ng Diyos sapagkat kung makikinig at mamimili raw tayo ng mas higit na tamang pananaw ayon sa paghatol ng iba, kakailanganin pa rin daw natin ng sariling paghatol. Ang sarili nating paghatol sa mga bagay ang siya raw magbibigay ng liwanag sa ating landas na tatahakin.

RIZAL - PASTELL DEBATE SA RELIHIYON PAGHAMON NG DUWELO SA ISANG PRANSES Mr. Juan Lardet - isang negosyante
na nakipagtalo kay Rizal.

Ayaw ni Rizal sa mga prayle na ginagamit ang simbahan sa pansariling kapakanan at pangaabuso. KAHIT NA MAY PAGTATALO SI RIZAL AT PASTELL SILA AY NANANATILING MAGKAIBIGAN. Binigyan ni Padre Pastell si Rizal ng
librong Imitacion de Cristo Bilang pasasalamat, binigyan naman ni
Rizal si Pastell ng iskultura ni Saint Paul
na siya pa mismo ang umukit. Kahit may pagtatalo, si Rizal ay nagpatuloy sa pagsimba sa simbahan ng Katoliko at nagpatuloy sa pagdiwang ng fiestas. SI RIZAL AT PADRE SANCHEZ Sa pagnanais ni Padre Pastells na maibalik si Rizal sa tamang landas bilang isang matuwid na Katoliko, Ipinadala niya sina

Padre Obach, Cura ng Dapitan
Padre Jose Vilaclara, Cura ng Dipolog, at
Padre Francisco Paula de Sanchez, ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo de Manila. Dumating si Padre Sanchez sa Dapitan at hinikayat at kinausap agad si Rizal upang magbalik loob sa katoliko. Ngunit kagaya ni Padre Pastells ay hindi rin ito nagtagumpay.

Sa kabila ng kabiguan tinulungan parin ni Padre Sanchez si Rizal upang mapaganda ang liwasang-bayan ng Dapitan.

Pagdating ng kaarawan ng kanyang kaibigan at guro, binigyan niya ito ng libro ( Estudios sobre la lengua tagala ) upang mapagaralang mabuti ang wikang tagalog. Payapa't Maligayang Buhay sa Dapitan Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya.


Ang kanyang Ina
Mga kapatid na sina Trinidad, Maria, Narcisa
Mga pamangkin na sina Teodosio, Estanislao, Mauricio, at Prudencio. Nagpatayo rin si Rizal ng isang bahay sa tabing dagat ng Talisay at napapaligiran ito ng mga Puno.

Nagpatayo rin si Rizal ng isa pang bahay para sa kanyang mga estudyante.

at Isang Ospital para sa kanyang mga pasyente. Si Rizal at ang Espiya Pablo Mercado - Isang espiya na ipinadala ng
mga padre upang magmanman at magpanggap
bilang isang kamaganak.

Nagboluntaryo na magdala ng mga sulat nya sa
mga kapwa niya patriyotiko sa Maynila. Agad agad
nagduda si Rizal at Pinaalis niya ito agad. Ngunit
dahil sa malakas na ulan at lalim ng gabi ay hinupa ni
Rizal ang kanyang galit at pinatuloy ito sa kanyang
tahanan para magpalipas ng gabi.

Kinabukasan ay agad na niya itong pinaalis. Ngunit nabalitaan nya na hindi pa naalis ang espiya at nagkakalat pa sa bayan na sila ay magkamaganak. Agad agad ipinadakip ni Rizal si Pablo Mercado kay Kapitan Juan Sitges. Batay sa imbestigasyon ang tunay na pangalan ng Espiya ay Florencio Namanan na taga Misamis Cagayan. Ngunit pinakawalan din agad ang espiya at walang nahinging dahilan si Rizal kung bakit pinakawalan ang espiya. Si Rizal bilang isang Manggagamot Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.

Mga nagamot ni Rizal:
Doña Teodora
Don Ignacio Tumarong, nagayad ng P3000
Don Florencio Azcarraga, nagabayd ng Asukal. Water System sa Dapitan Si Rizal ay binansagang Perito Agrimensor (Expert Surveyor. Natuto siya sa pagbabasa lamang ng mga librong pang inhinyero. Gamit ang kanyang talino sa pagiinhinyero ay nagtayo siya ng isang patubigan sa Dapitan. Namangha ang mga tao dahil nakagawa si Rizal ng matagumpay na patubigan sa kakaunting gamit at pera. Pinuri din ni Mr. H.F. Cameron isang amerikano ang kanyang gawa. Mga Proyektong pang Komunidad ni Rizal Inumpisahan niya ang ilang proyektong pangkomunidad sa Dapitan:

Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa. Si Rizal bilang isang Guro Nagtayo si Rizal ng isang paaralan sa Dapitan. Nagsimula sa tatlong (3) estudyante at naging labing anim (16) na kalaunan ay naging dalawamput isa (21).

Labing Anim sa kanyang mga Estudyante ay hindi nagbabayad ng matrikula sa halip ay pinagtatrabaho na lamang sila ni Rizal sa hardin at bilang mga construction workers.

Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon. Nagturo din siya ng gymnastics, boxing, wrestling, stone throwing, swimming, arnis at boating. Ang ilan sa mga iniambag ni Rizal sa agham sa Dapitan ay ang mga sumusunod: Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa
Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi at;
Natagpuan niya ang species ng Draco rizali, Apogonia rizali at Rhacophorus rizali. Himno A Talisay Sumulat din si Rizal ng isang awit para kantahin ng kanyang mga estudyante. Pagaaral ng mga Lengwahe Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang wikang

Bisaya,
Subuanin, at
Malayo.

Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan.

Dalawampu't dalawa na ang alam na Lengwahe ni Rizal

Tagalog, Malaya, Ilokano, Hebrew, Bisaya, Sanskrit, Subanum, Dutch, Spanish, Catalan latin, Italian, Greek, Chinese, English, Japanese, French, Portuguese, German, Swedish, Arabic, Russian. Artistic Works ni Rizal
Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang
Paghihiganti ng Ina (mother's revenge),
ang ulo ni Padre Guericco, at
estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan. +
Rizal Bilang Magsasaka. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. Si Rizal Bilang Businessman Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon, mangangalakal na taga-Dapitan, sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Si Rizal at ang kanyan Inventions Nakagawa si Rizal ng mga imbensyon kagaya ng

Cigarette lighter na tinawag niyang sulpukan.
Makinang kahoy para sa paggawa ng bricks MY RETREAT ( MI RETIRO ) Pagkatapos gumaling ng mga mata ng ina ni Rizal. Bumalik na ito sa maynila pero bago umalis ay humiling ang kanyang ina na gumawa ng isang tula. Pinangalanan niya itong Mi Retiro. Ito ay tungkol sa kanyang buhay sa Dapitan. Si Rizal at Josephine Bracken Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak.

Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.

Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal. Rizal at ang Katipunan Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.

Tinutulan niya ito dahil
Hindi pa handa ang sambayanan para sa rebulusyon.
Kelangan ng Pondo at armas upang maging handa sa gaganaping rebulusyon. Rizal bilang boluntaryong Doctor sa Cuba Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano saCuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano. Adios Dapitan Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica. Presented by : Erich & Mark Anthony
Full transcript