Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

kahulugan at kalikasan ng pagsusulat

Filipino report
by

Jewel Telan

on 22 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of kahulugan at kalikasan ng pagsusulat

Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat Ang pagsulat ay sinasabing may dinaraanang proseso bago ito mabuo at maipahatid ang mensahe sa kanyang mambabasa. May iba’t-ibang pagpapakahulugan din sa salitang pagsulat at narito ang ilang depinisyon nito:
Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng alfabeto.

Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.

Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita.


Nasasakop din ng pagsusulat ang lahat ng natutuhang kaalaman na nakapaloob mula sa nabasa at sa narinig. Kailangan dito ang pagsasanay upang malinang nang husto ang kasanayan sa pagsusulat.

Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon
ka muna ng kaalaman sa iba’t-ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat. Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat

Ayon kat R.T. KELLOGG (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisp na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng pag isip.

Halos ganito rin ang depinisyon ni GILHOOLY (1982, p.1), at sinabi niya na sa pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo.

Sinabi pa ni KELLOGG na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya at gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na ginagawa ng mga manunulat
Binanggit pa ni KELLOGG na may ilang argumento sa pag-aaral ng pagsulat;

Una, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisp. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon.

Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip. Sa pagsulat ng isang paksa natututong mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa.

Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupuyagi.
May mga sumunod pang modelong kognitibo at ang PINAKAMAKABULUHAN ay ang modelo nina BEREITER at SCARDAMALIA (1987). Nagbigay sila ng dalawang panukala sa pagbuo ng pagsulat.
Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay,
At ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.
Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipapakita ang proseso ng pagsulat at kung kailan nagsisimulang magsulat ang manunulat.
Full transcript