Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

REAKSYON NG MGA MAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALAN NG BALETE HI

No description
by

Jane Matibag

on 31 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of REAKSYON NG MGA MAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALAN NG BALETE HI

Bakit nga ba pinatupad ang programang K+12?
Ang programang K+12 ay ipinatupad para sa karagdagang kaalaman ng mga estudyante at nagbibigay din ito ng kasiguraduhang trabaho sa mga kabataan kapag nakapagtapos na nang senior-highschool ang mga kabataan.
Ano ang epekto sa pag-aaral dahil sa pagpapatupad ng programang K+12?
Marami sa mga kabataan ang hindi makatuntong ng kolehiyo sa kadahilanang kapos sa pera .Problema din ang kakulangan sa silid-aralan, dahil dito magkakaroon ng problema dahil dumadami ang pumapasok at nag-aaral. At dahil din sa programang K+12 ito ay nagbibigay ng kasiguraduhan ng pagkakaroon ng trabaho. Ang programang K+12 ay nagdudulot ng problema sa kakulangan sa mga guro.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin at kalaaman ng mga estudyante tugon sa kasagutan sa problema ng bawat Pilipino na hindi makatuntong ng kolehiyo.Ang pamanahong papel na ito ay sumasaklaw sa mga indibidwal na siyang taga tugon ng mga sarbey kwestyuneyr upang makumpleto ang mga impormasyong kinakailangan sa pananaliksik na binubuo ng isang daang (100) estudyante.

Ang dahilan kung bakit napili ang mga estudyante na nasa Mataas na Paaralan ng Balete dahil sa mga impormasyong nakalap na ang paaralang nabanggit ay kasalukuyang nagpapatupad ng programang K+12. Dahil sa nakalap na impormasyon napili ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng ito upang mabatid ang kanilang mga saloobin ukol sa pagpapatupad ng programang K+12.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Layunin Ng Pag-aaral
• Upang malaman ang reaksyon o tugon ng mga mag-aaral sa memorandum ng Dep-Ed na K+12.

• Malaman ang mga aspeto tungkol sa nasabing programa.

• Kung ano ang kanilang palagay tungkol dito.

• Malalaman kung ano ang mga nakaimpluwensya na ipatupad ang programang K+12.


Introduksyon
Kahalagahan ng Pag-aaral
Guro

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro na madagdagan ang abilidad nila sa pagtuturo. Mapapataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng kanilang pagtuturo.

Mag-aaral

Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil madaragdagan ang kanilang kaalaman, mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Mapagtitibay din ang relasyon ng guro at estudyante.

Pamahalaan

Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil malalaman nila kung ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mapag-aaralan din nila ang pamamalakad ng edukasyon at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin. At lalong mapapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon.
Reaksyon ng Mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Balete Hinggil sa Paksang K+12 Makabagong Sistema Tiungo sa Mabisang Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa sa disenyo ng pamparaang
deskriptiv-analitik na pananaliksik

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang dalawang pangkat ng mag-aaral sa Ika-pitong baitang na kumukuha ng K+12 kurikulum sa Mataas na Paaralan ng Balete.
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Seksyon Babae Lalaki Kabuuang dami
Sampaguita 1 26 24 50
Rose 1 26 24 50

Kabuuang dami 52 48 100

Distribusyon ng mga respondente ayon sa mga Babae at Lalaki ng dalawang (2) pangkat na kumukuha ng K+12
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananalisik ay naghanda at namahagi ng isang sarbey kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang reaksyon ng mga respondente hinggil sa K+12 kurikulum.Nangalap din ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa ibat-ibang hanguan tulad ng mga tisis, proposal, disertasyon at pamanahong papel. Kumukuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
Dahil sa pamanahong – papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, tulad ng tisis,disertasyon walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Kinuha o inalam lamang ng mga mananaliksik ang bilang o dami ng pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyuneyr at pagkuha lamang ng porsyento o bahagdan ang ginawa ng mga mananalisik matapos maitally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente.

Tritment ng mga Datos
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE AYON SA KASARIAN

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
DISTRIBUSYON NG RESPONDENTE AYON SA EDAD

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
RESPONDENTENG ALAM ANG ANTAS NG KAALAMAN HINGGIL SA K-12

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
RESPONDENTENG NAGSASABI KUNG SAAN NILA NATUTUNAN ANG K-12

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
PANINIWALA NG MGA RESPONDENTE KUNG MAKAKATULONG ANG K-12 SA PAGPAPALAWAK NG KANILANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAG-AARAL

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
PANANAW NG MGA RESPONDENTE KUNG MAGIGING EPEKTIBO BA ANG MAKABAGONG SISTEMA NG EDUKASYON

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
PANANAW NG MGA RESPONDENTE UKOL SA RESULTA KUNG MAKAKATULONG BA ANG K-12 SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
PALAGAY NG MGA RESPONDENTE KUNG MAY MAGANDA BANG MAIDUDULOT SA KANILANG PAG-AARAL ANG BAGONG KURIKULUM NA K+12
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa K+12 kurikulum. Gamit ang disenyong deskriptiv analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey kwestyuneyr na pinasagutan sa limampung (50) respondente sa ika-pitong baitang seksyon Sampaguita 1 at limampung (50) respondente sa ika-pitong baitang seksyon Rose 1 na mag-aaral sa mataas na paaralan ng Balete.
Konklusyon
A. Naging maayos ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa bagong kurikulum na K+12.

B. Karamihan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Balete ay sumasang-ayon sa bagong kurikulum na K+12 at may kaalaman tungkol dito.

C. Sa guro nila nalaman ang bagong kurikulum na K+12.

D. Nakakatulong ang K+12 kurikulum sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa pag-aaral ng mga estudyante.

E. Ayon sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng Balete ay magiging epektibo ang makabagong sisitema na ipinatupad ng departamento ng edukasyon.


Rekomendasyon
A. Para sa pamahalaan, lubos pang suportahan ang makabagong kurikulum upang higit na maunawaan ng mga studyante at mga magulang.

B. Para sa opisyal ng DepEd, pagtuunan pa ng pansin at bigyan ng malawak na impormasyon ang mga estudyante na kumukuha at kukuha pa ng makabagong kurikulum.

C. Para sa mga guro, nawa’y maging instrumento sila sa paglaganap ng kaalaman tungkol sa makabagong kurikulum .

D. Para sa mga magulang, pagtuunan pa ng pansin ang mga estudyante lalo na sa pinansyal, emosyonal, mental at ispiritwal na aspeto

E. Para sa mga estudyante, pagbutihin pa ang pag-aaral at sikaping matapos ang kurikulum upang makamit ang tinatamasang tagumpay.

F. Para sa mananaliksik, ipagpatuloy at palawakin pa ang pag- aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang relevant na datos o impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa K+12 kurikulum.

MARAMING SALAMAT!
Rebecca Jean Matibag Princess Enano
Marina Zara Lyn Balhag
Maegan Lovely Mantala Margareth Cuevas
Lynnie Valencia Elizabeth Mulato
Vivian Fe Garcia Anthony Escueta
Melanie Gutierrez

Ang K+12 ay isang programang nagnanais na mapalawak ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa kurikulum ng mga mag-aaral. Ito ay isinasabatas ng kasalukuyang administrasyon upang matugunan ang bumababang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa kanila ito ay magiging susi upang mapadali ang buhay ng mga kabataan. Sinasabi nilang pagkagradweyt ng mga mag-aaral sa huling taon ay maaari na silang mag-umpisang magtrabaho hindi katulad sa kasalukuyang panahon na ang karamihan ay kailangan pa ng dalawang taon bago makapagtrabaho. Ang K+12 ay maituturing na isang suliraning pambansa dahil kapakanan ng lahat ng mamamayang ang usaping ito. Ang usaping ito ay para sa kinabukasan ng mga mamamayan maging ang bansa. Kaya naman, masusi dapat itong binubusisi upang maiwasan ang pang matagalang problema na maaaring maidulot kung sakaling hindi maayos ang pagkakatupad nito. Matinding paghahanda ang dapat gawin ng pamahalaan para sa programang ito. Ang programang ito ay matinding pangangailangan sa mga guro, mga klasrum, libro at pera. Ang mga ito ay kailangang mapondohan ng tama bago mailunsad. Hindi biro ang kinakailangan pondo sa programang ito dahil sangkot ditto nang buong kapuluan kung saan libu- libo ang mga paaralan rito. Kabi-kabila ang mga nagiging debate at diskursyon ukol sa usaping ito. Makakatulong ito para maungkat ang mga isyu upang sa ganoon ay maging handa ang lahat sa mga maaaring kahantungan kung sakaling maipatupad ito.



Gaano kalaki ang garantiya ng ating gobyerno na sa pagtatapos ng anim (6) na taon sa hayskul ay maaari nang makapagtrabaho ang ating gobyerno upang obligahin ang mga kumpanya upang tanggapin sa trabaho ang mga kabataang ito na nagtapos ng programang K+12. Ang pagpapatupad ng programang ito ba ay napaghandaan ng sapat ng mga kawaning edukasyon upang ipatupad sa bawat paaralan dito sa ating bansa. Nakatitiyak ba ang ating pamahalaan na ito ay magiging matagumpay na proyekto. Nalalaman ba natin kung may sapat na pagtustos ang bawat magulang sa mga kabataang magdaragdag ng dalawa pang taon sa hayskul, gayong apat na taon pa lamang ay marami ng mga mag-aaral ang humihinto sa kadahilanang sila ay kapos sa pang araw-araw na gastusin sa pagpasok sa paaralan, ano pa kaya kung anim na taon ito. Nabigyang pansin ba ang reaksyon, saloobin, at opinyon ng mga magulang ng mga mag-aaral na ito. Sang-ayon o hindi ba ang mga magulang ng mga ito sa pagpapatupad ng programang ito. Nag-lalayon ito upang matukoy ang reaksyon ng bawat kasangkot sa programang ito. Ayon sa mga isinasagawang pag-aaral patungkol sa programang K+12 ay naglalayon na mabawasan ang mga walang trabaho sa ating bansa.




Ang K+12 ang programang ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng Edukasyon na naglalayong tulungan an gating mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa buong asya, kundi sa buong mundo. Naglalayon din itong ihanda ang mga bata sa mundo ng pagtatrabaho, ibig sabihin nito na hindi na kailangang mag aral pa sa kolehiyo para maging propesyonal.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literature
Ang sistema ng K+12 ay ang K-6-4-2 na kung saan ang sistema ng edukasyon ay hindi tulad ng dati na ang elementary schoolay tumatanggap ng bata lahit hindi naman nag kinder. Iba na ang sistema ngayon, ang mga batang papasokay kinakailangang may angking kaalaman na sa pagbasa at pagsulat. Ang mga kasong ito ay ipinatutupad na ngayon. Ang tawag sa mga paaralang kinder na ito ay “ Universal Kindergarten “ na naglalayong makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pampublikong kindergarten. Dito tinuturuan na silang magbasa at magsulat bilang preperasyon sa elementarya. Pangalawa ay ang “6” sa (K-6-4-2) katulad ng dati anim na taon pa din ang elementarya ang kaibahan lamang ay sa susunod na level na mayroong apat na taon. Ito ay tinatawag na “Junior High School” ito ay mula sa Grade 7-10 samantalang ang Grade 11-12 ay tinatawg na “Senior High School”.

Ang K+12 ay ang karagdagan ng Grades 11 at 12 na nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng hayskul. Kung nais na nilang magtrabaho at ang hindi agad magtuloy ng kolehiyo o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo o mas maging handa sa kolehiyo mismo. Ayon kay kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment ng mga magulang sa edukasyon ang kanilang mga anak. Sa kasalukuyan ay kinakailangang magtapos ang ating kabataan o mag-aaral sa kolehiyo para makapagtrabaho. Ngunit para kay Bro. Armin Luistro at Benigno Aquino III ang K+12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang ay maaari nang makakuha ng certificate of competencies level 1 basta masatisfy lang ang requirements ng TESDA. Senior high school level 2 naman ay maaari na silang magtrabaho. Para sa iilang may positibong maidudulot ang K+12 dahil mas handa ang kabataan sa mundo ng trabaho, mas lalong tataas o uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil ang kabataan ang pag-asa ng bayan at mas magiging bukas ang mga kabataan pagdating sa pagdedesisyon sa kanilang buhay. Sinasabi naman din na may negatibong maidudulot ang K+12 dahil sa globalisasyon, maitatatak sa isipan ng mga kabataan na mas magandang tangkilikin ang produkto ng ibang bansa kaysa sa ating sariling produkto.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang reaksyon ng mga mag-aaral ukol sa K+12. Malaki ang papel ng mga mag-aaral sa usaping ito at mas dapat na maibigay at maipahayag ang kanilang mga reaksyon sa nasabing programa. Sa pananaliksik na ito malalaman, masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang hindi pa nalalaman ng karamihan. Dito malalaman ang mga mabuti at di mabuting epekto nito sa edukasyon sa ngayon at sa hinaharap. Nais ng mananaliksikna maisulat ang mga datos na kanilang nakalap sa pananaliksik na ito.



DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Competency
- ito ay pagkakaroon ng lakas ng loob para harapin ang pababago sa kanilang asignatura.

Complex
¬- ang grupo ng mga magkakaugnay na salita na tumutukoy tungkol sa K+12.

Istatistikal
- ito ay datos na kumukuha sa kabuuang dami ng tao o grupo ng mga tao na may kinalaman sa nasabing kurikulim.

Saklaw
- ito ay kinapapalooban lamang kung ano, saan, at sino ang sakop ng paksa.

PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
PANANAW NG MGA RESPONDENTE UKOL SA MAGIGING EPEKTIBO BA ANG K-12 SA MGA MAG-AARAL SA NGAYON AT SA SUSUNOD PANG HENERASYON
PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
REAKSYON NG MGA RESPONDENTE UKOL SA PAGDARAGDAG NG DALAWANG TAON SA PAG-AARAL
Full transcript