Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

No description
by

jaro edroline Nieves

on 11 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Bayograpikal
Kung may unang dapat na mabatid ang isang mambabasa ng panitikan, ito ay ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapa’y higit na mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan at personalidad nito. Napakahalaga ng pagbabahagi ng kamalayan ng mga manunulat sa mga mambabasa upang lalong matugunan ang maraming katanungan taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makakasagot. Ang sabi nga ni Ramos at Mendiola (1994):

Sa paggamit ng pantalambahay na kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensyang makatutulong sa sining ng manunulat – ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga aklat o mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.

Historikal
Saklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensya napapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal nakapaloob sa akda, ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang matuklasan sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat.

Sa teoryang historikal may malahagang papel na gingampanan ang institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng panitikang susulatin ng may-akda kung kaya’t ang pagsusuri ay nakatuon sa pwersa ng lakas sa paraan at istuktura ng institusyon.

Sa pagsusuri ng mga akdang “Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog” ni Julian Cruz Balmaceda at ang “ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog” ni Inigo Ed. Regalado ay maituturing na historikal ang teoryang pinagbatayan ng pagsusuri. Inilalahad dito ang isang panuntunan sa paggamit ng teoryag historikal, na ang akadang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral. Ang kasaysayan au bahagi ng isang sistema at ito’y mahalagang maging sangkap ng panitikan, gayundin ang lipunan. Dahil dito, hindi maiiwasang hindi magsanib ang teoryang historikal at sosyolohikal.

Klasismo
Naiiba, natatangi at may sariling pananaw sa daigdig at sa sining ang teoryang klasismo. Umusbong at lumaganap sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na nakilala ang teoryang ito dahil sa mga uri ng dulang itinatanghal sa panahong iyon: trahedya at komedya. Nagsimula ring sumigla ang kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika. Nang sumapit naman ang Gintong Panahon noong 80 B. C. ay nabigyan ng mataas na pagpapahalaga ang panulaan na kinabibilangan ng epiko, satiriko at mga tulang liriko at pastoral. Nang sumibol ang Panahon ng Pilak ay nagbagong hugis ang panitikan dahil umusbong ang hindi lamang ang prosa at bagong komedya kundi pati na ang talambuhay, liham, gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.
Humanismo
Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa pagkakasilang ng Renancimiento (Renaisance) o Muling pagsilang sa Italya dahil wala naman daw malaking pagbabagong naganap kung ang pag-uusapan ay ang kabihasnan. Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng burgeois ang panggitnang uri ng sining. Ipinalalagay ng mga nakararami na ang dapat itawag sa panahong ito ay transisyon sa pag-sulong daigdig tungo sa makabagong panahon.

Ang humanismo ay sumibol sa oanahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus ng teoryang ito, at ang taong nakatuntong sa pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag namang humanismo.

Romantisismo
Natuklasang ang romantisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon, na ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng klasismo. Ito’y itinuturing na kilusang sumabay sa paglaganap ng agham at pilosopiya.
Realismo
Ika-19 na siglo nang lumaganap ang rebolusyong industriyal. Kasabay nito’y lumaganap din ang mga bagong kaalamang pang-agham at panteknolohiya, gayundin ang estetika’t pilosopiya. Samantala noong ika-20 siglo ay sumilang ang realismong sosyalismo. Sa panahong ito nakilala ang lumaganap na kaisipan nina Karl Marx at Federick Engels.

Katotohanan kaysa kangandahan. Ito ang ipinaglalaban ng realismo. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan ng paglalahad nito. Dahil dito, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga akdang makatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at katarungan para sa mga naaapi. Hindi rin katakatakan kung ang paksang malaganap sa mga akdang nagpapakita ng realismo ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.

Pormalistiko
Kung paanong naging tanyag sa panunuring pampanitikan ang teoryang pormalistiko ay dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginagamitan ng ganitong teorya.

Maraming mananaliksik at kritiko ang nakatuklas sa pinag-ugatan ng teoryang ito, kabilang ang mga sinulat ni Coleridge na itinuturing niyang “buhay” dahil sa kaisahang nakapaloob dito.

Ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo na akda ang tanging layunin ng pagsusuring pormalistiko. Hindi binibigyang diin ng teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag na implikasyon ng sosyolohikal, politikal, sikolohikal atekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.

Ang tanguhin ng teoryang ito ay matukoy ang (1) nilalaman, (2) Kaanyuan o kayarian at (3) paraan ng pagkaksulat ng akda.

Kaugnay nito, napakahalaga ng teksto sa paggamit ng teoryang pormalistiko. Katunayan, kailangang masuri ng akda ang mga tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

Sa teoryang ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na rin na ginamit bilang “proto-structure.”

Siko-Analitiko
Bagamat ipinalalagay na maraming teorista na nagsimula ang teoryang siko-analitika bago pa man ipanganak si Kristo, sumigla ang teoryang ito sa pagsisikap ni Sigmund Freud na kilalanin ang kanyang mga artikulo ukol sa “Tha Interpretation of Dreams”,”Introductory Lecture in Psychoanalysis,” “On Sexuality”,”Case Histories”, atb.

Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang sa lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.

Dalawang takot ang nadarama ng isang batang lalaki habang siya’y lumalaki: (1) pagpapatuli at (2) pag-agaw ng ama sa atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang ina. Sa sitwasyong ito, malinaw na mababakas ang “oedipus complex” o pakikipag-agawan ng bata sa kayang ama sa atensyon, pagmamahal at pangangalaga sa kanyang ina.

Sekswalidad ang pinkabuod ng “oedipus complex”. Dahil dito, ipinangangalandakan sa teorya ni Freud ang panitikan bilang kabiguan ang kamalayan at di-kalamalayan.

Salamat!
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
Sa “Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat”, sanaysay ni Dr. Luis Gatmaitan na nagwagi ng unang gantimpala sa Pagsulat ng Sanaysay sa Gawad Palanca noong 1997 ay ganito ang pagkakalarawan ng may-akda sa kanyang sarili bilang doktor-manunulat.
Naninibago ako kapag nakarinig tayo ng doktor na mahilig magsulat. Ano’ng ang ginagawa ng isang manggagamot sa daigdig ng panitikan? Ganyan ang kaso ko. Kapag pinakilala ako bilang “doktor na naligaw sa daigdig ng pagsusulat,” ang unang itinatanong sa akin ay ito: “Doc, do you write legibly?” lagi ito ang kabuntot na malakas na tawanan. Na akala’y nagbibiro lang ako. Sabi nila, hindi para sa doktor ang pagsusulat. Ito raw ay pag-aari ng mga iskolar, mananaliksik, awtor, iskripwrayter at mga guro na sumusulat ng teksbuk, tisis at disertasyon.
Kung paano naranasan ni Francisco Balagtas ang kalupitan ng mga Kastila ay dahilan marahil kung bakit niya nasulat ang “Florante at Laura”. Kung paano nilantad ni Edgardo Reyes sa “Mga Kuko ng Liwanag” ang buhay ng mga manggagawa sa konstruksyon ay bunga marahil ng naging karanasan niya noong siya’y minsang magtrabaho rito. Taga-Muntinlupa City si Wilfredo Virtucio at ang kinalakhan niyang paligid ay ang labas ng Bilibid Prison. Kailangan pa bang sagutin ang tanong na “Bakit karamihan sa mga tauhan sa kwento ni Wilfredo Virtucio ay mga bilanggo?” At dapat bang pagtakhan kung bakit karamihan sa mga tula at nobela ni Amado V. Hernandez ay patungkol sa mga kasawian, kaapihan at kawalang-katarungan ng mga manggagawa? Hahanapan pa ba ng tiyak na sagot si Genoveva Edroza Matute kung bakit karamihan sa pangunahing tauhan ng kanyang mga kwento ay batang nag-aaral sa elementarya? Basahin na lamang ang isang bahagi ng kanyang sanaysay na “Animnapu’t Anim na Taon ng Pagtuturo” na ika-15 kabanata sa aklat niyang Mga Gunita (1994):
Ang bata sa maikling kwento naming “Paglalayag... sa Puso ng Isang Bata” ay tunay na bata na tinuruan namin sa unang baitang. Si E.M. na buhay na buhay pa sa aming alaala. Minahal niyan ako ng gayon na lamang noon-kung paanong minahal ko rin siya. Nalipat akong magturo sa intermedya at muli kaming nagtagpo ni E.M. sa Ikapitong Baitang (bago magdigmaan ay may pitong baitang ang elementarya). Naging karaniwan na lamang ang pagtitinginan namin.
Sa paggamit ng teoryang ito ay huwag lamang kalimutan ng mag-aaral o mananaliksik ang ilang kondisyong kaagapay ng teoryang bayograpikal:

Una, ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat. Ngunit ano ang tungkulin ng isang manunulat? Ganito ang ipinahayag ni Pedro L. Ricarte (1998) tungkol kay Edgardo Reyes nang sulatin ng huli ang “Sa mga Kuko ng Liwanag”

At ang manunulat ay hindi maaaring manatiling tahimik, hindi maaaring di magbigay-tugon sa harap ng malagim na katotohanan. Ngunit tulad ng iba para sa kanyang mga kapanahon, si Reyes ay biktima rin, sa isang paraan, ng mga pwersang nakapangyayari sa sarili namang pagkatao, pamumuhay at sining ng manunulat. Kailangan ng manunulat mapanatili ang integridad ng kanyang sining, ngunit kailangan din niyang kumita ng ikabubuhay. Ang karaniwang natatagpuan ng isang manunulat na mahirap maglingkod sabay sa dalawang panginoon.

Ganito naman ang ipinahayag ni Joy Barrios (1988) ukol sa sukatan ng pagiging mahusay na manunulat:

Ang husay ng sinumang manunulat ay nasusukat sa pamamagitan ng kanyang kakanyahang umangkop sa pangangailangan ng kayang lipunan at umigpaw sa mga limitasyon ng kanyang panahon. Kung sa tuwina’y aalalahanin ng mga kontemporaryong manunulat ito, para na rin silang nagbibigay-puri sa kauna-unahang makabayang mandudula sa piling bayan.

Ikalawa, sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda. Kung naging mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng kanyang buhay, isipin na lamang na ang mga ito’y nakaragdag sa ikagaganda ng akda. Ang sabi nga ni Genoveva Edroza Matute sa Paunang Salita ng kanyang Mga Gunita (1994):

Ang MGA GUNITA ay sumasakop sa mga mahahalagang pangyayaring nakintal sa aming alaala, mula sa dekada 20 sa unang pagkakamulat ng kaisipan hanggang sa simula ng dekada 90, sa aming pagtatakipsilim. Sa mga pangyayaring ito, at sa pamamagitan ng mga karanasan at pagmamasid ay masisinag ang mumunting kisap at kislap sa pagkakalinang na panlipunan, panrelihyon, pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pampanitikan at pampolitika sa ating paligid.

Kaugnay ng wika, sinisiyasat ng teoryang historikal ang pagbabagong nagaganap sa wika at ang pag-unlad na nagaganap dito nang pana-panahon, katulad ng wikang ginamit at patuloy na ginagamit ng mga manunulat sa bawat panahon. Narito ang ilang piling maiikling kwentong naisulat sa anim na magkakaibang dekada (40, 50, 60, 70, 80, at 90).

May mga kadahilanang nagbunsod sa akin upang bigyan ng wakas ang mga pakikipagtunggaling umalipin sa aking katauhan, damdamin at pag-iisip nitong mg huling araw na nakaraan - pakikipagtunggali na kailangan ay hindi ko maihahanap ng lunas at katiwasayan kung ako ay mananatiling buhay; magiging mahirap para sa akin, sapagkat kung magkabilang panig ng dalawang tauhan ang mananatiling sanhi ng mapait na pagtutunggalian iyan, at ang aking pagmamahal. Ngayon, sa kamatayan ay natagpuan niya ang hanap na kapayapaan. “- Mula sa “Bahay sa Dilim” ni Alfredo s. Enriquez (1943).

“Iyon lamang nakaranas ng lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan”- Mula sa “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Matute (1955).

“Ang minsang kabiguan na nahirati sa tagumpay ay magpapaukol dito.” –Mula sa “Parusa” ni Genoveva Edroza Matute (1961).

“Mula sa ganggahahay na batong buhay, dumadaloy ang munti’t pagkiwal-kiwal na agos ng bukal patungo, pabulusok, sa isang sapang malagasgas – isang sapang nagmumula sa dako pa roon ng isang malawak na kapatagang lunting-lunti sa nakakunot na waring damuhan, isang sapang umaawit wari sa pagsalpok sa batuhan, na namumuti-muti sa mga bula, pagkuwa’y rumaragasa sa paglapit sa isang muting talon: bumabagsak ang tubig ng talon sa isang ilug-ilugang nililok wari ng kalikasan sa bahaging yaon ng basal na lupain. – Mula sa “Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak” ni Dominador B. Mirasol (1970).
“Dugo ang nakita niyang lumatag sa langit at lupa. Sa munti’t parihabang bintanang salamin, ganap na nilagom ng isa niyang paningin ang nakahalandusay na anino ng apat na katawang halos nilamon na ng dilim.” ¬– Mula sa “Sa Kadawagan ng Pilikmata” ni Fidel Rillo, Jr. (1984).
“ Ang init ng dugo, ang alingasaw, ang sagitsit ng dugo ni John Shaw ang pumukaw kay Nano. Umatras siya, binitawana ng kutsilyo... saka tumakbo! Wala na ang poot, wala na ang silakbo, may aliwalas na sa kanyang kumukulong budhi, may ngiti na sa kanyang mga labi. – Mula sa “ Ang Pinagdaanang Buhay ni Nano, ni Pong, ni Nanay Belen, ni Tatay Merto, ni Rica at ni Sergeant John Shaw ng Olongapo” ni Lav Indico Diaz (1991).
Pinaniniwalaan ng teoryang klasismo na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi siya mahihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong nagaganap sa kanyang kalikasan. Pinaniniwalaan ng klasismo na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. Dahil kinikilala ng mga klasista ang daigdig ng espiritu, mahalaga para sa kanila na magbigay ng bagong hugis ng espiritu. Mahalga ring maisabuhay ang isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan.
Simula pa lamang ng pag-aaral ng mga akda, kapansin-pansing ang pananaw ng klasismo ay nagsisimula sa pinakamataas patungo sa pinakamababang uri; na ang ibig sabihin ay sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lunduyan ng katotohanan, kabutihan at kagandahan. Sa madaling salita, aristokratiko ang pananaw ng klasismo. Dahil dito, natural lamang na nahirati sa iba’t ibang uri ang lahat ng bagay gaya ng matalinong tao at taong hangal, makapangyarihang tao at taong sunud-sunuran, pinakamayamang tao at pulubi; gayundin sa uri ng metal: mamahaling bato at walang halagang tingga, atb.
Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo. Bukod sa maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin, hindi angkop sa mga klasista ang paggamit ng mga salitang balbal at labis na emosyon.

Ang ilan sa mga katangian ng mga akdang klasisko ay ang sumusunod: (1) pagkamalinaw, (2) pagkamarangal, (3) pagkapayak, (4) pagkamatimpi, (5) pagkaobhetibo, (6) pagkakasunud-sunod, at (7) pagkakaroon ng hangganan.

Maihahanay sa akdang klasiko ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagatas dahil sa mga katangiang taglay nito. Bukod sa paksa, nilalaman at paraan ng pakakasulat na nilahad dito, and awit ay naglalaman din ng magagandang kaisipan, kabilang ang limang uri ng pag-ibig ng makata:
Pag-ibig sa Diyos: Datapwat sino ang tatarok kaya
sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupa
di may kagalingang iyong ninanasa

Pag-ibig sa Bayan: Pagkabat ko ba’y walang ibadhika
kundi paglilingkod sa iyo’y pagkalinga,
di makailan kong babal’ing masira
ang mga nasa ko’y siyang tumimawa

Pag-ibig sa Magulang: A! Amang ama ko’ Kung magunamgunam
madla mong pag-irog at pagpapalahaw
ipinapalaso ng kapighatian
luha naring puso sa mata’y nunukal

Pag-ibig sa Anak: Pag-ibig anika’y aking nakilala
di dapat palakhin ang bata sa saya
at sa katuwaa’y kapag namihasa
kung lumaki’y walang hihintaying ginhawa

Pag-ibig sa kapwa: Moro ako’y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng langit
dito sa puso ko’y kusang natititik
natural na laing sa iba'y mahapis.


Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni Protagoras (Villafuerte, 1988):

Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran.

Sa paglalarawang ito ni Protagoras, maipalalagay na ang pangunahing manipestasyon ng tao ay ang pagkakahulma ng kanyang kabuuan upang malaya siyang makapag-isip, makapagpahayag at makakilos. Bilang panginoon ng kanyang kapalaran, maipalagay ring maiiwasan ng tao na siya’y mawalay sa panahon kahit isang saglit. Pilit niyang hinahawan ang madawag na landas na kanyang dinaraanan upang marating ang daigdig na nais niyang malakbay at dito humahanap ng sariling kapalaran. Ibig niyang makiraan sa daigdig nang may bakas na maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng bahagi sa isang di-maikukubling kasaysayan o kundi hindi ma’y sa isang nakabukas na dahon ng panitikan.

Ang panitikan ng humanista ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin. Ito’y nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.
Dalawa ang uri ng romantisismo:
romantisismong tradisyunal
at
romantisismong rebolusyon.
Ang una’y di dumarakila sa halgang pantao samantala ang huli’y lumulutang ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
Romantiko ang itinatawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kwento na naisulat nang panahong iyon ay may pagka-romantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga romantiko sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.
Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantiko para mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan ang kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imainasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda.
Itinuturing na bago at radikal ang romantisismo dahil pinagagalaw nito ang diwa at isip ng tao upang makalikha ng sining at panitikan.

Inspirasyon. Imahinasyon at paglikha. Kapangyarihang rebolusyonaryo. Makapangyarihang damdamin. Kalikasang personal. Kahalagahang kumbensyunal. Katotohanan, kabutihan at kagandahan. Ang mga ito ang nakakapit sa romantisismo.

Litaw na litaw ang pagka-romantiko ni Jose Corazon de Jesus sa kanyang tulang “Pagibig,” Narito ang isang saknong.
Ang pag-ibig.isipin mo, pag naiisip, nasa-puso!
pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’t naglalaho,
layuan mo at kaylungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Si Teodoro Gener ay isang romantiko noong kanyang panahon kayat di-mapag-aalinlanganang himig-romantiko ang kanyang tulang “Pag-ibig”. Narito ang isang saknong mula sa tulang nabanggit:
Umiibig ako’t sumisintang tunay,
di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman...
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
na di nagtitikim ng kaligayahan.


At sino ang makalilimot kay Ildefonso Santos nang sulatin niya ang tulang “Sa Tabi ng Dagat”? Narito ang unang saknong ng tulang nabanggit:


Marahang-marahang
manaog ka, Irog at kata’y lalakad
maglulunoy katang
mayapang-payapa sa tahi ng dagat,
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!

At si Ruben Vega? Ganito ang kanyang istilo sa pagpapalutang ng romantisismo sa kanyang tula. Basahin ang saknong na ito mula sa kanyang tulang “Sa Krus na Daan”:
Oh! Aking lumipas
Na sa alaala’y ayaw na maglaho –
O labing may sutla,
At lambot ng dibdib sa tapat ng puso!
Natatandaan kong
Ako’y paruparong laging dumarapo
Sa pamumulaklak
Ng dilag ng ating mabangong pagsuyo!
Ay, tanging kahapon
Na nagtampong aliw sa luhang tumutulo,
Oh! Tinik sa dibdib,
Habang nililimot lalong tumitimo!

Ang “Hiwaga” ni Cirio H. Panginiban ay nagpapahiwatig ng pagka-romantiko ng makata:
Ang tuwang sa dibdib dinurog ng hirap
Sugat na sa puso’y nagnaknak na sugat;
Ngiti na sa labi’y nalaing na rosas
Kumislap sa matang bubog na nabasag.


Walang hangganang ang pagbabago. Katotohanan nag una’t huling hantungan ninuman. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan. Pagtala ng iba’t ibang mukha ang buhay. Ito ang nais ipahatid sa tao ng mga realista.

Mga nobelang “Noli Me Tangere” at El Filibusterismo” ni Jose Rizal, “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos, “Satanas sa Lupa”ni Celso Al. Carunungan at “Laro sa Baga” ni Edgardo Reyes; Mga dulang “Ito Pala ang Inyo” ni frederico Sebastian, “May Isang Sundalo” at “Nana” ni Rene Villanueva; Maiikling Kwento sa aklat na Mga Agos sa Disyerto. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga akdang nagpagising sa ating kamalayan upang masaksihan at madama ang tunay na katotohanang matapang na inilalantad ng ating panitikan.

Siko-Analitiko
Bagamat ipinalalagay na maraming teorista na nagsimula ang teoryang siko-analitika bago pa man ipanganak si Kristo, sumigla ang teoryang ito sa pagsisikap ni Sigmund Freud na kilalanin ang kanyang mga artikulo ukol sa “Tha Interpretation of Dreams”,”Introductory Lecture in Psychoanalysis,” “On Sexuality”,”Case Histories”, atb.

Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang sa lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.

Dalawang takot ang nadarama ng isang batang lalaki habang siya’y lumalaki: (1) pagpapatuli at (2) pag-agaw ng ama sa atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang ina. Sa sitwasyong ito, malinaw na mababakas ang “oedipus complex” o pakikipag-agawan ng bata sa kayang ama sa atensyon, pagmamahal at pangangalaga sa kanyang ina.

Sekswalidad ang pinkabuod ng “oedipus complex”. Dahil dito, ipinangangalandakan sa teorya ni Freud ang panitikan bilang kabiguan ang kamalayan at di-kalamalayan.

Eksistensyalismo
Sa huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon sumilang ang teoryang eksistensyalismo. Ang ilang kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwala ang teoryang ito.

Kalayaan at awtentiko. Ang mga ito ang tanging nais kilalanin ng eksistensyalismo. Sa pananaw na ito kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang sistema na paniniwala ang pinahahalagahan ng tao upang mabuhay. Sa buhay ng makata at manunulat nakatuon ang teoryang ito.

Walang tiyak na sun=mulain ang eksistensyalismo. Maihahambing ang teoryang ito sa romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon. Maihahambing din ito sa modernismo dahil nagpipilt itong magwasak ng kasaysayan.

Kitang-kita sa tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla ang pagiging eksistensyalista ng may-akda gaya ng mababasa ilang bahagi ng tula:
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula
ang tula
ang
daigdig

Nonnatus F. Nieves
Full transcript