Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA PAGBABAGO SA KULTURA

No description
by

blessie cueto

on 4 January 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA PAGBABAGO SA KULTURA

MGA PAGBABAGO SA KULTURA
AT PAGKAKAKILANLAN
(1600-1800)

Malaki ang dalang pagbabago ng mga Espanyol sa katutubong kultura sa pamamagitan ng pag papalit ng pangalan ng mga tao, pag pagkakapangasawahan, ang pagkakaayos ng mga tirahan sa paligid ng plasa, mga piyesta at iba pang katutubong ritwal, mga uri ng libangan, mga kasuotan at palamuti sa katawan, istilo ng mga bahay, sining ng pag pipinta at pag-ukit, relihiyon, at edukasyon.
MGA IMPLUWENSIYANG ESPANYOL
Nakilala ng mga Pilipino ang kulturang Kanluranin. Natutuhan nila ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga Espanyol tulad ng kanilang pananamit, pagluluto, mga hilig sa pagkain, libangan, salitang Espanyol at ang Kristiyanismo. Lahat ng ito ay nagbunga ng pagkakahalo ng mga elemento ng kulturang Pilipino at Espanyol. Ang resulta ng kombinasyong ito ay naging dominateng kultura sa paglipas ng panahon. Ang bagong kulturang ito, na nagmula sa Espanyol at Pilipino, ay Pilipinong-Pilipino na ngayon ngunit may tatak at epektong kolonyal.
Ang may mga apelyidong Kristiyano ay pumili ng pangalang Espanyol, karaniwa’y sa pangalan ng santo. Halimbawa Santo Tomas, San Gregorio, San Andres at iba pa. Ngunit maraming Pilipino ang hindi nagbago ng pangalan. Sa halip gumamit sila ng mga pangalang tulad ng Magiting, Magtanggol, Bayani, Dimagiba, Dimalanta, Gatbonton, Gatmaitan at iba pa.

Nag karoon ng kaguluhan sapagkat maraming Pilipino ang walang apelyido kaya nag palabas ng utos si Gobernador-Heneral Narciso Claveria noong taong 1849, na nagpapahintulot sa mga Pilipino na palitan ang kanilang mga pangalan. Isang napakahabang listahan ng pangalan ang pinalabas upang pag pilian ng mga pangalan.

PAGBABAGO NG MGA PANGALANG PILIPINO
Bago dumating ang mga Espanyol, walang apelyido ang mga Pilipino. Ang mga pangalan ay batay sa kanyang pisikal na anyo o anumang likas na pangyayari o bagay. Kaya kung mukhang malakas ang isang batang lalaki ang tawag sa kanya ay “Si MALAKAS”. Kung maganda naman ang batang babae tatawagin syang “Si MAGANDA”. Pero ang salitang “Si” ay hindi bahagi ng pangalan ng tao. Kaya kung binabanggit sa mga talang Espanyol ang Cigala, dapat ito ay Si Gala, ang Cimaquio ay Si Makyo, Cilapulapu ay Si Lapulapu at iba pa.
Maraming Pilipino ang gumamit sa pangalang Juan, Pedro, Sixto, Teofilo, at mga apelyidong Cruz, Reyes, Santos, Rivera, Santiago, San Jose at iba pa. Ngunit may ilang Pilipino na piniling panatilihin ang ngalang Pilipino kahit na gumamit sila ng mga Kristiyanong ngalan tulad ng Francisco, Jose, Jovito at iba pa.

Sa ngayon makikita ang pangalang Francisco Dimagiba, Juan Gatbonton, Jose Gatmaitan, Pedro Lacanilao, Calixto Lakandula at iba pang kombinasyon ng pangalang Kristiyano-Espanyol at Pilipino.

Sa pagkalahatan hindi nag-asawa ng katutubo ang mga Espanyol. Ngunit may mga ilang pagkakataon din na nagkapangasawahan ang mga lalaking Espanyol at babaeng Pilipino. May ilang tala ng kasalan ng lalaking Pilipino at babaeng Espanyola. Ang mga anak nila ay tinatawag na Mestisong Espanyol. Sa bandang huling bahagi ng pamamahalang Espanyol, ginamit na rin ang salitang Mestiso sa pagtukoy sa mga anak ng lalaking Tsino at babaeng katutubo. Mestisong Sangley ang tawag sa kanila. Indio naman ang tawag sa mga taong mula sa purong lahing Pilipino.
PAGKAKAPANGASAWAHAN
PAMUMUHAY SA LIPUNAN
Ang pamumuhay sa lipunan sa alinmang pamayanang Kristiyano noong panahon ng mga Espanyol ay nakasentro sa simbahan dahil ang prayleng kura ang pinakamakapangyarihang tao sa buong komunidad. Lahat ng gusto niya ay nasusunod. Ang simbahan ay karaniwang matatagpuan sa pinakamagandang bahagi ng bayan. Katabi ng simbahan ang munisipyo na tinatawag na Tribuna at ditto nag-oopisina ang gobernador o kapitan. Ang pahkakalapit ng ng simbahan at tribuna ang nagpapakita sa pagsasanib ng simbahan at estado. Hindi puwedeng gumawa ng anumang mahalagang bagay bagay ang kapitan nang hindi nalalaman ng kura. Ang Kura din ang nag tatakda ng halagang gagastusin para sa Misa, sa mga pailaw, ang mga kalahok sa drama na ipalalabas bago at sa kaarawan ng kapistahan, at iba pang napakaraming bagay na may kinalaman sa okasyon.
Ang piyesta ay ginagawa para sa karangalan ng santong patron ng bayan. At dahil dito nakakapagpahinga ang ilang araw ang mga tao sa gawain sa bukid. Nag kakaroon sila ng programa na pampasaya at mga palarong may premyo, pagpapalabas ng moro-moro, komedya at sa huli ay sarsuwela na inaabot ng dalawa hanggang tatlong araw, at siyempre ang prusisyon.
Kapag piyesta , maging ang pinakamahirap ng Pilipino ay nag hahanda ng masasarap na pagkain para sa kanilang mga bisita. Nangungutang sila para ditto. Kaya nababaon sila sa utang. Ang kaugaliang ito ay naipamamana sa mga anak-anak, at sa buong henerasyon.
LIBANGAN
Sabong ang pangunahing libangan ng mga lalaking Pilipino. Ayon sa siyentistang Aleman na si Feodor Jagor, ginamit nila ang sabong bilang libangan at sugal na rin. Hindi totoo na ang Espanyol ang nag turo ng sabong. Pinatunayan ni Pigafetta, ang tagapagtala ng ekspedisyon ni Magella, na noong pauwi na sila ng Espanya pag kamatay ni Magellan, dumaong sila sa Palawan at nakita nilang nag sasabong ang mga kalalakihan. Kaya matagal nangkilala ang laro at sugal na ito bago pa dumating ang mga Espanyol.

Karamihan sa mga katawagang ginagamit sa sabong ay nagmula sa mga Espanyol tulad ng sultada, kareo, ruwada, sentensiyador, pusta, dehado, llamado at iba pa.

Mga iba pang uri ng sugal na pinakilala ng mga Espanyol ay panggingge, monte, tres siete. Ang loterya, karera ng kabayo, at huwego de toro ay nag mula din sa Espanya.

Kapag may lamay para sa patay ay naglalaro ng baraha ang mga naglalamay, may taya man o wala, o kaya’y may juego de prenda. Sa ikasiyam na araw ng pagkamatay ng isang tao ay ginagawa ang duplo, na isang uri ng debate o sagutan ng dalawang lalaki o kaya’y ng isang lalaki na tinatawag na bellaco, at isang babae na tinatawag na bellaca. Pinarurusahan ang natatalo at pinakakanta o kaya’y pinasasayaw, o kaya namanay mahinang pinapalo ng kahoy o anumang bagay ang kanyang palad.
Full transcript