Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of maikling kwento (makabago)

No description
by

Karen Bernadette

on 22 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of maikling kwento (makabago)

Maikling Kwento
Kayarian
Mga Sangkap ng Maikling Kwento
Tema at Damdamin
Pagbabago sa Maikling Kwento
Glenda B. Agno
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Kaisipan- mensahe ng kwento.
Himig- ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kwento.
Paningin- ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari.
Ang tema sa isang maikling kuwento ay ang pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng manunulat. Karaniwang ito ay kaugnay ng isang panlahat na ideya na sumusibol sa kabuuan ng mga pangyayaring pangkuwento. Ang tema kung gayun ay isang koseptuwal na saligan sa pagsulat ng maikling kuwento.

Dalawa ang paraan sa pagkakaroon ng pang-ideyang balangkas. Maaring may isang panlahat na temang nais na palitawin ang manunulat. Nais niyang ipaghalimbawang paksain ang temang hustisya sosyal. Nasa kanya ang kabuuang masaklaw na balangkas. Kapag nasa kanya na ang ideya, iisipin na lang niya ang sitwasyong iakma sa tema.
Ano ang damdamin sa loob ng isang kuwento? Ito ba ay katulad din ng mga pangkaraniwang damdamin ng tao gaya ng lungkot, poot, pag-ibig, kasakiman at kagitingan? Ano ang tungkulin ng damdamin ng damdamin sa loob ng isang kuwento?

Ang damdamin ay isang sangkap na malaki ang bahagi sa pagbubuo ng kintal sa mambabasa, sapagkat ito ang tagapagkulay ng mga pangyayari sa loob ng isang maikiling katha. Maaring ang mga tauhan ay kumikilos, nagsasalita at may nilalayon ngunit hindi ito sapat upang magkatugon sa hinihingi ng sining. Kailangang ang mga galaw, pangungusap at nilalayon ay magkaroon ng kulay o damdamin.
Tulad ng tula, ang maikling kuwento ay nagbago na rin ng paksa at istilo. Ang makabagong pamamaraan ng mga banyagang manunulat ng Alemanya, Rusya, Pransiya, Inglatera at Amerika ang nagging sandigan ng kanilang pagbabago. Ang mga kuwento’y naging makatotohanan at masining. Ang mga paksa’y tumatalakay sa mga suliraning panlipunan kaya’t naging malapit sa damdamin ng tao.
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento
Banghay
Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Tauhan - Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kwento
Tema
Damdamin
Full transcript