Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MESOPOTAMIA

No description
by

Àçè Àçè

on 16 September 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MESOPOTAMIA

MAPA NG MESOPOTAMIA
Ang Mesopotamya (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan "ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.
ANO ANG MESOPOTAMIA?
Ang mga kontribusyon ng Mesopotamya ay may kinalaman sa paraan ng pagsulat, transportasyon at kalakalan, matematika, astronomiya, relihiyon, batas, at iba pa.
Kontribusyon ng Mesopotamia
Politeismo
Relihiyon
Naniniwalang ang mga Sumeryo sa maraming diyos---tinatawag itong politeismo. Bawat lungsod-estado ay itinuturing na pag-aari ng bawat diyos. Pinaniniwalaan nilang ang diyos ang pumipili ng pinuno at nangangalaga sa mga lungsod. Ang mga diyos ang nagdadala ng pagpapala at kalamidad tulad ng baha, taggutom, at iba pa. Ang mga Sumeryo ay nagsasagawang mga ritwal tulad ng pag-aalay at pasasalamat.

Ang mga ito ay nangangailangan ng dasal o pista. Si An o Anu ay diyos ng langit. Si Ki ang tagapagtanggol ng daigdig, at si Enlil ang nagdadala ng malalakas na hangin at ulan. Sina Inanna at Dumuzi ang pinagkalooban ng fertilidad.

Pinag-aralan naman ng mga pari ang ibig ipakahulugan ng mga panaginip at galaw ng mga bituin. Ayon sa kanila, ang mga ito ay may pahiwatig na galing sa diyos.

Naniniwala rin ang mga taga-Mesopotamya na may lugar sa ilalim ng lupa. Sa Epiko ng Gilgamesh, inilarawan ito bilang madilim na kweba kung saan alikabok at luad ang pagkain.
CUNEIFORM
ANG NAIAMBAG SA PAGSULAT
Ang mga manunulat o tagapagtala na Sumeryo ay lumikha ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Ito ang tinatayang pinakaunang pamamaraan ng pagsulat. Matulis nastylus ang ginagamit na panulat. Sa isang parisukat na tapyas ng malambot na luad ay umuukit sila ng larawan na sumasagisag sa mga kaisipan.

Pagkatapos, pinatutuyo ang mga ito at itinatago. Nakatala ang kasaysayan sa mga tapyas na mga batong ito (cuneiform tablet). Gumagamit ang mga mangangalakal ng tatak (seal) ng namimili, nagbebenta, at saksi. Ang mga selyo ng lagda (signature seal) na ginawa sa hugis cylinder ay inuukit sa bato at isinusuot ng may-ari na parang kwintas.
MESOPOTAMIA
GROUP 1
MATEMATIKA
Matematika at Astronomiya
Sa matematika, ang mga taga-Mesopotamya ang nagpakilala ng talaang multiplikasyon at dibisyon. Ipinapalagay na sila rin ang nagturo ng pagkalkula sa pamamagitan ng sugkisan o dyometri at pinagmulan ng kaisipang may 360 digri ang isang bilog at 60 minuto sa isang oras.

Isa sa pinaka matandang ulat ng astronomiya ay ginawa rin sa Mesopotamya. Itinala nila ang paiba-ibang posisyon ng mga planeta at iba-ibang yugto ng pag-ikot ng buwan. Hinati nila ang isang taon sa 12 buwan. At ang isang buwan sa 30 araw.
Transportasyon
Gulong
Sa paggamit nila ng gulong, napadali ang pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar. Maging ang paggamit ng layag sa paglalakbay-dagat ay pinangunahan din ng mga taga-Mesopotamya. Nakatulong ito sa kanilang kalakalan sa malayong lugar.
Gilgamesh
Ang mga Sumeryo ay mahilig sa magagandang bagay. Ang mga manggagawaang may kasanayang gumawa ng alahas, kasangkapan sa bahay, at dekorasyon.

Ang musika ay isang kakayahan na kanilang napalawak at napaunlad. Ang mga instrumentong tulad ng harpa at lira ay ilan sa nagawa nila. Ang mga Sumeryo ay mayroon ding mga pipa, plauta, at pati na rin tamburin.

Ang pinakakilalang panitikan ng Sumeryo ay ang tulang epiko ni Gilgamesh. Si Gilgamesh ay isang hari sa Uruk.
Sining
Batas
Hammurabi Code
Sa larangan ng batas, kinilala ang Kodigo ni Hammurabi. Sa bato na may taas na 2.44 na metro nakaukit ang batas ng kaharian. Si Hammurabi, pinuno ng Babilonya noong 1792–1750 BCE, ang nagpagawa ng mga batas. Naglalaman ito ng 285 na konstitusyon.

Ang batas ni Hammurabi ay may kaugnayan sa lahat na makaaapekto sa pamayanan, kasama na ang relihiyon, pamilya, kabuhayan, at krimen.

Ang mga sumusunod na pahayag ay nakuha sa Kodigo ni Hammurabi:
"Kapag ang isang tao ay nagnakaw ng kapong baka (ox), tupa, baboy, o kambing na pag-aari ng estado, dapat bayaran niya ito ng 30 beses sa tunay na halaga nito. Kung ito naman ay pag-aari ng pribadong mamamayan, dapat bayaran niya ito ng 10 beses sa tunay nitong halaga. Kung ang nagnanakaw naman ay hindi kayang magbayad, parurusahan siya ng kamatayan…"
PAGNANAKAW NG BAKA
"Kapag ang isang tao ay masyadong tamad sa pag-aayos ng dike ng kanyang lupain, at pinabayaan niyang umagos ang tubig sa taniman o sa palayan na pag-aari ng ibang tao, dapat makalikha siya ng ani para sa mga naapektuhan niyang taniman…"
"Kapag nasira ng isang tao ang mata ng isang kasapi ng aristokrata, sisirain din ang kanyang mata…"
"Kapag tinanggal ng isang tao ang ngipin ng kapwa o kauri niya, tatanggalan din siya ng ngipin."
MGA IMPERYO SA MESOPOTAMIA AT
SUMERIANS
- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga pamayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na Ziggurat.
- Ang Ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.
AKKADIANS
- Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg Summer at Akkad, at nagpatayo rin ng Ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur Nammu na si Ibbi-su ang Ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.

- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.

Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

BABYLONIAN
- Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon nasa hilaga ng Babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E – 1781 B.C.E) – napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.


ASSYRIANS
Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:
- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay
- 1120 B.C.E – Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
- Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng Assyria na nagpadala ng mga mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang haring sina sennacherib at essarhaddon.
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay hinalilihan ng kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.

CHALDEAN
- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur.
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.

PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
- 539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander The Great.
PERSIANS
- Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid.
- Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)
- Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -umabot ang sakop ng imperyo hanggang india.
- Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
- Royal Road- may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga, opisyal at mensahero.
- Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
ZIGGURAT
LUNGSOD UR
HAMMURABI
ESSARHADDON
SHAMSHI-ADDAD I
TIGLATH-PILISER III
HANGING GARDEN OF BABYLON
ZOROASTER
END...
Full transcript