Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Aralin 8: Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kanyang Sako

No description
by

Jean Leong

on 26 July 2017

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Aralin 8: Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kanyang Sako

Aralin 8: Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kanyang Sako

May isang lobo na nakaabang sa kuneho na kanyang akmang sisilain. Naiisip niya ang linamnam nito kahit binabantayan pa lamang niya ito. Sa tamang pagkakataon nakahanap siya ng tiyempo at naghandang dambahin ito upang patayin. ang hindi niya alam ay mayroon ding nangangaso, ang puwersa ni panginoong chao, na kinatatakutan ng lobong iyon. May inihandang palaso ang puwersa ng panginoong chao para sa kanya. Sa pagitan ng gutom at pagtakas, pinili ng lobo ang gutom, tumakbo siya ngunit naabutan parin ng palaso ang kanyang binti. Pero maswerte siyang nakatakas at agad nakapagtago. Sinabihan ni panginoong chao ang kanyang mga tauhan na hanapin ang lobo.

Masuwerteng nakatagpo ng peregrino ang lobo na nagngangalang tung kuo, ubod ng buti si tung kuo handa niyang ialay ang kanyang buhay. mapayapa siyang naglalakbay nang magulat siya at tumambad sa kanyang harapan ang lobo. humihingi ito ng tulong sa kanya, may palaso ito sa kanyang binti. Sabi nito "Ako po'y iligtas niyo mula kay panginoong chao. ako po'y nais niyang silain at wala akong kalaban laban. iligtas mo ako at habang buhay kong itong tatanawing utang na loob" Naawa ang peregrino at pinakalma ang lobo. tinanggal ng pergrino ang palaso sa binti ng lobo. padating na ang puwersa ni panginoong chao at biglang sinabi ng lobo "isilid mo ako sa sako". itinali ng peregrino ang mga paa ng lobo upang maikubli ang lobo.
Dumating ang Panginoon at hindi na ito nagpatumpik-tumpik. " Ikaw palaboy," wika niya. "May nakita ka bang isang lobo, isang lobong sugatan?"
Napalunok si Tung Kuo, "isang lobong sugatan po ba? Wala po akong nakita," wika niya, sabay punas sa pawis sa kanyang noo. "Wala po talaga, paggigiit niya." Kahit hindi kumbensido, binalaan nalang siya ng Panginoon. "Kilala ko ang mga tulad mo, maaawain. Malaman-laman ko lang na ako'y iyong niloloko, higit pa sa pagkasugat ko sa binti ng lobo ang iyong aabutin. Saka ito umalis.
Nang wala na ang puwersa ng panginoon , nag-ingay ang lobo sa sako. "pakawalan mo ko, hindi na ako mahinga rito," pakiusap nito. nang makawala. sandali itong itinindig ang sarili, saka nagbago ng himig at naninindak na.
"ako'y nagugutom na, at kung totoong mabuti ang iyong loob, ialay mo ang iyong buhay sa akin upang mapunnan itong aking gutom." inilabas nito ang kanyang pangil habang iniikutan ang peregrino na tila ba mas masarap kaysa sa kunehong kanina'y niya pinupuntirya.
"ngunit," wika ni tung kuo. "ang akala ko'y mamabutihin mo ang aking pagmamagandang loob. nagmakaawa ka, at tinulungan kita."
"tandaan mo, kaibigan, ako'y isa pa ring lobo at para sa sangkalonohan, ang tao ay kalaban." paliwanag ng lobo. nadama ng peregrino na wala ng pakialam ang lobo sa kanilang magandang usapan. dadambahin na siya nito ngunit nakailag siya. naghabulan sila pansamandali. nang magkaroon siya ng tiyempo, nagwika si tung kuo at nagpanukala ng paraan at nagpanukala ng paraan upang tugunan ang problema.
"ganito na lamang, kaibigang lobo." "nakaugalian nang itanong muna ang mga bagay-bagay sa tatlong matatanda. magtatanong-tanong tayo ating madaraanan."
dahil walang taong nakakasalubong , napilitan si tung kuo na magtanong sa isang matandang puno. kinausap niya ang puno habang binabantayan ang lobo na sakaling isahan siya.
"minamahal na puno. hihingin sana namin ang iyong opinyon. kanina'y iniligtas ko ang sugatang lobong ito mula sa mga tumutugis sa kanya. itinago ko siya, ngunit nang muling palayain, ninais na ako'y kaininn sapagkat siya ay gutom. sa iyong palagay, wasto bang ialay ko ang aking buhay?"
nagwika ang puno. "aba'y dapat lamang. ang mga tao ay madalas nakakalimot. ang tulad kong matanda'y nakatakda nang palakulin matapos ng maraming taon ng pagiging mayabong, mabunga. binigyan ko ang nagtanim sa akin, hindi lamang ng bungang ilalako,pati na lilim kung siya ay napapagod. ay, ang tao, kung matanda ka na't walang silbi'y hahayaan kang mamatay. dapat lang na lamnin ka ng sikmur ng lobong iyan."
tuwa at naglalaway na ang lobo't handa nang silain ang kanyang kakainin. ngunit pinigil siya ng peregrino
"hintay muna, kapatid. isa pa lamang ang ating tinatanong," wika niya, na hindi na lamang nagpapahalata ng kanyang sindak. "may dalawa pang kailangan tanungin."
may nakitang dako ang lobo, inutos niya sa peregrino na doon sila magtungo. binati niya ang baka at muling binuksan ang usapin. nagbuntong-hininga ang baka sa kanyang narinig "kaylungkot nga niyan, kaibigan," wika niya sa peregrino. "ikinalulungkot ko, kaibigan. ngunit ang taong tulad mo ay nagpapahalaga lamang sa aming hayop kung may halaga pa. dapat kang sagpangin at pakinabangan ng lobong iyan." nanlumo ang peregrino, samantala ang lobo ay malapit ng magtagumpay na hindi na siya makapaghintay. ngunit natigilan siya ng may tinatanaw ang malungkot na peregrino sa daan. isang matanda na abuhin ang buhok at may tungkod. napalitan ang lungkot ng peregrino ang isang tao ang suwerten napadaan.
nakalapit na ang matanda sa kanila. hindi na nagsayang ng panahon si tung kuo at inilatag ang suliranin sa matanda.
"mabuti't napadaan kayo. napakalaki ng akong dinaramdam dahil matapos kong tulungan ang sugatang lobong ito mula sa mga tumutugis sa kanya , minithi niyang ako'y tikman at gawing lamang-tiyan." sambit niya
hindi nagpatalo ang lobo "ginoo, makinig kayo." ang palaboy na ito'y nakunwaring inililigtas ako. ngunit isinilid niya ako sa kanyang sako at halos maubusan ako ng hangin habang nasa loob."
nagisip ng malalim ang matanda "naguguluhan ako ngayon, ang lobong ito ay lobo, at hindi nakakikilala sa kabutihan ng tao. ngunit baka ikaw nga, peregrino, ang talagang maysala." napangiti ang lobo dahil abot-kamay na niya ang tagumpay.
"nais kong malaman," wika ng matanda, "kung papaanong isinilid ang lobo sa sako. ito lamang ang tanging paraan upang matiyak kong talagang nakamamatay nga ang pagsisilid sa kanya."
pumayag ang lobo at peregrino at inulit ang pagsisilid. nang maitali ang nguso ng sako bigla itong naglabas ng balaraw na kuminang sa liwanag. iniabot niya ito sa peregrinong nagtataka. "gawin mo ang dapat mong gawin, manlalakbay," utos nito.
kaytagal na siyang naglalakbay, hindi niya inasahan na aabot sa ganitong pagdanak ng dugo ang kanyang paglalakbay. nang una'y hindi niya tiyak kung ano ang tamang gawin. ngunit sa bandang huli ay pinaslang niya ang lobo.
Full transcript