Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Proyekto sa Filipino : Pagsusuri ng Pelikula

No description
by

Jeanne Javier

on 16 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Proyekto sa Filipino : Pagsusuri ng Pelikula

Proyekto sa Filipino : Pagsusuri ng Pelikula
Reaksyon sa mga nagsiganap
Mga Reaksyon at Mga Teoryang ginamit
Mga Bisang Pampanitikan
MARAMING SALAMAT PO!
Uri ng Panitikan
Uri ng Panitikan

Ang sinusuri ng aming grupo ay isang pelikula, ang pelikula ay isang larangan na binubuo ng mga gumagalaw na larawan. Ang mga pelikula ay pinakatanyag sa industriyang panglibangan o "entertainment". Naililikha ang mga pelikula sa pagrecord ng mga larawan o bagay gamit ang kamera kundi man ay iginuguhit blang kartun
Pamagat
Ang aming pelikulang sinusuri ay may pamagat na "Segunda Mano". Ito'y pinamagatang ganito dahil malaki ang parte ng isang bag na nabili ng pangunahing tauhan bilang segunda mano o second hand sa ingles. Maaaring pinamagatan din itong ganito dahil ang pangunahing tauhan na si Ivan ay naging segunda manong kasintahan ni Mabel pagkatapos ni Mariella.
Kris Aquino
Nang lumabas siya sa kaniyang unang eksena, ako’y naasar dahil hindi niya kayang bitawan ang kaniyang personalidad sa totoong buhay. Para bang siyang wala sa pelikula. Sunod ay hindi bagay sa kanya umarte bilang si Mabel dahil siya’y matanda na. Bata pa lamang si Ding Dong Dantes kaya hindi sila bagay ni Kris. Sana’y pumili ang mga “producer” ng mas bata at may mas kaya umarte.

Sofia Millares
Natural kay Sofia Millares ang pagiging malandi, kaya bagay sakanya ang gumanap bilang isang babaeng naghahangad makuha ang puso ni Ivan kahit nandiyan si Mabel. Nakakairita ang kanyang paglandi kay Ivan kaya masasabi naming maganda ang pagarte niya dahil naparamdam niya samen iyon at hindi lang basta basta mukhang pokpok.
Dingdong Dantes
Una sa lahat, natuwa ako sa kanyang pagdrama dahil bagay sakanyang itsura ang pagiging mayaman. Ngunit, malabo ang koneksyon nilang dalawa ni Kris. Wala silang tinatawag na “chemistry” na kailangang-kailangan sa mga pelikula. Kapag galit si Ivan (Ding Dong Dantes) talagang kitang-kita sa kanyang mga mata ang tunay na galit. Habang, pag siya naman ay nalulungkot kita rin sa kanyang mga aksyon ang kanyang pagkalungkot.
Helen Gamboa
Nakita ko ang kanyang pagiging ina kay Kris. Bagay sakanya maging nanay ni Mabel dahil sa kanyang edad. Ang kanyang itsura ang nagdidikta ng kanyang personalidad at pagkayaman sa pelikula. Magaling rin siya umarte nang alagaan niya si Mabel. Magaling din ang kanyang pag-arte na hindi niya mapakawalan ang kanyang isa pang anak na si Mariel. Ramdam ang emosyon dahil sa kanyang pag arteSa kabuuan, bagay na bagay sa kanya ang pag-arte bilang inang mayaman pero problemado.
Bangs Garcia
Siya’y nakatutuwa dahil sa kanyang pagiging komedyante at magaling siyang makipagkonek sa manunuod. Nagmukha tuloy pilit ang kanilang pagkakaibigan ni Mabel. Sana’y mas madami ang kanyang “screen time” dahil natuwa ako sakanya. Nakita ko ang tunay na ugali ng mga Pilipino na hospitable at nakatatawa. Natural sa kanya ang kanyang pagdrama.
Angelica Panganiban
Ako’y nanginig sa sobrang takot nang makita ko siya sa unang eksena pa lamang. Natural ang mga aksyon niya. Kapanipaniwala ang kanyang paghingi ng tulong sa mga motorista. Ngunit malabo naman yung relasyon ng dalawang pagkamatay nilang dalawa ni Marie. Mukhang pinilit ang mga eksena.
Istilo ng Manunulat
Ang Segunda Mano ay ginawa ng manunulat na isang trahedyang pelikula. Base dun sa pelikula ang planong gawin ng manunulat ay gawing misteryo ang istorya. Dahil kung mapapanood mo ang Segunda Mano ay talagang mapapaisip ka, katulad ni Mariella ay napakamisteryo ang kanyang paggaganap sa istoryang ito. Ang isa naman ay may pagka suspense, kasi kahit sa isang lingon palang ng isang karakter ay bigla nalang lalabas ang multo o kaya ay medyo maypagkakaroon ng kaba. Ito ay ginawa ng manunulat para maipakita rin kung anong pwedeng mangyari sa isang trahedya ng isang pag-ibig.
Istilo ng Pagdirihe
Maganda ang pagdirihe ni Joyce Bernal sa palabas o cine na ang pamagat ay Segunda Mano. May Drama ang palabas, horror, comedy, at suspense at psychological na genre. Mahirap itong gawin dahil ito ay isang drama na palabas. Pero nasama niya ang comedy sa palabas kaya may halo itong katatawanan na. Halos lahat ng may palabas na siya ang nag direk ay may halong comedy at drama.Napapansin natin, sa lahat ng mga palabas ay halos pare-parehas ang estilo ng kanyang pagdirek. Halatang-halata ang kanyang personality na siya ay masayahin, patawa, makulit, mabait at madrama.
Romantisismo
Binibigay diin ang pagiibigan ng dalawang tao nasi Mabel at Ivan lumaganap ang kanilang pagtitinginan sa pagkat sa konting panahon lang ito nangyari na ipakita pa rin ang pagiibigan ng dalawa at ang kanilang kagustuhan sa isat-isa. Sa istorya pinakita ang unang pagiibigan ni Ivan kay Mariella pero hindi ito nag tagal. Sa mga ilang parte pinakita ang pagmamahalan ni mabel at ivan kaya romantisimo ang pinakita nito.
Eksistensyalismo
Sa kwento binigay diin ang kanyang pasya sa mga bawat parte ng istorya ang kanyang pag pili ng bag at kung anu-ano pa upang makarating siya sa mga ganun na pangyayari at siya ang humawak ng kanyang kinabukasan hindi ang iba. Alam niya na kung mag kamali siya ng pasya ito ay mararating sa kapahamakan kayat may iniwan siyang mga bagay katulad ng bag niya upang lubayan na siyang multo
.
Naturalismo
Pinakita pa lang sa kwento na ang buhay talaga ay mahirap sa pagkat kahit gano kagandang iyong puhunan sinasamahan nitong pampahirap katulad ng mga aksidente na hindi maiiwasan mga problema nakinakaharap sa kwento. Naipakita rin ang pagmumulto na kung saan nagpahirap lalo sa bida.
Sa kwento na ito pinakita ang pag babaliktanaw ng nakaraan kung saan pinakita ang mga tunay na pangyayari upang maituwid at magbigay linaw sa mga bida ang kwento. Ilang bahagi sa kwento ay nag balik tanaw sa nakaraan kung saan binabalik ang mga panahon kung saan tumatak sa isipan ni Ivan nung bata pa siya.
Historikal
Realismo
Sa pagkat tuwing may tao tayong minamahal na sumakabilang buhay tayo pa rin ay nag iisip na gusto natin silang ibalik at parang ibinubuhay narin natin sila sa ating isipan. Paminsan-minsan may kaluluwang hindi nawawala dahil walang hustisya silang nakukuha kaya gumagawa sila ng paraan upang mag bigay gabay, senyas at kung anu-ano pa para lang mabigyan hustisya ang kanilang pagkamatay marami sa panahon ngayon ay mga multong kumakalat na nag bibigay senyas upang makamit ito.
Bisa sa Lipunan
Dito sa pelikulang ito ay ipinapaikta sa lipunan na merong mga trahedyang katuad ng mga ganito na pwedeng mangyari sa kahit na sino man. Kung ito ay paguunawaan ng mabuti ay pwedeng meron din palang mga pangyayari na katulad nito na kanilang naranasan o nararanasan. Pinapakita din dito na pwedeng merong mga multo o mga ligaw na mga espirito na di natin nakikita pero nandyan lang sila sa ating lipunan. Dapat nating tandaan at alalahanin na pwedeng magkaroon ng mga ganyang pangyayari sa ating lipunan. Kaya dapat nating ayusin at harapin ang anumang mga Pangyayari masama man o mabuti sa ating lipunan.
Bisa sa Isip

Pagkatapos panoorin ang pelikula naisip ko na hindi talaga pala malalaman ang katauhan ng tao sa unang tingin at kahit pa man medyo matagal na kayong magkakilala ay mahirap nang maging sigurado kung ano ang totoong katauhan ng mga tao. Maaring katulad pala ni Ivan na nagmistulang mabait nung una ngunit ay hindi naman pala.
Bisa sa Damdamin

Ako'y natuwa matapos kong panoorin ang Segunda Mano dahil naramdaman kong hindi naman pala lahat ng multo ay masama kundi ay maari din palang maganda ang pakay nila katulad ni Mariella na gusto lang protektahan ang kanyang pamilya mula kay Ivan. Nakaramdam din ako ng onting pagkalito dahil sa totoong identidad ni Mariella.
Bisa sa Kaasalan
Ang pelikulang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnapanood at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng pelikula at ang tunay na nais ipahatid ng pelikula at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kung paano ito lulusutan. Na ang problema ay hinaharap katulad ng pakikipagusap ni Mabel kay Ivan na layuan na siya at hindi siya natatakot na sabihin niya ito kay Ivan. Hindi dapat maging sakim sa pag-ibig, dapat nating respetuhin ang pasya ng ibang tao. Dapat rin nating harapin at solusyonan ang lahat ng hadlang na ating mahaharap.
Katapusan
Full transcript