Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino:

No description
by

on 3 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino:

1976
Makalipas ang humigit-kumulang na limang taong pag-aaral at pagsangguni sa iba't-ibang sektor sa larangan ng wika, nirebisa ng Surian ang "Abakadang Tagalog" ni Lope K. Santos.
1521
Sa pagdating ng mga Kastila, ang Alibata na kauna-unahang Abakadang Filipino ay nahalinhan ng Alpabetong Romano na siya namang pinagbatayan ng Abakadang Tagalog.
1940
Sa taong ito isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa at binuo ang Abakadang Tagalog.
1971
Sa taong ito masusing pinag-ukulan ng pansin ng noo'y Surian ng Wikang Pambansa (SWP), na ngayon ay Komisyon sa Wikang Pilipino (Filipino) ang Abakadang Tagalog.
1987
Sa taong ito, muling nireporma ang Alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa Ortograpiyang Filipino.
Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino:
Pahapyaw at Kasaysayan

Mayroon nang ginagamit na alpabeto ang ating mga ninuno. Tinatawag nila itong
baybayin
o
Alibata
.
Bago dumating ang Kastila
Ang direksyon ng pagsusulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng katibayan hinggil dito.
Teorya ni Padre Pedro Chirino:
Ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula itaas paibaba at pahorisontal mula kaliwa hanggang pakanan.
Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.
ABAKADANG TAGALOG
Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng dalawampung letra:
Lima ang patinig : A, E, I, O, U
Labinlima ang katinig : B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y
Hindi isinama sa dalawampung letra ang labing-isang banyagang letra na kinabibilangan ng C, CH, F, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga pangngalang panangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ng Abakada:
Komisyon sa Wikang Filipino
-itinatag noong Nobyembre 13, 1936 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No 184 bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
Paano?
Sa bisa ng Memorandum pangkagawaran Blg. 194, 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong ang bagong alpabetong Pilipino.
Bagong Alpabetong Pilipino
Ang dalawampung letra ay dinagdagan ng labing-isang letra kaya't naging tatlumpu't isa. Kabilang sa idinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, ñ, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit.
Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) ng mga letra.
Sino-sino ang nagreporma?
Ang pagreporma ay isinagawa ng noo'y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) (dating SWP na naging KWF) sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika.
Paano?
Nagsagawa ng simposyum ang Linangan. Ang una ay idinaos sa Asian Institute of Tourism. Ang pangalawa ay sa National Teacher's Collage. Bumuo rin ng mga Lupon ang Linangan upang magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa balak na rebisyon sa iba't-ibang aspekto o lawak ng bubuuing bagon ortograpiya.
Ang Kinalabasan ng Simposyum
Napagkaisahan sa nabanggit na simposyum na ang Alpabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng dalawampu't walong letra. Ang bagong dagdag na letra ay : C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
1999 - 2001
1999
Sa taong ito sinimulan ang pagbuo ng 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino. Sa ikaapat na pagkakataon, muling nirebisa ng KWF ang Alpabetong Filipino pati na ang mga tuntunin sa pagbaybay nito.
Agosto 19, 1987
Pormal na inilunsad ang "1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino". Ang paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na idinaos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Sanhi ng Pagrebisa
- Di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987
- Mahigpit at di-makatotohanang mga tuntunin sa ispeling ng walong dagdag na letra
- Nalimitahan ang gamit sa mga hiram na salita
-Kakulangan ng mga tuntunin sa paggamit ng mga karaniwang salita
2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino
Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag na letra. Hinati sa dalawang grupo ang walong letra: F, J, V, at Z ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Samantalang ang C, ñ, Q, X na itinuturing na redundant ay hindi ipiagagamit sa pagbaybay ng mga hiram na salitang karaniwan.
2001
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, 2001, inilunsad ang "2001 Revisyong ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino" noong Agosto 17, 2001.
Pangkat 4
Ganap, Kimberlyn
Juaton, Noreen
Pen, Sharon
Full transcript