Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Isyung Pangwika

No description
by

Aci Ecleo

on 11 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Isyung Pangwika

Notes
Ideas
Ideas
Ideas
Mga Isyung Pangwika
Tagalog, Pilipino, Filipino:
May Pagkakaiba?
Ang usapin ng wika at
panitikang Filipino
at
ang paglahok ng Pilipinas
sa Globalisasyon
Language, Learning, Identity, Priviledge
Normal o Abnormal?
Karanasan ng isang dayuhan sa Pilipinas.
Tanong:
- Normal o Abnormal ba pagnagpi-Filipino ang isang dayuhan?
-Sino na sa inyo ang nakakita o may kakilala na dayuhan na magaling ng mag Filipino? Ano ang masasabi niyo sa kanila? Normal na ba sa inyo na magsalita sila ng ganon?
Tagalog, Pilipino,
Filipino:
May pagkakaiba?
Pamela C. Constantino
Maraming Wika,
Matatag na Bansa
Ricardo Ma. Nolasco Ph. D.
Language, Learning,
Identity,
Privilege
James Soriano
Normal o Abnormal?
Karanasan ng isang dayuhan sa Pilipinas
Jean-Christophe Gaillard
Ang Usapin ng Wika at Panitikang Filipino
at
Ang Paglahok ng Pilipinas sa Globalisasyon
Bienvenido L. Lumbera
Pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino
Tanong:
• Ano ang tawag ninyo sa wikang ginagamit ninyo,
Tagalog? Pilipino? O Filipino?
• May pinagkaiba ba ang Tagalog sa Pilipino? Sa Filipino?
Wikang Tagalog
~Ang wika na ginagamit sa Bulacan, Batangas, Rizal, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa, at pati na rin sa Metro Manila.
~Isang wikang “Natural” at mayroong sariling katutubong tagapagsalita.
~Isang particular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolingwistikong grupo sa bansa.
~Napili ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang Tagalog bilang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937,
pinagtibay ito ni Presidente Manuel L. Quezon ng idineklara niya ito sa pamamagian ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Wikang Tagalog bilang Wikang Pambansa
Wikang Pilipino
~ Ito ang Filipino National Language noong 1943.

~ Ito ang pangalawang tawag sa wikang opisyal, wikang pampagtututro at asignatura sa Wikang Pambansa mula 1959.

~ Nahinto ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikaing pambansa. Filipino naman ang tinawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987.
WIKANG PILIPINO:
~ Wikang Tagalog din ang nilalaman at istraktura.
~ Batay sa iisang wika (Wikang Tagalog)
WIKANG FILIPINO:
~ Batay sa maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.
* Sa Wikang Pilipino, hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga di- Tagalog na maging parte ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

MGA HALIMBAWA:
Ingles: University Ingles: Assignment
Pilipino: Pamantasan Pilipino: Takdang aralin
Filipino: Unibersidad/ Kolehiyo Filipino: Asaynment

Ingles: Student Ingles: Library
Pilipino: Mag-aaral Pilipino: Silid-aklatan
Filipino: estudyante Filipino: Laybrari
Tagalog Imperialism
Miskonsepsyon sa Filipino
~ Ang tawag sa Filipino sa wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag ng mga Ingles sa mga mamamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito. Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila.
~ “Ito ang kondisyon ng mga tao na pagtawag ng ‘Tagalog’ sa wikaing pambansa kahit na napalitan na ito ng Pilipino at Filipino.” (Prof. Leopoldo Yabes)

~Nagdudulot ito ng negatibong reaksyon mula sa mga di-Tagalog sapagkat naisasantabi ang mga wikaing malawak din ang gamit katulad ng Cebuano, Hiligaynon, at Ilokano. Ito ang nagging dahilan ng pagpapalit sa wikang pambansa mula sa Pilipino (Tagalog) tungo sa Filipino (Konstitusyong 1973 at 1987).

Taufeulangaki(2004):
- Ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang kanilang unang wika
- Ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga matanda
- Ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika
- Mas importante ang pag unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika

*Gusto rin nilang palaganapin sa publiko at stakeholder ang kaalamang pangwika at pampanitikan. Kaya nila itinatayo ang Library and Archives of Philippine Languages; pinapataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang mga websites; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at sinisikap na magkaroon ng sarili nilang tahanan at gusali.

*“Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon” –American Indian
Paglaban sa Kultura ng Globalisasyon
Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibaong pagkaalipin para sa sambayanan.

“Globalization ang Intellectual Tradion” – Renato Constantino.
Ang mga intelektuwal natin ay may tendensiyang maging tagatanggap sa ideolohiya ng mga bansang kapitalista.Nakasaad sa wika at panitikang katutubo ang paglaban sa mga pananalakay at pang-aalipin ng mga dayuhang Kastilla at Amerikano.

Kailangan ng mga babasahin at pagsasanay ang mga guro. Sa kabataan nagsisimula ang mga ideyang magagamit ng bayan sa hinaharap.

Sa Copenhagen Seminar, inilatag ang ilang panukala upang makinabang ang maliliit na bansa. Tanggap na ng mga dumalo ang sumusulong na globalisasyon ngunit mahalaga ngayon ang paglinang ng demokrasya at sa pagpapairal ng kapakanan ng sariling bayan. Ang pakikipagkompetisyon halimbawa ay magagawan ng paraan upang magkaroon ng pamantayang makatao upang panlalamang ng mga mayayamang bansa.
Wika at Panitikang Filipino - Nakaugat na sa lipunang Pilipino

*Globalisasyon – Tumatawid ng mga kontinente at sumasaklaw saiba’t ibang bansa.

Epekto ng Globalisasyon sa bansa
:
1. Kung sasabay ang Pilipinas sa globalisasyon, lilitaw na ang katutubong salita ay hadlang sa pag-unlad ng wika ng bansa.
2. Ang layon ay tanggalin ang mga language barrier at ipatupad ang “mundong wala nang hangganan”
3. Ito ay sinasabing magpapasagana sa ekonomiya ng bansa
4. Pinaniniwalaan na baka makaabot kung hindi kayang makasabay man lang ng bansa kung tatanggalin ang nasyunalismo.
5. Sinasabing makakatulong ito sa Pilipinas na sinasabing matagal na itong inaasama.
Borderless World
Sa mabilisang pagnanais ng pamahalaan ng pagbabago ay nagiging mabilis at malabo na lang ang mga pangyayari.

Mga ninanais na pagbabago habang sumusulong ang Pilipinas:
1. Matatag na demokrasya
2. Karapatang Pantao
3. Malinis na kapaligiran

Realidad na nagaganap:
1. Nawawalan ng proteksyon sa batas ang mangangalakal na Pilipino
2. Nililipat ng gobyerno ang responsibilidad nitong paglingkuran ang mga tao sa mga pribadong korporasyong.
3. Iniiba ang sistema ng edukasyon at pinapapaniwala na kailangan maging kaisa ng mga “mamamayan ng daigdig”

Panlaban ng Wika at Panitikan sa Globalisasyon
Ano ang laban ng wika at panitikang katutubo ng mga Pilipino?
Ano ang magagawa ng mga tula, awit at mga nobela ng mga batikang Pilipinong manunulat?
Batayang panglinggwistika
~ Ang Filipino at Tagalog ay nabibilang sa iisang wika.

- “Mutual intelligibility”
-Ang pagkakaunawaan ng isang taong nagsasalita ng "Filipino"
at isang nagsasalita ng Tagalog.
Sa madaling salita, silang dalwa ay nagsasalita ng iisang wika.

~Walang pagkakaiba ang gramatikang umiiral sa Filipino sa Tagalog


*Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng maraming Pilipino. Maraming Pilipino ngayon na marunong mag Tagalog ngunit hindi Tagalog ang kanilang unang wika.
- Gagamit ng Filipino, English at Arabic sa day care center (istorya at panitikan).

- Filipino, English at Arabic ang gagamitin ng mga Grade 1,2, at 3 (oral at language development)

- Grade 4 pataas, gagamitin ang Filipino para sa makabayan, at English bilang midyum sa Math at Science

- Sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata, wikang pangrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat

*Ayon sa nasabing dokumento: "contrary to being a hindrance, the languages of children must be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The use of mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the development of future languages. This is a generalization based on numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines."

*Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English 76.5% at 76.44% sa Filipino. Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang Pasil naman ay nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.
Batayan at katwiran ng
“Maraming wika, Matatag na bansa”
- Mayroong mahigit 170 na wika ang buong Pilipinas.
- Ang Pilipinas ay pang sampu sa may pinakamaraming wika sa buong mundo
- Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ang normal na mamamayan ng daigdig ay hindi lamang isa ang alam na wika.
Si Hesukristo ay nakapagsasalita ng: Aramai, Hebrew, Griyego at Latin.
Si GMA ay nakapagsasalita ng: Kapampangan, Sinebwano, Ilokano, Tagalog, Ingles, at Espanyol.

Ang wikang Inggles ay ang wika ng pag-aaral.
“Language of the streets,”
yan ang tawag niya sa
wikang Filipino.
May sariling pagbabasa,
pagsusulat,
at pag-iisip
ang wikang Filipino.
Mayroong mga konsepto na kakaiba sa Filipino na hindi kayang
i-translate sa wikang inggles
“Language of the streets, language of identity, it may have the capacity to be the language of learning but not the language of the learned.”
Kailangan ang wikang Filipino upang makasurvive sa “outside world”
Kahit medyo diskonektado
siya sa pagiging Pilipino,
ang wikang Filipino pa rin ang nagbibigay sa
kanya ng koneksyon.
James Soriano
Maraming Wika,
Matatag na Bansa.
Ang Wikang Pambansa
~Wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon
ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya
at sosyopulitikal. Naging komon din na wika ito ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo
ng ating bayan.
KRT-3
Ang tingin ng Pinoy sa sarili nila at sa mga dayuhan
Dayuhang Instek o Indian

- Ang mga dayuhan ang pinag-aadjust
Dayuhang puti

- Ang Pilipino ang nag-aadjust
Dapat Pilipino ang midyum ng Pinoy
Bakit baligtad pagka ang dayuhan ay nasa Pinas?
Dapat ang dayuhan ang nakikibagay dahil nasa ibang bansa siya.


Asset ba ng Pinoy ang karunungan ng salitang Ingles?
Dapat Inglesin ng Pinoy ang dayuhang hindi marunong mag Tagalog.
Dapat ang dayuhan ang nakikibagay dahil wala siya sa kanyang bansa
Jean-Christophe Gaillard
Prances
Pumunta sa Pilipinas noong ika-11 ng Disyembre ng 1997
Pabalikbalik sa Gitnang Luzon at Pransiya

*Noong 2001, nagturo sa Department ng Heogropiya sa Unibersidad ng Pilipas sa Diliman.

Nag-aral ng salitang Pilipino
Marami ang nagtatanong kung bakit marunong siya mag-Pilipino o Kapampangan.
"Nasa Pilipinas tayo at ang ating wika ay Pilipino."
Jean-Christophe Gaillard
1996, sa Copenhagen Denmark.
~Inorganisa ng United Nations World Summit for Social Development
ang seminar na nagtatalakay ukol sa panlipunang pag-unlad
kasabay ng mabilis na paglakas ng kapitalismong global.
Pinibigyang diin ng semiar ang pangangailangan ng
pagtutuon ng pansin sa kultura kapitalismong global.
Kailangang himukin ang mga espesyalista na gamitin ang kanilang
nalalaman upang pag-usapan ang mga problema ukol sa
kontemporanyong lipunan.
Partisipasyong ng mga Mamamayang sa Proseso ng Globalisasyon
Hindi ang mga namumuno lamang ang dapat magpasya sa mga mamamayan ukol sa proseso ng globalisasyon. Mas maayos ang pagpasok ng mga pagbabago sa kabuhayan ng lipunan kung may pagsang-ayon ang mga batayang sector ng lipunan. Mas magiging epektibo kung may partisipasyon ng mga mamamayan at makabubuti sa kanila ang pagbabagong hinihingi ng paglahok sa globalisasyon. At Filipino dapat ang gamit na wika sa pagsasangguni sa mga mamamayan. Mahalaga ang wikang Filipino at alinpamang wikang katutubo sa ganitong sitwasyon. Magiging malinaw lamang ang proseso ng globalisasyon kung ang gamit na wika ay ang wika na kanilang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Buhay ang wika at panitikan natin katibayan nito ang ating kultura at kasaysayan. Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung ito ay magdadala sa atin sa tunay na pagunlad.
Ngunit hindi masusuko ng sambayanan ang kanyang identidad. Kung hinihikayat tayong magbago.
Ating tandaan na itinuturo ng ating kasaysayan na:
1. Ang mga pinagdaanan natin bilang sambayanan
2. May minana tayong kultura
3. May banal tayong kapakanan na dapat pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan.
IKAANIM NA GRUPO NG BSBA 2
Full transcript