Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Mga Salik ng Produksyon

No description
by

Ralph Andrei Hadap

on 23 August 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Salik ng Produksyon

Mga Salik ng Produksyon
Paggawa Bilang Salik ng Produksyon
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ng lakas paggawa:
Kapital Bilang Salik ng Produksyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ring iugnay sa imprastraktura gaya ng gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon
Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Sila rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa produksyon.
Lupa Bilang Salik ng Produksyon
Ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati na ang yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga.
Blue Collar Jobs
Mas ginagamit ng mga blue collar jobs
ang paggawa sa pamamagitan ng pisikal
na paggawa kaysa mental. Halimbawa
nito ay mga drayber, karpintero,
magsasaka at iba pa.
White Collar Jobs
Ang mga white collar jobs na
tumutukoy sa mga trabaho na
mas pinipiling gamitin ang
aspetong mental sa paggawa
kaysa pisikal.
Mga Katangiang Taglay nng Isang Entrepreneur
Magaling na Innovator
Kakayahan sa Pangangasiwa ng Negosyo
Matalas na Pakiramdam Hinggil sa Pagbabago sa Pamilihan
May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Full transcript