Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga Kabataan sa Kalusugan, Pag-aaral, at Kapaligiran

No description
by

Ninyo Bondoc

on 8 March 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga Kabataan sa Kalusugan, Pag-aaral, at Kapaligiran

Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga Kabataan sa Kalusugan, Pag-aaral, at Kapaligiran
LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat maaaring mapagkukunan ng impormasyon ukol sa mga epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan. Isa pang maituturing na importansiya nito ay pagdinig sa opinion at pananaw ng mga kabataang naninigarilyo nang sa ganoon ay malaman ng mga mag-aaral na naninigarilyo ang epekto nito sa mga taong nasa kanilang paligid. Nakatutulong din ang papel na ito sa mga iba pang makababasa nito.
PAMAMARAAN
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo.
Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang “internet” balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
PAGLALAHAD NG SULIRANIN:
Sa Ating Bansa, Ang Mga Kabataan Ay Naningarilyo Sa Edad 10 Taong Gulang .At Regular Na Sa Atin Ang Paninigarilyo Edad 13-16 Taon. Ayon Sa Kagawaran Ng Kalusugan (DOH) Isang Tao Kada 13 Segundo O Isang Milyong KataoTaun-Taon Ang Namamatay Dahil Sa Paninigarilyo.

PANGKALAHATANG SULIRANIN:
Ang Pag-Aaral Na Ito Ay Naglalayong Tukuyin Ang Mga Epekto Ng Paninigarilyo.


kabanata iKAANAADRE
PANIMULA
Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kabataaan ang kadalasang gumagawa at gumagamit. Sa panahong ito, malaya ang mga kabataan na gawin ang paninigarilyo kahit saan, at anumang oras. Ito ay nakakasama at maaari itong magdulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan at nagbibigay ng mga sakit sa ating katawan. Marami ng mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang libangan o pampalipas-oras ngunit maraming masasamang epekto ito sa kanilang kalusugan, pag-aaral, at pati na sa pakikipag-ugnayan sa iba. Kabataan ang kadalasang biktima ng paninigarilyo. Kahit hindi na guamagamit o gumagawa ang isang tao ng ganitong klaseng bisyo, hindi maiwasanang mga dalang epekto nito sa kanya. Ang usok ng sigarilyo ay naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo o tinatawag na second hand smoker.
Malaki ang naitutulong ng pananaliksik na ito sa mga sumusunod:
1. Kabataan
2.GOBYERNO
3.PAARALAN
4. MAGULANG

KABANATA-II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

ANG SIGARILYO
• Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.
• Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
• Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito

KABANATA -I
Introduksyon
Ang paninigarilyo ay hindi nagpapaganda ng ating kaanyuan at
nagpapasopistikada o nagbibigay kapangyarihan. Ito ay nagpapahina sa atin at
nagbibigay ng sakit. Nagkakaroon ito ng epekto sa kalusugan.
Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo

TIYAK NA SULIRANIN:
1. Anu-ano aang mga epekto ng paninigarilyo?
1.1. sa kabataan
1.2. sa pag-aaral
1.3. kalusugan
1.4. kapaligiran

MGA PALAGAY:
1. Maraming kadahilanan kung bakit naninigarilyo ang mga kabataan.
2. Nakakaapekto ang paninigarilyo sa kanilang pag-aaral.
3. Pangunahing epekto ng paninigarilyo ay ang pagsisikip ng kanilang paghinga.

HINUHA O HIPOTESIS:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong imbestigahan ang hipotesis na mayroong kaugnayan ang paninigarilyo sa akademikong peformans ng mag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

ANG SIGARILYO
• Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.
• Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
• Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.
Kabanata – III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, nagumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mgadatos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

B. MGA RESPONDENTE
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga
Smokers sa aming Paaralan. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng DescriptiveSurvey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (surveyquestionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at sa internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’twala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.

METODOLOHIYA
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo.Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang “internet” balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik

KABANATA - IV
LAGOM
Ang paninigarilyo ay hindi nakakasupistikada ng pagkatao, bagamat ito’y may kaakibat na sakit kung ito’y pagpapatuloy. Hindi lamang cancer sa baga na karaniwang alam ng ng mga tao, kundi marami pang kumplikasyon sa katawan gaya ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, stroke, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.

KABANATA-V
KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya ng ating katawan. Ito rin ay nakamamatay.

Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay.

Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanapg ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics.
Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.

Thankyou :)
Full transcript