Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT ANG MGA WIKA SA PILIPINAS

No description
by

darnnel trinidad

on 25 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT ANG MGA WIKA SA PILIPINAS

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT ANG MGA WIKA SA PILIPINAS
Marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang Indonesyo.
Ang paglikas ng mga tao ay nahati
Isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indya, Indo-Tsina at Indonesya. Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas, Formosa at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko.
Ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia, na nakaabot sa Pilipinas daang India, Java, Sumatra, Borneo at Malaya.
Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang BAHASA MELAYU na pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D. 1500.
Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang impluwensya ng Malay sa pulu-pulo mula Java hanggang sa Pilipinas.
Sina David at Healey 1962 ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba't ibang wikang ating nakilala sa ngayon. Sila'y naniniwala na mahahati sa tatlongpanahon ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Noong 700 B.C. ang "Philippine Stock" ay nahati sa tatlo:
Northern Philippine Family
Southern Philippine Family
Pangasinan
Noong 200 B.C. ang "Nothern Family" ay muling nahati sa hindi kukulanging sa tatlo:
1. Ang mga wika sa Lalawigang Bulubundukin/Ifugao, Kankanai, Bontoc/
2.Ilocano at ang mga wikang lumaganap sa kahabaan ng ilog Cagayan /Kalinga, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta/
3.Inibaloi
Ang "Southern Philippine Family," noong 100 B.C. Ay nahati sa mga sumusunod na pangkat ng wika:
Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol,
Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka , Batak , Cuyunon
, Maranao, Magindanao, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manobo, Subanun atb.
Noong 1100 B.C., ang "Philippine Superstock" ay nahati sa "Philippine Stock" at iba pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan, Ilongot, Baler Dumagat, atb. At noong 1300 B.C. Ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto-Indonesian ay nahati sa "Philippine Superstock," "Southern Mindanao Family /Bilaa, Tagabili, at maaaring kasama rito ang Tiruray/, " at isang angkan na kasama ang Malay at ang " Chamic Family" ng Vietnam.
Pitong pangalan ang ginamit nina David at healey sa pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas.
Southern Philippine Family
Northern Philippine Family
Southern Mindanao Family
Chamic Family
Philippine Stock
Malay Stock
Philippine Superstock
Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na
1.Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa't isa kaysa Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa't isa
2.Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.
Bagama't hindi matatawaran ang kakayahan ng mga mananaliksik na nabanggit, sa kabuuan ay makapagbibigay tayo ng kahinaan ng kanilang isinagawang pag-aaral, gaya ng mga sumusunod:
1. Hindi ibinibigay ang tiyak napetsa ng pinagmulan ng inang-wika/parent language.
2. Ang mga talasalitaang ginagamit ay lubhang kakaunti upang magbigay ng mapananaligang resulta.
3. Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang pagsusuri;
wala sa morpolohiya at sintaksis.
4. Hindi isinaalang-alang ang maaaring naganap na paghihiraman ng mga wika sa kapuluan / interdialectal borrowing.
5. Walang sanligang matematikal ang teknik o pamamaraang ginamit.
Klasipikasyon ng mga wika sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
Sa klasipikasyon naman ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang panlinggwistika. Ang Ilocano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-type, samantalang ang Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng lexicostatictics ay ang kina Fox, Sebley at Eggan 1953. Gumawa sila ng panimulang GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon. Ang glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika at, gayundin, kung anu-anong petsa nagkahiwa-hiwaly o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwaly sa inang wika.
Sang-ayon sa kanila ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa Ilongot, ay mapapangkat lamang sa isa.
Ang Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod:
Northern Division
Central Division
Southern Division
Southeastern Division
Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing linggwistika ng wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito.
Lexicostatistical din ang paraang ginamit ni Dyen, ksama sa kanyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas. Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag- aaral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapmapangan. Sinabi niynag higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan.
Full transcript