Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Paraan o Diskurso ng Komunikasyon

No description
by

Joshua Calonzo

on 16 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Paraan o Diskurso ng Komunikasyon


Paraan o Diskurso ng Komunikasyon
Paglalahad
- ito ang paraan ng pagpapahayag na nagpapaliwanag.
Layunin:
Magbigay ng kaalaman o kahulugan
Nagsusuri upang lubos na maibigay ang diwang inilalahad
Nais na iparating ng nagsasalita o taong sumusulat
Uri ng Paglalahad
Pagbibigay-kahulugan o katuturan
- ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad.
Dalawang uri sa paggawa:

1. Katuturang Maanyo (Formal Definition)
- binubuo ng 3 sangkap:
a. Pananalita - salitang bibigyan ng kahulugan
b. Kaurian - pangkat na kinabibilangan ng pananalita
c. Kaibahan - katangiang ikinaiba ng pananalita sa mga kauri
2. Sanaysay na Pangkatuturan
(Essay of Definition)

- binubuo ng:
paggamit ng halimbawa
paggamit ng pagtutulad at paghahambing
paggamit ng sanhi at pinagmulan
paggamit ng ibubunga at kahihinatnan
Pagsunod sa panuto o pamamaraan
- akma ito sa pagpapaliwanag sa paggawa ng isang bagay.
Pangulong tudling o Editoryal
- ipinapaliwanag ng punong-patnugot ng pahayagan o magasin.
Suring-basa (Book Review)
- isang maikling paglalahad ng palagay o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa aklat na pinupuna.
Siyentipikong-ulat (Scientific Report)
- inilalahal dito ang resulta ng anumang isinasagawang bagay o pag-aaral na ginagawa sa paraang siyentipiko.
Sanaysay (Essay)
- tumatalakay sa isang paksa at naipapaliwanag sa paraang pormal o di-pormal.

* kung PORMAL ang salaysay, ito ay tinatawag ding MAANYONG SALAYSAY.
* kung DI-PORMAL ang salaysay, ito ay tinuturing ding MALAYANG SALAYSAY.
Pagsasalaysay
- isang paraan ng pagpapahayag na nagkukwento ng pangyayari na maaaring may katotohanan o mga pangyayaring bunga ng imahinasyon o guni-guni.
Layunin:
Ipahatid ang kawil ng pangyayari
Karaniwang sumasaklaw sa tanong na ano at paano ang nangyari
Uri ng Pasalaysay
Salaysay na nagpapabatid
- isinusulat upang maghatid o magbigay ng impormasyon o kaalaman sa mga mambabasa.
Masining o malikhaing salaysay
- isinusulat ito upang magbigay ng libangan o aliwan. Ito ay karaniwang may banghay (plot).
Mga Uri o Halimbawa:
Salaysay ng Pangkasaysayan (Historical)
Salaysay na Pantalambuhay (Biographical)
Salaysay ng Paglalakbay (Travel)
Salaysay na Nagpapaliwanag (Expository)
Salaysay ng Nakaraan (Reminiscent)
Salaysay ng Pakikipagsapalaran (Adventure)
Anekdota (Anecdote)
Kathang salaysay (Sketch)
Katangian ng Mabuting Pagsasalaysay
May Mabuting Pamagat
- ito ay nakatatawag ng atensiyon ng mambabasa.
- kailangang ito ay hindi palasak, may orihinalidad at kawili-wili.
Mahalagang Paksa
- kinakailangang maging kawili-wili, mayaman sa damdaming pantao, lumilikha ng kapanabikan, may naiibang tunggalian, nauukol sa katangi-tanging tauhan o tagpuan at tungkol sa pangangailangan ng tao.
Walang Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari
- isaalang-alang ang pagtaas ng kawilihan bunga ng mga tunggalian ng mga elemento ng kuwento patungo sa kapanabikan, kasukdulan, pababa sa kakalasan hanggang sa marating ang wakas.
Kawili-wiling Simula at Wakas
- maging mabisa ang paghihikayat sa mambabasa sa pamamagitan ng mahahalagang pangyayari sa kwento.
Paglalarawan
- isang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o palapalagay tungkol sa isang tao, hayop, bagay o lugar o isang pangyayari.
Layunin:
Mabigay sa mambabasa o tagapakinig ang malinaw at buong larawan ng katangi-tangi at kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang.
Katangian ng Mahusay na Paglalarawan
Pagpili ng Paksa
- tugon sa tanong na "Ano ang ilalarawan?".
- ipinakikita rito ang katangiang panlabas at katangiang panloob ng paksa.
Pagpili ng Pananaw
- tugon sa tanong na "Paano mo ilalarawan ang isang paksa?".
- ito ang pagtingin o pagsasaalang-alang ng sumusulat ng paglalarawan sa kanyang paksa.
Pagbuo ng Pangunahing Larawan
- ito ang batayang larawan ng paksa.
Pagpili ng mga Sangkap
- pumili lamang ng mga nais mong ipabatid sa iyong ilalarawan
Maging Tiyak sa Layunin ng Paglalarawan
- ito ay tumutugon sa tanong na "Bakit ka maglalarawan?"
Uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan
- ito ang pinakasimpleng pagpapakita ng mga katangian ng paksang inilalarawan.
Masining o Malikhaing Paglalarawan
- ito ay naisasagawa sa paraang nakikita ng tagabasa o tagapakinig ang mga katangian ng paksa sa kanilang imahinasyon.
Pangangatuwiran
- ito ay isang anyo ng pagpapahayag na ang layunin ay manghikayat o akitin ang tagapakinig o mambabasa na katotohanan o kuro-kuro sa isang paksa o suliranin upang magbago ang paniniwala.
Anyo ng Pangangatwiran
Pormal
- ito ay may pagkaseryoso at malalim ang paksa.
- ito ay sumusunod sa alituntunin ng tamang pagpapahayag
Impormal
- ito ang kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
- ito ay madaling maintindihan sapagkat angkop sa interes ng masa.
Dalawang Uri ng Pangangatwiran
Pabuod o Induktibo
- sa uring ito naghaharap ang mga halimbawa, pangyayari at buhat sa iniharap ay bumubuo ng panlahat na simulain.
Pasaklaw o Deduktibo
- ito ay tinatawag na silohismo na binubuo ng pangunahing batayan (PB)/major premise, isang pangalawang batayan (pb)/minor premise at konklusyon (K).
Hulwaran:
PB - ang lahat ng A ay B
pb - ang C ay A
K - ang C ay B
Tatlong paraan ng pangangatwiran:
Pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi
Gumagamit ng pagtutulad
Gumagamit ng patibayan at pagpapatibay
Iniulat ni: John Lord Carias
BSCpE E01
FILI 103

Batayang aklat: Filipino 1 sa Kolehiyo
KOMUNIKASYON sa Akademikong Filipino
Full transcript