Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Kasaysayan ng Maikling Kuwento

A Group 3 in BSHS-SPA Creative Writing II Presentation ..
by

Jonas Angelo Dionisio

on 27 June 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Group 3 Prezi Report
Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento
-group #3
MAIKLING KUWENTO SA
PANAHON NG KATUTUBO
Group 3- SPA-Creative Writing II
REPORTED BY:
Leader: Ofilan, Angelica Lyn B.
Members:
Ponce, Prince Czar E.
Ostonal, Jaymund M.
Villegas, Maricris C.
Reported by:
Ugnayan ng mga Mag-aaral Para sa Panitikan: Ang mga Pagbabago sa Maikling Kuwento sa Panahon ng Protesta 1972-1986
http://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-mga-pagbabago-sa-maikling-kuwento.html
References:
Panahon ng Katutubo
•Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
•Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga pirasong kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mganatagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasiraito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Kasaysayan ng Maikling Kuwento
http://www.scribd.com/doc/35466487/Kasaysayan-ng-Panitikan-sa-Pilipinas
Maikling Kuwento :D
MAIKLINK KWENTO SA
PANAHON NG KASTILA
Lumitaw din sa panahon ng kastila ang mga kuwentong “ Makamisa ” ni Dr. Jose Rizal. Sang – ayon kay Landicho, taglay nito ang isang maikling kuwento na may tauhan. Ito ay kuwento ng tauhan na matimpi at tagong pagpapahayag ng katotohanan na tinapos nang pabitin kung kayat dapat hanapin ng bumabasa ang katotohanang tiyak na naroroon sa kuwento ngunit hindi lantad. Idinagdag pa ni Landicho na nakatutugon ito sa isang pampanitikang pamantayan, hindi lamang bilang isang kuwento kundi maging sa makasining na pagkakaunawaang makabago.

Lalo’t lalong sumigla ang mga kilusang pampanitikan, sa particular ay sa kuwento, nang lumabas ang Taliba na sinundan ng Liwayway. Napiling pinakamahusay na kuwento sa timpalak-panitik ng Taliba ang “ Bunga ng Kasalanan “ ni cirio Panganiban, at ito’y itinuturing na nagsanhi ng unang hakbang tungo sa pagsulat ng mga kuwentong may banghay.
Sa gitna ng kasiglahan ng panunulat, sa loob ng panahon ng “ Ilaw at Panitik “ lumitaw ang mga pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla na naglathala ng mga 25 piling maikling kuwento mula 1929 – 1935 na pinamagatang Kuwentong Ginto.
MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG
AMERIKANO
MAIKLING KUWENTO
SA PANAHON NG HAPON
Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng maiikling kwento bilang bahagi ng panitikang Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles. Ang pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong edukasyon kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang linagin ang kanilang kakayahang sumulat ng mga sanaysay, dula, tula, kwento at nang maglaon ay pati na rin mga nobela gamit ang wikang Ingles.

Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay:
1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan
lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa.


2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng
manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan.
Lumitaw ang mga bihasang manunulat ng maiikling kwento
Tulad nina:
http://tl.answers.com/Q/Kasaysyan_ng_maikling_kwento
Kasaysayan ng Maikling Kwento
1. Deogracias Rosario- itinuturing na "Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog". Si Deogracias A. Rosario Cruz ng katoliko o kwentas ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

2. Ildefonso Santos- Si Ildefonso Santos ay isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

3. Maria Kabigon- Si Maria Kabigon ay kilala sa tawag na Manding Karya. Naging pinakakilala siyang manunulat na babaeng Cebuano noong panahon bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.



at marami pang iba.
Sa panahon ng Hapon, ang maikling kuwento ay nailimbag sa gintong pahina ng Panitikang Pitipino dahil pinairal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang pambansa bilang medium sa pagsulat.
Sa panahong ito:

a. sumigasig at dumami ang mga marnunulat
b. sumigla at turnaas ang sangay na ito ng panitikan
c. naging matimpi sa pagtalakay ng paksa
d. madula ngunit di-maligoy
e. nag-ala-dagling muli ang kawalan ng mga ito ng banghay
f. nagkaroon ng iba't ibong paraan ng pagkukuwento
g. ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napansin

Ito ngayon ang tinatawag na kontemporaryong maikling kuwento.
MAIKLING KUWENTO
SA PANAHON NG PROTESTA

(1972-1986)
Ang mga maikling kuwento sa panahon ng 1972 hanggang 1986 ay may tuwirang pagtalakay sa mga suliraning panlipunan: ang imperyalismo, piyudalismo at burukratang kapitalismo na sinasabing pinalaganap ng pasismo na siyang pangunahing dahilan ng pag-aaklas ng sambayanan maging sa panulat sa panahong iyon. Malayo ito sa mga naunang mga tema ng maikling kuwento na may pagtalakay sa pag-ibig, mga relasyon, paglalayo love triangle at iba pa.
Ang mga maikling kuwento sa panahong ito ay nakikisangkot sapagkat nagbigay ito ng kongkretong kaalaman tungkol sa tunay na kalagayan ng lipunan, ng realistiko at naturalistikong paglalarawan ng tunay na pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong iyon ng Batas Militar. Sang-ayon ito sa paniniwala ng mga kasapi sa samahan sa lipunan at kultura na ang pagsusulat ay isang gawain ng pakikisangkot at ang dapat na paglingkuran ng mga manunulat (sa kasong ito ng mga kuwentista) ay walang iba kundi ang mga mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan.
Sa panahong iyon sa ating kasaysayan ay nagging isang mabisang instrumento ang panitikan particular ang maikling kuwento sa pagpapalaganap ng ideolohiyang nais na igiit ng mga manunulat noon--- na ang tanging solusyon ay ang pagtatatag ng isang pambansang demokrasya, Malaya sa ekploytasyon ng banyaga at para sa kapakanan ng masa at hindi ng iilan lamang.
Full transcript