Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANO NGAYON? CHART

No description
by

Cyrille Cervantes

on 10 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANO NGAYON? CHART

ANO NGAYON? CHART
MGA GABAY NA TANONG?
BY: GROUP 1
NOON
NGAYON
Mahalagang mahalaga ang apoy noon para sa mga sinaunang tao. Natuklasan ng mga Paleolitiko ang apoy sa pamamagitan ng pagkikiskisan ng dalawang bato/kahoy. Ang apoy ay may mahalagang ginampanan noong unang panahon. Ang APOY BILANG PANLUTO, dahil dito nailuluto na nila ang mga hayop na nakukuha sa pamamagitan ng pangangaso o ang mga nakalap nilang pagkain. APOY BILANG PANANGGA SA LAMIG AT APOY BILANG PANLABAN SA MGA MABABANGIS NA HAYOP.
PAGGAMIT NG APOY
Ang Gawaing ito ay nanatili pa rin kahit papaano pero Sabi nila “No permanent on Earth other than change”. Kaya ang gawaing ito ay dumaan rin sa iba’t ibang pag-unlad.. Gaya na lamang ng paggamit ng apoy ng mgasinaunang tao. Noon, maghihintay ka pa ng maraming oras bago ka makalikha ng apoy, ngayon kuha ka lang ng pospuro o lighter, instant may apoy na. Noon, pinagkikis lang ang bato/ kahoy upang makalikha ng apoy, ngayon, may gastove o shelane na. Nagkaroon ng ganitong transpormasyon o pag-unlad ng mga kasanayan dulot na rin ng henerasyon at modernisasyon
PAGGAMIT NG APOY
Ang pagsasaka sa sinaunang panahon ay makaluma at mabagal pa ang proseso ng kanilang pagtatanim at pagsasaka ng palay at mga gulay dahil wala pa silang sapat na kaalaman tungkol dito.Ngunit dahil dito ay nagkaroon na sila ng permanenteng tirahan dahil marami na silang pagkain na naiimbak at upang mabantayan ang kanilang pundasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay
PAGSASAKA
PAGSASAKA
Mangilan-ngilan na lamang ang nagsasaka sa pamamagitan ng mga tradisyunal na paraan.
Masasabi natin na moderno na ang paraan ng pagsasaka ngayon dahil na rin sa teknolohiya na umuusbong ngayon tulad ng mga makabagong kagamitan.Dahil dito ay mabilis na ang proseso ng pagsasaka at pagtatanim kaya bukod sa mayroon makakain sa araw-araw ay nakakatulong din ito upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga tao dahil sa higit pa ang kanilang naaani.

PAG-IIMBAK NG PAGKAIN
Sa pamamagitan ng paggamit ng bato at sa pangangaso, nakahahanap ng makakain nila Karaniwang ginagamit ng mga sinaunang tao ang banga bilang imbakan ng pagkain, maging ang kanilang iniinom.
PAG-IIMBAK NG PAGKAIN
Ang mga nakasanayang pamamaraan sa pag-iimbak ng pagkain noon ay patuloy nadumadaan sa proseso ng pag-unlad. Sa katunayan mangilan-ngilan na lamang ang nag-iimbak ng pagkain sa kasalakuyan sa kadahilanang nagsulputan na ang teknolohiya, nandyan na ang refrigerator na karaniwan nating pinag-iimbakan ng mga pagkain. Marami na rin tayong natutunan sa mga paraan ng pag-iimbak gaya na lamang ng fermentations, pagsasalata at iba pa. Kahit na magkaganun, hindi pa rin nating nakakalimutan ang mga pagpapahalagang natutunan natin sa pag-iimbak ng pagkain noong unang panahon.
PAGGAMIT NG PINAKINIS O PINATULIS NA BATO
Sa pagsapit ng panahon ng Neolitiko nagsimula ang paggamit ng makikinis at matutulis na bato. Kitang-kita naman natin ang mga naganap na pag-unlad sa paggamit nito. Alam natin na ang bato ang tanging kasangkapan noong unang panahon hanggang sa pinatulis at pinakanis para pakinabangan. Ang mga kahalagahang tulad ng:
- paggawa ng mas pino at pulidong kasangkapan,
-pantusok o panlaban sa mga hayop
- Bilang gamit sa pangunguha ng pagkain
- maging isang kagamitan o pangangailangan sa paggawa ng bahay
At dahil na rin sa bato ang tanging matatagpuan sa ating kapaligiran noon, pinairal ng mga sinaunang tao ang kanilang taglay na maparaan upang magkakaroon ng pag-uunlad sa kanilang mga kasanayan.

PAGGAMIT NG PINAKINIS O PINATULIS NA BATO
Sa paglipas ng panahon, marami na ring pagbabago ang nagaganap ngunit ang mga kahalagahang natutunan natin noon ay hindi pa rin nawawala. Bagamat marami na ang natuklasan, masasabing importante pa rin ang mga gamit na ito yari sa bato, bukod sa matibay na pangmatagalan pa.. May mga tao pa ring nananatiling tumatangkilik sa kasanayan na ito. Ngunit hindi natin maalis ang katotohanan ng pagbabago gaya na lamang ng mga kasangkapan o panlaban na yari sa metal at iba pa..
PAGGAMIT NG METAL
Sa Panahon ng Metal, natuklasan nila ang metal kagaya ng tanso at bakal. Sinasabing ang pagkatuklas at paggamit ng bakal ang nagbibigay-daan sa lalong pag-unlad ng pamumuhay. Ang mga kagamitang bakal ay nakatulong sa kanila sa pagbubungkal ng lupa, pagputol ng mga punungkahoy upang gawing bahay at iba pang kasangkapan at paggawa ng mga sandata.
PAGGAMIT NG METAL
Sa kasalukuyan, ginagamit pa natin ang mga metal sa ating pamumuhay kagaya ng mga kasangkapan na ginagamit natin tulad ng kutsara’t tinidor, at ang paggawa ng mga gusali at bahay. Kaya naman mahalaga ang paggamit ng mga kasangkapang metal sa ating pamumuhay.
PERMANENTENG TIRAHAN
Pagsapit ng panahon ng Neolitiko, nag-udyok na ito sa pagtatayo ng permanenteng tirahan sa mga sinaunang tao. Ang kahalagahan nito ay upang mabantayan ang kanilang pamumuhay gaya na lamang ng pagsasaka nang sa ganoon hindi na sila mahirapan sa na maglakbay. Dahil sa pananatili sa isang lugar, natutunan ng mga sinaunang tao ang iba’t ibang kasanayan kabilang na ang pagsasaka na patuloy pa rin nating isinasabuhay.
PERMANENTENG TIRAHAN
Tulad ng nakalipas na panahon, nakaugalian na nating magpatayo ng permanenteng tirahan upang hindi na maglakbay ng pagkalayo-layo. At ito ay nagdulot upang bantayan an gating mga hanapbuhay sa pang-araw-araw. Hindi naman na natin kailangang magpakalayo pa, kailangan lang nating pag-aralan ang mga bagay na dapat isakatuparan.
PAG-AALAGA NG HAYOP
Simula ng manatili ang mga tao sa permanenteng lugar dito na nila natutunan ang mag-alaga ng hayop. Noon ay tanging pagkain lamang ang tingin ng mga tao sa mga hayop ngunit kalaunan natutunan nilang mag-alaga ng hayop. Pinaamo nila ang mga ito at nagging kasa-kasama sa araw-araw na pamumuhay.
PAG-AALAGA NG HAYOP
Mula noon ay marami ng nag-aalaga ng mga hayop dahil sa benipisyong hatid nito. Hanggang sa kasalukuyan, hinding-hindi nawawala ang ganitong kaugalian, halatang-halata naman na ang mga hayop na ito ay maituturing kaibigan natin. Ang mga hayop na ito ay nakakatulong rin sa ating mga hanapbuhay gaya na lamang ng kalabaw na kasa-kasama ng mga magsasaka. At ang maituturing pagkakaibigan sa pagitan ng mga hayop at tao.
PAGGAMIT NG APOY
PAGSASAKA
PAG-IIMBAK NG PAGKAIN
PAGGAMIT NG PINAKINIS O PINATULIS NA BATO
PAG-AALAGA NG HAYOP
PERMANENTENG BAHAY
PAGGAMIT NG METAL
Ating tutukuyin ang kahalagahan ng iba't ibang yugto ng pag-unlad sa PANAHON NOON AT SA KASALUKUYAN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang
panahon?

Napakahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon dahil mas malawak na ang kaalaman natin tungkol sa mga kasanayang ito. Dahil sa pag-unlad na naganap noon, natulungan tayong paigtingin ang ating abilidad, nakalakap tayo ng mga impormasyong sasalamin sa ating mga kasanayan at kaugalian. Nagkaroon pa tayo ng mas maayos at malinaw na pananaw na magagampanan natin sa kasalukuyang pamumuhay natin. Malaki ang naipamahagi ng mga pag-unlad upang mas mapaganda at makalikha pa ng mas malinaw na mga kultura at kasanayan.
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay
ng tao?
Nahubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng pag-angkop, pagbabahagi, at pag-aayos ng mga pagbabago sa ating pamumuhay ngayon. Ito rin ay sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na kaalaman sa mga kasanayan. Ito ang sumasalamin sa ating mga matiwasay na pamumuhay. Pinaganda at pinadali nito ang takbo ng buhay ng bawat isa kung paano palaguhin ang mga naunang kasanayan na nabuo noon.
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?
Pagsasaka ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan sapagkat natutunan na natin ang tungkol rito, kung paano gamitin at palaguhin ang mga likas na yaman sa natural na pamamaraan. Dahil dito rin mas madali na nating mapaunlad ang kaalaman natin tungkol sa pagsasaka at kung paano ito makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay natin. Sa simpleng pagtatanim na nakapaloob sa agrikulturang pinangalagahan ng ating mga ninuno, may malaki naman itong tulong na naibabahagi hindi lamang para sa atin, kundi maging sa ating ekonomiya.
GENERAL CONCLUSION
Ang mga kasanayang natutunan natin noong sinaunang panahon ay nagsilbing pundasyon natin sa kasalukuyan. Hinding-hindi mawawala ang mga kaugalian ito dahil ang lahat ng bagay na isinasakatuparan natin sa ngayon ay nagsimula sa mga pagpapahalagang ito. Ngunit hindi rin natin maitatago ang katotohanan na habang tumatagal ang panahon, sumasailalim tayo sa tinatawag na modernisasyon, kaya maraming pagbabago ang naganap dulot ng mga teknolohiya. Kahit magkaganun pa man, ang importante hindi natin nakakalimutang pahalagahan ang mga Gawain noong sinaunang panahon.
CITATIONS
https://images.google.com
https://prezi.com
end... :)
Full transcript