Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

KOMENTARYONG PANRADYO AT DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

No description
by

ivee de asis

on 13 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KOMENTARYONG PANRADYO AT DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

KOMENTARYONG PANRADYO
FONTS
Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bilog na may ngiti ang positibo at sa bilog na nakasimangot ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin
mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:
1) Pamagat ng paksang tinalakay;
2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI at Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t
dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan
sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil
magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative
LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-
Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!


: RADYOrific Ang Hatid
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.
nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa

naghahatid ng napapanahong balita

nakikinig ng mga awit

naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan

nagpapalabas ng teledrama

nagpapakilala ng isang produkto

nagpalabas ng variety show

naghahatid ng musika

nagpapalabas ng pelikula

nagpapahatid ng mga panawagan

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN
• Magsaliksik ng mga impormasyon
• Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
• Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
Mga Gabay na Tanong

1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong
binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?

2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?

Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan.
Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila.
Ugnayang Wika
XXX

Talentadong Pinoy

Rated K

TV Patrol

i - Witness

Tween Hearts

Umagang Kay Ganda

Matanglawin

ART Angel

TV Patrol

Weekend Getaway


S. O. C. O.

REPORTER’S
NOTEBOOK


REEL TIME


KRUSADA


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES


STORYLINE

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES

STORYLINE

NOTEBOOK

REPORTER’S
NOTEBOOK


S.O.C.O


REEL TIME

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?
2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?
4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan.
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?

3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?


Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
 Teknik sa Pakikipanayam
 Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Teknik sa Pakikipanayam
 Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM

*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
 Pagkatapos ng Panayam
Full transcript