Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of terorismo

No description
by

Leejames Merlas

on 31 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of terorismo

Aralin 35
Ang Banta ng Terorismo
Kahulugan ng Terorismo
Mungkahing Hakbang Laban sa Terorismo
Ang terorismo ay isang gawain na nagsusulong ng radikal o rebolusyonaryong layunin sa pamamagitan ng marahas na paraan.
Ayon sa Human Security Act of 2007 ang pamimirata as dagat, rebelyon, kudeta, murder, kidnapping, hijacking, destruction, at panununog.
* Ang pagtuligsa ng mga Muslim sa tinatawag nilang hindi makatuwiran at makasariling patakaran ng pamahalang U.S.
SANHI NG HIDWAAN
Epekto ng Terorismo
Malawakan ang pagkilos ng mga mamamayan sa iba't -ibang panig ng daigdig laban sa U.S. Wa Aggression sa Iraq. Nanindigan sila na ito ay tuwirang pagbalewala sa soberanya ng isang bansa at malinaw na isyu ng power play o agresibong pagkilos at pagpapakita ng kapangyarihan upang mapasunod ang Iraq.
Ilan sa mga hakbang na maaring gawin upang labanan ang lumalalang banta ng terorismo sa daigdig ay ang sumusunod:
ILAN SA MGA PANGKAT NG TERORISTA
Abu Nidal
Organization (ANO)
Kanlurang Asya, Europe
Abu
Sayyaf
Group (ASG)
Pilipinas
Aum Shinrikyo
Japan, Russia
Al-Qaeda
Pandaigdigan
Hezbollah
Lebanon
Al Jihad
Egypt
Jemaah Islamiyah
Timog Silangang Asya
Liberation Tigers
of Tamil Eelam
Sri Lanka
Ang layunin ng terorismo ay maaring politikal, panlipunan, pang ekonomiya, o pangrelihiyon.
Ang target ng terorismo ay maaaring tao o imprastraktura. Karaniwan itong nagreresulta sa matindi at malawakang pinsala sa kabuhayan, imprastaktura at mga buhay ng mga tao.
Ang Pag-atake Noong 9/11
Naging makasaysayan an 9/11 sapagkat ito ay nag dulot ng matinding pinsala sa buong mundo lalo na sa New York City.
Noong Setyembre 11, 2001, sapilitang inagaw ng 19 na terorista ang apat na eroplanong komersiyal ng United States. Ibinangga ng mga terorista ang dalawang eroplano sa dalawang gusali ng World Trade Center (WTC) sa New York City. Dahil sa gasolina ng eroplano, nagsilbi itong bomba na.
Isa pang eroplano ang isinalpok sa Pentagon samantalang bumagsak naman ang isa pa sa Pennsylvania.
*Tinatayang 3,000 mamamayan ang namatay rito.
*Tuwirang inako ng pangkat ni Osama Bin Laden, ang Al-Qaeda, ang naganap na pag-atakeng ito.
*Simbolo ng kapitalismo ang World Trade Center kung saan nagaganap ang mga transaksyon sa pandaigdigang pamilihan.
*Ang Pentagon ay isang mahalagang institusyong pangmilitar ng U.S. na nasa ilalim ng kagawaran ng tanggulang pambansa o national defense.a
Osama Bin Laden
nasa pangkat ng Al-Qaeda
World Trade Center
The Pentagon
Masalimuot na usapin din ang tangkang pagkontrol ng U.S. sa langis o tinaguriang
black gold
na napakahalaga sa ekonomiya at may napakalaking konsentratyon sa Kanlurang Asya
Pinagsisimulan ng hidwaan ng mga bansa ang paghahangad na makontrol ang pinagkukunan ng langis dahil ito ay mataas ang halaga nito at mahirap ito hanapin, at kung mayroon naman langis ay mahal ang proseso sa pagkuha nito sa ilalim ng lupa.
Iba't Ibang Anyo Ng Terorismo
Domestic Terrorism
- Nakatuon lamang ang operasyon sa loob ng bansa.
-Pinupuntirya lamang ng mga tagaloob ng bansa upang itaguyod ang kanilang radikal na layunin.
International Terrorism
-pandaigdigan ang sakop ng operasyon.
-hindi limitado sa isang bansa ang operasyon ng mga terorista.
State-sponsored Terrorism
-Ang estado o pamahalaan ang nagpopondo at nasa likod ng operasyon ng mga terorista upang lupigin ang mga kalaban nito sa politika.
-Maaaring batid o hindi batid ng publiko na ang estado ang nasa likod ng mga gawaing ito.
Narco-terrorism
-ang mga sindikato sa industriya ng ilegal na droga ang nasa likod ng ganitong uri ng terorismo.
-pinapaslang nila ang mga alagad ng batas, abogado at mga tagahatol sa korte upang maprotektahan ang kanilang mga interes.
Biological terrorism
-Tumutukoy ito sa mga ahenteng biyolohikal (biological agents tulad ng mga virus at bakterya na sadyang ipinakakalat sa kapaligiran upang makasama sa kalusugan at makalikha ng ligalig sa publiko.
-Sinasadyang ikinakalat ang mga virus at bakterya sa hangin, tubig, at pagkain.
Cyber terorism
-Terorismo na gumamit gumagamit ng kompyuter at telekomunikasyon upang maghasik ng karahasan at magdulot ng kapinsalaan sa mga iprastraktura tulad ng enerhiya, telekomunikasyon, at transportasyon.
-Maaari din itong magresulta sa pagtigil ng operasyon ng pamahalaan at komersiyo.
-Ang inaatake nito ay ang impormasyon, sistema ng kompyuter, programa ng kompyuter, at iba pang mga datos.
Sinasabing malalim at masalimuot ang pinag-ugatan ng terorismo dahil ito ay may direktang epekto sa politika, ekonomiya, at lipunan.
Nagbunga ito ng masamang imahen sa mga bansang may pagbanta ng terorismo kahit na limitado lamang ito sa ilang lugar at hindi sa kabuuan.
Ang U.S. Bilang Pulis Pandaigdigan
Mainit na usaping pampolitika rin ang ginawang panghihimasok ng pamahalaang U.S. sa sa Afghanistan at Iraq. Nagsulong at nagpalaganap ng Demokrasya, pagkilala sa karapatang pantao, pagkontrol sa pglaganap ng armas nukleyar at paglaban sa lumalaganap na terorismo.
Nanaig ang sistemang pampolitika ng U.S. sa Kanluran sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda, sandatahang lakas, panggigipit, at iba pa.
Nagmistulang "pulis pandaigdigan" o international police ang papel ng U.S. sa kabila ng paniniwala ng ibang sektor n ito mismo ang nasa likod ng maraming kaso ng terorismo sa iba't-ibang panig ng daigdig.
Magkaibang Pananaw Ukol sa U.S. War of Aggression
Ayon sa kanila, ang akto ng pgsalakay ay isa ring anyo ng paglabag sa karapatang pantao.
Maituturing ang mga naturang bansa na sumusunod ay hindi kaalyado ng U.S.:
Iran
North Korea
Syria
at maging ang Cuba laban sa pagiging kontra-U.S.
Nagkakaisang Hakbang Laban sa Terorismo
Ang tinaguriang coalition of the willing ang tugon ng U.S. at ng mga kaalyado nito sa lumalalang problema ng terorismo sa daigdig.
Tumutukoy ito sa mga bansang kaanib ng U.S. sa paglusob nito sa Iraq.
* ibayong paghahanda sa anumang uri ng pagsalakay sa anumang oras;
*higit na sistematikong pagpapalitan ng impormasyon ng mga bansa ukol sa mga tala ng kaso, lawak, tindi, dalas, at kalikasan ng terorismo;
*higit na sistematiko, siyentipiko, at makatotohananang pagtukoy sa mga terorista sa halip na batay lamang sa diskriminasyon,
haka-haka, o maling konklusyon;
*ibayong pagtataguyod ng makataong pagtrato sa mga sibilyan na maaaring maapektuhan ng hakbang kontra-terorista;
*makatarungang paglilitis sa mga pinaghihinalaang terorista; at
*ibayong kampanya laban sa terorismo sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo at pgpapahalaganap nito sa tulong ng tamang edukasyon.
Mga Mahalagang Pangyayaring May Kaugnay sa Terorismo
Nobyembre 26, 2008
Mumbai, India
Pagsalakay at pagpapasabog ng granada sa
sampung lokasyon na ikinamatay ng nasa 100 at ikinasugat ng hindi bababa sa 200. Naging pangunahing target ang mga dayuhan.
Setyembre 20, 2008
Islamabad, Pakistan
Pagpapasabog sa isang dump truck na puno
ng pampapasabog dsa tapat ng Marriott Hotel,
ilang daang metro ang layo mula sa pinagdarausan ng pagtitipon ng mga mataas na opisyal ng Pakistan. Mahigit 50 patay at hindi bababa sa 250 ang sugatan.
Oktubre 1, 2005
Bali, Indonesia
Nagpasabog ng mga bomba sa Jimbaran at
Kuta, parehong nasa South Bali. Namatay ang 23 katao, kasama ang tatlo sa mga nambomba.
Hulyo 7, 2005
London, England
Tatlong bomba ang pinasabog sa mga tren sa London Underground. Namatay ang 56 katao, kabilang ang apat na pinaghihinalaang bomber. May 200 katao naman ang sugatan
Marso 22, 2004
Gaza, Palestine, Israel
Pagkamatay ni Sheik Ahmed Yassin, pinuno
ng Islamic Resistance Movement, sa kamay ng mga Israeli
Marso 11, 2004
Madrid, Spain
Isang serye ng pagpapasabog sa apat na tren sa Madrid. May 191 katao ang nasawi at 1,460 ang sugatan
Disyembre 14, 2003
Iraq
Pagkadakip kay Saddam Hussein ng mga tropang Amerikano sa isang paglusob.
Oktubre 12, 2002
Bali, Indonesia
Binomba ang bayan ng Kuta sa pulo ng Bali. Namatay ang 202 katao habang 209 ang sugatan. Karamihan sa mga namatay ay mga dayuhan, marami ay mga Australian. Ngunit ang 1/5 sa mga biktima ay pawang mga Indonesian.
Setyembre 11, 2001
United States
Pag atake ng Al-Qaeda sa World Trade Center (Simbolismo ng kapitalismo) at Pentagon (Simbolismo ng lakas militar).
Agosto 7, 1998
Kenya Tanzania
Pagpapasabog nang halos sabay-sabay sa mga embahada ng U.S. sa Kenya at Tanzania na pinaghihinalaang isinagawa ng pangkat ni Osama bin Laden
Hunyo 25, 1996
Saudi Arabia
Pagpapasabog ng sasakyang may imbak na gasolina sa Khobar tower na ikinamatay ng 19 na puwersang Amerikano
Abril 19, 1995
United States
Pagpapasabog ng isang gusali sa Lungsod ng Oklahoma
na kumitil ng 168 katao.
Full transcript