Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

KULTURANG PILIPINO

No description
by

Gecca Aguilos

on 17 March 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KULTURANG PILIPINO

KULTURANG PILIPINO
Araling Panlipunan
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kultura
sa
Pilipinas
“Kultura”
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.
Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Ito ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Filipino
Tradisyon
Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Gecca Mae B. Aguilos
PAGMAMANO
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
BAYANIHAN
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.
PISTA
SIMBANG GABI
Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan.
BAGONG TAON
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
PO AT OPO
Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.
PAGKAIN
MAGILIW SA PANAUHIN
“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.
Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesukristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya, habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.
MAHAL NA ARAW
Kaugalian
Adobo
Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at paminta ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang. Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas.Maaaring adobohin ang karne, isda o mga gulay.
Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na maaaring may sangkap na karne, isda o iba pang laman-dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.
Sinigang

Lechon
Ang Lechon ay isa sa mga paboritong putahe na inihahain sa mga handaan, salu-salo, mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at lalong-lalo na sa mga pista. Ito ay madalas na inihahanda sa gitna ng hapag-kainan na nakakapanghalina sa mga bisita. Ang baboy na ginagamit upang gawing lechon ay kadalasang may timbang mula 4-5 kilo.
Ang halo-halo (mula sa salitang ugat na halo) ay isang tanyag na pagkaing pang-meryenda sa Pilipinas, na may pinagsama-samang ginadgad na yelo at gatas, na hinaluan ng iba't ibang pinakuluang mga mga munggo at prutas, at isinisilbing malamig habang nakalagay sa isang mataas na baso o mangkok.
Halo-Halo
Bibingka
Puto Bumbong
Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko.
Ang puto bumbong ay isang kulay lila/ubi na kakanin na gawa sa giniling na pirurutong (malagkit) na bigas.
Tuwing sasapit ang Kapaskuhan sa Pilipinas, hindi mawawala ang mga kaugaliang katangi-tanging Pinoy tulad ng mga simbang gabi, pagsabit ng parol, pangangaroling, Noche Buena, at mga tradisyonal na pagkain tulad ng Bibingka't Puto Bumbong
Puto
Kutsinta
Ang puto ay isang pinasingawang mamon o keyk sa Pilipinas na gawa mula sa galapong o harinang bigas. Karaniwan itong puti ngunit mayroon ding iba pang kulay tulad ng narangha.
Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto.
Ang pandesal o pandisal ay isang pagkaing Pilipino na kadalasang hinahain sa almusalnangangahulugang "tinapay na may asin".
Pandesal
Taho
Ang taho ay isang uri ng pagkaing Pilipino na hango mula sa impluwensiya ng mga Intsik. Isa itong matamis na pagkain mula sa balatong at arnibal o pulot .
Sining
Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao.
SAYAW
Carinosa
Ang cariñosa ay isang uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na may Hispanikong pinagmulan. Ang sayaw ay ginagamitan ng pamaypay at panyo.
Tinikling
Ang tinikling ay ang halo-halo ng biyaya at kilusan na paa. Laban-laban sa pagitan ng paa at sanga ng kawayan.
Patintero
Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.
LARO
Tumbang Preso
Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanikanilang mga tsinelas. Pagnatamaan ng unang manalalaro ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago paman mabalik ng taya ang lata sa puwesto.
KASUOTAN
Ang damit, pananamit, gayak, panggayak, na kilala rin bilang kasuutan, mga bihisan o mga pambihis, ay mga bagay na pantakip sa katawan ng tao.
Baro't Saya
Barong Tagalog
Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya.
Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Relihiyon
Katoliko
Islam
Ang Islam ay ang pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa Pilipinas. Ang Islam ay nakaabot sa mga isla noong ika-12 at ika-14 na siglo mga higit dalawang daan taon bago ang pagdating ng mga Kastila ng nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang Islam ay dinala ng mga Arabong mangangalakal at maninirahang Muslim mula sa mga sultanatong Kapuluan ng Malay.
Ang Katoliko ay relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus—na tinatawag ding "Hesukristo"—ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Samantala, ang Filipinas ang pangunahing Kristiyanong bansa sa Asya. Tinatayang 85 porsiyento ng populasyon sa Filipinas ay Romano Katoliko, 10 porsiyento ang Muslim, at limang porsiyento ang iba pang relihiyon.
Ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugalian ang paghalik sa kamay ng mga matatanda. Kaugnay ito ng mga salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, simula, at pinamulihanan. Katumbas din ito ng diwang "pagsasalin ng ari-arian sa ibang tao".
Full transcript