Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

EPEKTIBONG PAGTUTURO

No description
by

william augusto

on 1 May 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of EPEKTIBONG PAGTUTURO

ANG EPEKTIBONG PAGTUTURO
Ang
GURO
ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na nakapagsasagawa ng matagumpay at epektibong pagtuturo.
Kailan ba natin masasabing epektibo at matagumpay ang pagtuturo?

Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro para magkaroon ng epektibong pagtuturo?

Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng isang epektibong pagtuturo?

Ayon sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003, may labindalawang katangiang dapat taglayin ng isang epektibong guro
.
1. Walang Itinatangi
- Pantay-pantay ang pagtingin ng guro sa kanyang mga mag-aaral

2. May Positibong pag-uugali
- Pagbibigay rekognisyon sa bawat mabubuting gawi at hindi namamahiya sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral.

3. May Kahandahan
- May malawak na kaalaman ang guro sa paksang ituturo at may kakayahang iugnay sa iba pang larangan. Mabisa niyang nagagamit ang mga kagamitang panturo at matalino niyang nasasagot ang katanungan ng mga mag-aaral.

4. May haplos-personal
- Dapat kilala ng bawat guro ang kanyang mga mag-aaral.

5. Masayahin
- Marunong magpatawa at ngumiti sa klase.

6. Malikhain
- Marunong mag-isip ng mga bagong gawaing pumupukaw sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

7. Marunong tumanggap ng pagkakamali
- May kababaang loob sa pagtanggap ng kamalian sa klase.

8. Mapagpatawad
- May mahabang pasensiya at mabilis o madaling itinatama ng guro ang pagkakamaling nagawa ng mga mag-aaral.Hindi rin siya namimersonal bagkus binibigyang pagkakataong makapagpaliwanag ang mag-aaral sa pagkakamaling nagawa.

9. May respeto
- Ginagalang ng guro ang iba’t ibang katangian, abilidad, paniniwala, kahinaan, kalakasan at pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.
Hindi rin siya nagbibitiw ng mga masasakit na salita sa mga mag-aaral.

10. May mataas na ekspektasyon
- May tiwala ang guro sa kakayahan ng bawat mag-aaral. May mataas na pamantayan ang guro na nakahahamon sa mga mag-aaral na lalong magpursigi
.

11. Mapagmahal
- Maalalahanin ang guro. Binibigyang tuon ang mga
mag-aaral na nahihirapan sa klase.

12. Ipinapadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
-
Naghahanap ang guro ng paraan na maging kabilang
ang bawat mag-aaral sa talakayan.

Ayon sa isinigawang pag-aaral nina Bailey at Murcia, may apat na bagay ang dapat na isaalang-alang upang maging epektibo ang pagtuturo.
1. Kaligirang sosyal
(social climate)

- Binibigyang diin nito ang kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at kaaya-ayang katauhan ng isang guro.
2. Baryedad sa gawaing pagkatuto
(variety in the learning activities)

- Tinutukoy nito ang baryedad o ang iba't ibang paraan ng paglulunsad ng aralin, sa paglinang ng gawain at maging sa paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
3. Oportunidad ng mga mag-aaral sa pakikilahok
(opportunity for student participation)

- Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral sa klase na makapagpakita ng kani-kanilang kakayahan at kasanayan.
4. Pagwawasto at pidbak
(corrections and feedback)

- Binibigyang diin nito ang mga sumusunod:
a. ang sariling pagwawasto ng mag-aaral sa kanyang kamalian
b. sariling pagwawasto ngunit may pagtulong ng kamag-aral
c. sariling pagwawasto sa tulong ng prompting o sa tulong ng pagtatanong sa guro


A good teacher can inspire hope, ignite the imagination, and instill a love of learning.

- Brad Henry
Samakatuwid, NAKASALALAY SA ATING MGA KAMAY KUNG MAGIGING BUHAY O PATAY ANG MGA TALAKAYAN AT PAG-AARAL SA LOOB NG ATING KLASRUM! Nais ba nating maging masaya, masigla at kawili-wili o kabagut-bagot ang bawat araw ng
ating pagkaklase?
G. WILLIAM S. AUGUSTO JR.
Full transcript