Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA HANGING MONSON

No description
by

Karla Louisse Barnachea

on 20 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA HANGING MONSON

MGA HANGING MONSON
Hanging Habagat
Sa mga buwan naman ng Mayo hanggang Setyembre, tag-init sa mga bansang nasa hilaga ng Pilipinas. Higit na malamig sa gawing timog nito. Ang mainit na hanging may mababang presyon sa hilaga ay tumataas. Napapalitan ito ng malamig na hanging may mataas na presyon mula sa timog. Ito ang uri nhanging umiihip sa buong Asya sa mga panahong ito. Nagmumula ito sa timog-kanluran at tinatawag na hanging habagat.

Sa mga buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre at Marso hanggang Mayo, mula sa iba-ibang direksyon ang hangin sa Pilipinas.
Kapag ang hanging mainit na may mababang presyon ay tumaas, agad iihip ang hanging malamig mula sa lugar na may mataas na presyon. Ang hanging ito ay tinatawag na
hanging monson.


May dalawang uri ng hanging monson: ang hanging habagat at ang hanging amihan.
Higit na mabagal uminit ang tubig kaysa lupa.Ngunit mabilis din naman itong lumamig. Ito'y dahil sa ibabaw pa lamang nito ay marami nang nakasisingaw na init. Ang ibang init naman ay tuluy-tuloy sa kailaliman at humahalo sa lamig dito

Samantala, madaling matanggap ng lupa ang malaking bahagi ng init mula sa araw. Ang init na ito ay hindi gaanong tumatagos sa kailaliman. Nasa ibabaw lamang ito at kaagad nitong nababalot ang kapaligiran. Gayunman, madaling mawala ang init na ito, kaya pagdating ng gabi at higit nang malamig kaysa araw.
Hanging Amihan
Sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Marso, malamig na hangin an nakararating sa Pilipinas at sa mga karatig-bansa nito. Ito ang
hanging amihan
. Galing ito sa Siberia at Tsina kung saan matindi ang taglamig dahil sa kapal ng yelo Mataas ang presyon ng hangin dito kaya ay umiihip papasok sa mga maiinit na lugar, tulad ng mga kalapit na bansa ng Tsina at Siberia. Pakanan ang ihip ang hanging ito at nakararating sa Pilipinas mula hilagang-silangang. Kung minsan, ang malamig na hanging ito ay may dalang ulan.
Natutuhan
Kapag uminit sa isang lugar, ang hangin dito ay gumagaan at tumataas. Mababa ang presyon ng hangin sa lugar na ito. Ito ang tinatawag na
low pressure area
. Kapag naman malamig sa isang lugar, hangin dito ay mabigat. Ang presyon ng hangin sa lugar na ito ay mataas. Ito naman ang tinatawag na
high pressure area
.
Ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan na nasa pagitan ng ekwador at tropiko ng Kanser. Bahagi ito ng Timog-silangang Asya. May dalawang pangkalahatang klima sa Pilipinas: tag-ulan at tag-init. May dalawang uri ng hanging monson: hanging amihan at hanging habagat. Nagmumula ang hanging amihan sa hilagang-silangan. Galing naman ang hanging habagat sa timog kanluran.
Full transcript