Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Sanaysay at Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag

No description
by

Renileen Garcia

on 5 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Sanaysay at Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Sanaysay at Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw
Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Dalawang Uri ng Sanaysay
Pormal
Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.
Inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos
Di Pormal
sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat personal
binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa
Ang Pinagmulan ng Sanaysay
1580
Nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael de Montaigne ,isang Pranses na pinakamagatang Essais. Sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka,mga pagsubok, at mga pagsisikap ng mga may-akda.

1800
Sumigla ang pagsusulat ng sanaysay, kabilang sa mga manunulat ay sina Richard Stele, Joseph Addison, Samuel Johnson, at Oliver Smith.

1900
Bukod sa panitikan at sining, nagging malaganap ang paksang panlipunan at panrehiliyon. Patuloy din na namulaklak ang paglaganap ng sining.

Ang Pagusbong ng Sanaysay sa Pilipinas
Ang kasaysayan ng sanaysay sa taglaog bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga isinulat ni Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People of the Philippines.
Ang A Century Hence ni Marcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nanguna sa pangkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
Ang Sining ng Sanaysay Ngayon
Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag, kabilang na dito ang mga piling sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Buhat sa Aming Sulok ni Paramulan Aspillera at Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza.
Naging masigla ang mga manunulat ng naisama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards for Literature ang pagsulat ng sanaysay. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng Palanca sina Pedro L. Ricarte,Ruel Aguila at Rosario Torres.
Iba't- Ibang Bahagi
ng Sanaysay
PANIMULA - pinakamukha ng sanaysay
KATAWAN - Sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
WAKAS - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
Sangkap ng Sanaysay
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi
Anyo at Istruktura - ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Iba't- Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Iba-iba ang paraaan ng pagpapahayag,
maaaring paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay, o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran.
Iba't- Ibang Uri ng Pagpapahayag
INIHANDA NG IKALIMANG GRUPO

G2 Bacason, Beatrice
G8 Garcia, Renileen
G10 Macasa, NIkka Joy
B10 Gallardo, Janus
B11 Gamboa, Mark Andrei
B14, Marciano, Guion Lorenzo
Paglalahad
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubosna maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
Paglalarawan
isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.
Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipapakita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw o napapakislot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mambabasa.
Pangangatuwiran
isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
Layunin nito na hikayarin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwiran pagpapahayag. Sa pangangatuwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
Pagsasalaysay
Nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukwento ng mga kawili-wili na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kwentong bayan.
Full transcript