Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Nobela

No description
by

Reesa Marasigan

on 14 October 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Nobela

Nobela Nagsimula ang pagsusulat ng mga nobela noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ang karaniwang mga paksa ay ang relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikang nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Nagkaroon sila ng dalawang klaseng nobela noong panahon ng mga Kastila.
Ang mga nobelang pangrelihiyon na nagbibigay ng diin sa mabubuting aral
Ang nobelang mapaghimagsik na nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo.
Kasaysayan Ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay hinahati sa tatlo:
Panahon ng Aklatan Bayan - umunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksang tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan, at karanasan.
Panahon ng Ilaw at Panitik - hindi umunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat ng mga tula at maikling kuwento
Panahon ng Malasariling Pamahalaan- bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento at pagbabago ng panahon
Panahon ng Hapon: hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales.
Noong panahon ng batas militar hanggang ngayon, ang mga nobela ay tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay, atbp. Kasaysayan Ang nobela ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang mga tauhan.
Maraming mga nobela ay nakabatay sa totoong buhay.
Ang mga pangyayari ay naganap sa mahabang panahon at maraming mga lugar. Nobela Mga Uri ng Nobela Marasigan Puno
Naagas Mendoza
Tablante Paul
Depante Gana Nobela ng Tauhan Ang pokus ng nobela ay mga tauhan. (ang kanilang katauhan at pangangailangan) Nobela ng Romansa Ito'y tungkol sa pag-iibigan. Nobela ng Kasaysayan Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa mga bayaning nagtanggol. Nobela ng Pangyayari Ang binibigyang-diin sa ganitong nobela ay mga pangyayari. Nobela ng Pagbabago Ang binibigyang-pansin ay ang mga layunin sa pagbabago sa pamahalaan. Mga Elemento Banghay Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang nobela. Tema Ito ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela. Ito ang sentrong paksa o nakatagong mensahe na gustong ipakita ng manunulat sa kanyang nobela. Ito ang pangunahing moral sa mga nobela. Tauhan Ang tauhan ay ang mga kathang-isip na karakter na gumagalaw sa banghay. Sila'y madalas na nagtataglay ng mga pag-asa, pagkatakot at pangarap na nakikita o nadarama ng mambabasa.
Sila rin ay nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela. Tagpuan Ito ang lokasyon at panahon kung saan o kailan naganap ang isang pangyayari sa nobela. Ang isang pangyayari ay naaapektuhan ng kanyang kapaligiran kaya importante ang maingat na pagpili ng tagpuan.
Kasukdulan Ang kasukdulan ay ang pinakamataas o kapanapanabik na parte ng nobela na sinusundan ng kakalasan.
Ito rin ay isa sa mga bahagi na inaabangan ng mga mambabasa.
Tunggalian Ito ang paglalabanan ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili, sa ibang mga tauhan, sa lipunan, o sa kalikasan. ... small Halimbawa: Mag-Anak na Cruz Banghay Ito ay nagbubukas sa unang mga taon ng pagiging mag-asawa nina Remy at Tinoy, kung saan ay kakalipat lamang nila ng tahanan at sanggol pa lamang ang panganay nila na sa Baby. Muling nag-aral si tinoy upang makakuha ng mas maraming oportunidad sa trabaho, at naging matagumpay naman ang patahian ni Remy. Nagkaroon pa sila ng isa pang anak na babaeng pinangalanang June. Guminhawa ang buhay ng pamilya Cruz, at nakapagpatayo na sila ng isang bahay-bakasyunan sa probinsya. Ang kanilang mga anak ay nakapagtapos ng kolehiyo, si Baby ay kumuha ng Home Economics samantalang si June ay naging isang nars. Nagtungo sa Amerika si Baby at doon na nag-asawa, at si June naman ay nakapangasawa ng isang doktor. Naging mapagmahal na lolo at lola sina Remy sa kanilang mga apo. Natapos ang aklat sa pag-alis nina Remy at Tnioy patungong Estados Unidos. ... small Tauhan Remedios “Remy” Cruz – isang modista na may sariling patahian
Faustino “Tinoy” Cruz – asawa ni Remy, isang CPA (certified public accountant)
Baby Cruz – panganay na anak nina Remy at Tinoy, nagtapos ng Home Economics sa kolehiyo at nagtungo sa Amerika. Doon na siya nakapag-asawa at may dalawang anak.
June Cruz – bunsong anak nina Remy at Tinoy, isang nars at nakapangasawa ng isang doktor. Sila ay nabiyayaan ng dalwang anak. Mayroon silang klinika.
... small ... small Tunggalian Tao laban sa tao:
Maraming kilala ang pamilyang Cruz. Lahat tayo ay kinakailangang makisama, at ganoon din ang pamilya Cruz. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay gusto nila ang mga tao sa kanilang paligid, gaya ni Nenita.

Tao laban sa sarili:
Si Remy ay isang inang nahihirapang pakawalan ang mga anak.
Full transcript