Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA URI NG PAGSULAT

No description
by

Carl Aguirre

on 1 April 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA URI NG PAGSULAT

MGA URI NG PAGSULAT
Maraming uri ang pagsulat. Mauuri ito ayon sa iba't ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring siyang magbigay ng impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maaari rin siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook, o kaya'y magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay aliw sa mga mambabas. Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahakagang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao.

Sa bahaging ito ng pag-aaral, tatalakayin ang mga uri ng pagsulat na madalas na kailanganin sa pag-aaral.
URI NG PAGSULAT
Teknikal
Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang sub-kategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science o technology. Samakatwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa.
Journalistic
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Nakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipik na kurso para rito, ang AB Journalism, bagama't bahagi rin ito ng pag-aaral ng ibang kuroso tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino. May mga pagkakataon ding io-offer ang uri ng pagsulat na ito bilang isang elektib sa mga paaralang panghayskul.
Reperensyal
Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang repereno sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinutukoy. Madalas itong makita sa mga teksbukna tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tisis, at disertasyon lalo na sa bahaging May Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito, samakatwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa notecards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
Propesyonal
Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Bagama't propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms briefs at pleadings ng mga abugado at legal researchers at medical report at patient's journal ng mga duktor at narses.
Malikhain
Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama't maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong pangunahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwait at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito.
Akademik
Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing aademik mula sa antas primarya hanggang doktoradong pag-aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tisis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Full transcript