Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Untitled Prezi

No description
by

john argiel victor

on 23 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Untitled Prezi

ni Rogelio Sikat
TATA SELO
Panimulang Salita
Naranasan mo na bang maagawan ng isang bagay na napakahalaga sa iyo? Hindi ba’t gusto mo itong bawiin dahil kailangan mo ito? Pero paano kung sadyang ipinagkait ito sa iyo? Anong gagawin mo kung lahat na ng paraan ay ginawa mo na pero wala pa ring nangyari? Ipaglalaban mo pa ba ang dapat ay nasa sa iyo o susuko na lamang dahil alam mo nang wala kang magagawa?
Lahat ng mga tanong na ito ay may kinalaman sa ating maikling kwentong isinulat ni Rogelio Sikat na may pamagat na “Tata Selo”. Ito ay isang kwento na tumatalakay sa isang magsasaka nagngangalang Tata Selo, na pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi niyang pag-aari niya noon. Nagpaliwang siya sa Kabesang Tano para hindi siya paalisin sa sakahang iyon ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi na nakuha ng magsasaka ang lupang ito kaya ginusto na lamang niya itong siya ang magsaka nito kahit na hindi niya ito pag-aari ngunit wala pa ring nangyari sa pakiusap niya kay Kabesang Tano kaya tinaga niya ang Kabesa.
Matutukoy sa kwentong ito ang higit pang karimarimarim na katotohanan sa buhay; walang hustisya sa mga anak-pawis, malalakas ang may kapangyarihan, at ang mga hikahos ay babawian hanggang sa maging “walang-wala”.


Paghahandog at Pagkilala
Gusto naming magpasalamat unang una sa Panginoon na laging nakagabay sa amin kahit saan man kami. Thank You Lord! :D
Utang ko kay Rogelio Sikat ang may-akda sapagkat dahil sa kanyang akda ay may thesis kami.
Ang dahilan kung bakit meron kaming pagkakataon na mapalawak pa ang aming kaalaman at malaman ang mga pangyayari sa ating panahon ngayon at inspirasyon namin sa paggawa ng thesis si Gng. Gresila BorresAlburo. Salamat Ma’am! Kung hindi dahil sa inyo, hindi sana namin mararanasan ang ganitong kasayang gawain.


Introduksyon
Ano nga ba ang umuudyok sa isang tao upang makagawa ng kasamaan? Bakit niya nagawa iyon?Anong motibo niya upang gawin iyon? Mga halimbawa lamang ito ng mga katanungan na ating naiisip tuwing tayo ay may naririnig na balita tungkol sa mga krimeng nagaganap sa ating kasalukuyang panahon.
Sa Pilipinas, hindi natin maikakaila na tumataas ang bilang ng mga taong nakukulong dahil sa paggawa ng krimen, kabilang na dito ay ang pagpatay. Hindi rin lingid sa ating kaalaman na malaking porsyento na iyon ay binubuo ng mga taong mahihirap na nagpapatunay lamang na nakakalamang talaga ang may kapangyarihan o mga mayayaman.

Sa kwentong “Tata Selo”, maihahambing natin ang ating sitwasyon at pangyayari sa ating buhay sa pangunahing tauhan. Mga pangyayaring hindi natin maikakailang nangyayari talaga sa totoong buhay.
Nakapokus ang pag-aral na ito sa napapanahong isyu ng ating bansa na sumasalamin sa totoong pangyayari sa buhay. Sa pagtatalakay sa kwentong “Tata Selo”, maipapakita nito ang pamamaran ng paglathala at kung gaano ka epektibo ang may-akda sa paggawa ng maikling kwento na ito. Sa pagpapatuloy ng kwento, may marami tayong kapupulutang aral na tiyak ay magagamit natin sa panahong tayo naman ang malagay sa kinauupuan ng pangunahing karakter na si “Tata Selo”.

KABANATA 1
Pagpapakilala ng May-akda at ng Katha

TALAMBUHAY NI ROGELIO SIKAT
Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, NuevaEcija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkataposmaging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niyahanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sapamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, atsa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga"Western writers".

Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin atnagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin naLiwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mgamagagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya saliterary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean saUniversity of the Philippines Diliman.


"Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isangpelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay:Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at angdula "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997, pero pinarangalan sa hulingpagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taonpara sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang:"Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas”.

Buod
Nagsimula ang kwento sa istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ito ay sa kadahilanang napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan niya. Madaming tao ang halos nagsisiksikan, nagtutulukan at naggigitgitan para lamang makita si Tata Selo ngunit hindi sila pinapapasok ng mga pulis sa tanggapan. Halos lahat ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata Selo kay Kabesang Tano.


Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi ito. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsak, subalit tinungkod ito tinungkod ng Kabesa, paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na pawing mga kakilala ng Kabesa. Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa paliwanag ni Tata Selo. Hindi daw sapat na dahilan iyon para tagain ni Tata Selo ang Kabesa pero patuloy pa rin ang matanda sa pagpapaliwanag na kanila ang lupang iyon at sinasabi pa niya na malakas pa siya kaya hindi siya dapat paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan siya ng hepe ng pulis. Sinapok at sinikmuraan niya ang kaawa-awang matanda.Sa pagkakasuntok ng hepe sa sikmura nito ay kitang-kita na ang nakakaawang kalagayan nito.

Kinabukasan, sinabi ng alkalde kay Tata Selo na siya ay dadalhin sa kabisera at doon siya ikukulong. Dagdag pa nito ay habambuhay na pagkakulong ang ibibigay na parusa sa kanya. Ngunit sagot ni Tata Selo ay patayin na lamang daw agad siya. Sa araw ding yun ay dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling dahil sa kadahilanang wala na silang magagawa. Ngunit pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito. Dumating din noong araw na iyon ang bata, ang anak ng magsasaka na dumalaw sa kanya kahapon at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain umuwi si Saling. Subalit hindi ito pinapasok, pahayag ng bata. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.
KABANATA 2
Pagsusuri sa Nilalaman ng Akda


Tema
Ang kwentong Tata Selo ay may iba’t- ibang temang nakapaloob. Isa na rito ay ang pagiging tapat. Sa kwento, mapapansin natin ang pagiging tapat na tao ni Tata Selo. Sa kabila ng pagkasira ng kanyang reputasyon at pangalan, sa pagkataga niya kay Kabesa, ay hindi pa rin niya itinanggi ang krimeng nagawa. Sa halip na gumawa ng mga alibis upang hindi siya makulong, ay maayos na ipinagtanggol ni Tata Selo ang sarili gamit ang kung ano talaga ang nangyari. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit niya nagawa ang krimen. Ganunpaman, hindi pa rin natin maalis ang katotohanan na mabuti man o masama ang motibo ni Tata Selo, ay isa pa rin yung maituturing na immoral na gawain.
Isa rin sa maituturing na tema sa maikling kwento na ito ay ang pagiging makapamilya. Isang halimbawa si Tata Selo ng isang dakilang ama na handang gawin ang lahat upang maipagtanggol ang karapatan niya bilang tao. Isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kinabukasan ng kanyang anak. Handang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para matustusan ang pang araw-araw na gastusin lalo na sa kanyang anak na may sakit. Kahit matanda na, ay nagtitiyaga at nagsisikap pa rin si Tata Selo na magsaka. Mga katangian ito na handang gawin at isakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Tunay nga na walang makakapantay sa pagmamahal na ipinidarama ng ating magulang sa anak, pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.c
Ang kwentong ito ay nagpapakita ng isang di kaaya-ayang pangyayari sa totoong buhay. Hindi natin maitatanggi na mas nakakalamang talaga ang mga taong makapangyarihan kaysa sa mga taong mahihirap. Kagaya ni Kabesang Tano, kaya niyang paikutin sa kanyang kamay si Tata Selo. Nakasalalay sa kanya ang desisyon kung ano ang magiging kinabukasan ng mag-ama sapagkat sa kanya ang lupang sinasaka ni Tata Selo at kaya niyang paalisin ito kahit kalian niya gusto. Kagaya ng kasalukuyan nating panahon, palaging may “say” ang mga mayayaman habang ang mga taong mahihirap ay laging nasa isang sulok lamang. Laging sila lamang ang pinapaboran sa kadahilanang sila ay may pera o may kapangyarihan. Tama man sila o mali kaya nilang baliktarin ang pangyayari dahil sila lamang ang laging pinapanigan. Dahil dito, may mga bagay tayong nagagawa na labag sa ating kalooban dahil na rin sa mga pangyayaring hindi natin matanggap o makontrol. Kagaya ng pagbawal ni Kabesang Tano kay Tata Selo na magsaka sa kanyang lupain. Sa sobrang galit ni Tata Selo ay nagdilim ang kanyang paningin at nagawa ang krimen. Darating talaga sa punto ng ating buhay na kung saan susubukin ang ating katatagan bilang isang tao.
Tauhan
Istilo ng Paglalahad
Ang uri ng paglalahad na ginamit ng may-akda sa maikling kwento na ito ay Circular. Ibig sabihin ang pagkakasunod sa mga pangyayari ay gitna, simula at wakas.
Ang pagkakalahad ng kwento ay nakaayos sa paraang madaling nauunawaan ngmambabasa. Mabisa ring nailarawan ng awtor ang mga kaganapan sa kwento, maging ang mgatauhan kaya’t nagkakaroon ng larawan sa isipan ang mga mambabasa.

Maganda rin angpagkakalahad ng salitaan ng mga tauhan na lalong nagpaliwanag sa kwento. Sa wakas namannito, may naiwang tanong o isipin ang awtor. Sinabi ni Tata Selona lahat ay kinuha sa kanila,matapos malamang naiwan si Saling sa tanggapan ng alkalde. Magmula rito ay maiisip ngmambabasa kung bakit iyon sinabi ng matanda. Ano ba ang nangyari kay Saling? Marahil aypinagsamantalahan ng alkalde ang dalaga o hindi kaya’y binugbog.

Dito sa kwentong ito, ipinakita na pagdating sa hustisya, walang boses ang mgamahihirap laban sa mga mayayaman. Tama man o mali ang ginagawa ng mga ito, tumutol manang mahihirap ay sila pa rin ang talo, sapagkat lahat sila’y lagi lamang nasa ilalim ng mga ito.


Tagpuan
Banghay
KABANATA 3
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Konklusyon
Sa kwentong ito, nakikipagtunggali ang pangunahing tauhan na si Tata Selo sa ibang taong nakapaligid sa kanya upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa kasong kanyang kinakaharap ukol sa pagtaga at hindi sinasadyang pagkamatay ni Kabesang Tano. Nais ibahagi ng awtor na ang masamang ginawa sayo ng isang tao ay hindi mo kailangan suklian ng isang kasamaan bagkus, gawan mo sila ng mabuti. Wag tayong magpapabulag sa ating nararamdaman dahil baka pagsisihan natin iyan sa huli. Kung galit tayo sa tao dahil masama siya, wag natin siyang gayahin sa paggawa ng masama dahil nagiging siya na rin tayo.


ng istilo ng paglalahad na ginamit ng awtor sa kanyang katha ay epiktibo sapagkat nakukuha niya ang atensyon ng mangbabasa dahil gusto nilang malaman kung bakit nagawa ni Tata Selo iyon at kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang gawin iyon.

Rekomendasyon
Paano ba maiiwasan ang magkasakitan? Paano ba maiiwasan ang isang bagay na alam nating pagsisisihan natin sa bandang huli? Isa lang naman ang sagot sa mga tanong na yan, ang wagmagpadalus-dalos. Sabi nga nila "Don't make a permanent decision for your temporary emotion."
Nakakagawa lang tayo ng mga bagay na hindi naman natin gusto dahil sa mga emosyon na nakokontrola sa atin. Bakit hindi nalang natin sabihin sa ating sarili na “Kalma lang, baka pagsisihan ko ito sa bandang huli.”

Nagpadala man sa bugkos ng damdamin niya sa Tata Selo, hindi man siya mabibigyan ng pagkakataon upang magbago, mensahe ito para sa atin na ang nangyari kay Tata Selo ay isang bagay na hindi natin dapat gawin dahil kamatayan ang magiging kapalit, kahit pinagsisisihan man natin ang ating nagawa, hindi na ito mababalik.
Isiping mabuti ang mga hakbang na ating gagawin para sa bandang huli wala tayong pagsisisihan sa mga ginawa natin.
Full transcript