Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Pagsasaayos ng Datos

No description
by Yanzel Molas on 24 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Pagsasaayos ng Datos

Isinusulat ito sa sariling
pangungusap. Maikli lamang ito
ngunit hindi kailangang
mabawasan ang tunay na kahulugan
ng orihinal. Pinaikli lamang ito
upang ang diwang tinataglay
ay mapanatili pa ring naroroon. Prese Pag-aayos ng
Datos Direktang Sipi/Tuwirang Sipi Tuwirang pagkuha ito ng sinabi o ipinahayag ng isang tao. Kino-quote ang sinabi ng isang tao(kilala man o hindi) lalo't may malaking ambag / kaugnayan ang kanyang mga tinuran sa ginagawang sulatin o pagpapahayag. May dalawang paraan kung paano ito isinusulat: 1. Sinisipi ang buong pangungusap o talataan at
inilalagay sa ilalim ang pangalan ng nagsabi. Halimbawa: "Kung mataas man ang pasahe sa mga sasakyan, pwede naman silang maglakad na lamang dahil hindi pa namansila pinuputulan ng paa. Kung sa dampa man sila nakatira, sa mumurahin at masikip na entresuwelo kaya o sa mga barungbarong sa mga sulok-sulok ng lungsod, at natutulog man sila sa mga bangketa,sa mga karton o damuhan ng mga parke, ang mahalaga'y may natutulugan pa rin sila at pwede pang gumawa ng bata. Kung nagdaramit pa sila na animo'y basahan, kunh hindi man lahat ay nakapag-aral ang kanilang palaboy-laboy na mga anak, kung ano man ang lahat ng kahirapang ito, ang mahalaga'y nabubuhay pa rin sila kahit ipinagkait sa kanila ng tiwaling lipunan ang karapatang mabuhay na parang tao sa ilalim ng isang tunay na hustisya sosyal."

"Bakit nga ba magagalit pa? Matitiis pa naman, marahil ang lahat, ang lahat-lahat." Mula sa: Bulkang Sosyal ng Bansa
Rogelio L. Ordonez (2000) 2. Ipinapasok ang pangalan ng nagsabi sa
loob ng talataan. Halimbawa: Sinabi ni Rizal sa Noli na, "tayong mga Pilipino'y kagaya ng mga pagong, inuuri ayon sa talukab." Sinopsis(Buod) Maingat na pag-unawa sa tekstong binasa ang ginagawa sa presi. Pinanatili ang pangunahing kaisipan at pananaw ng sumulat ng orihinal. Hindi ito pinapasukan ng sariling opinyon o palagay ng naglalagom. Itinuturing ding isang bersyon ng pinaikling sinopsis o buod
ang prese. Hawig(Parapreys) Nagpapaliwanag ito ng mahirap na
bahagi ng texto. May pagdaragdag
na ginagawa rito upang
maintindihang mabuti ng babasa
ang nilalaman ng orihinal. Ang
paggamit ng magaan at madaling
maunawaang salita ay
inirerekomenda bagama't di dapat
malayo ang pagpapahayag ng mga
kaisipan at pananalita sa
pagpapaliwanag ng nilalaman ng
orihinal. Abstrak Isang maikling lagom ng pinal na papel. Kailangang maglaman
ito ng introduksyon, isteytment ng suliranin, iskop at limitasyon ng pag-aaral, riserts metodo, samari, kongklusyon at rekomendasyon.

Maaaring mabuo ito sa pamamagitanng 500-700 na salita o kaya ay mula sa dalawa hanggang tatlong pahina.

Ito'y isang pahapyaw na pagtukoy sa laman ng bawat kabanata na kapag tiningnan ay mailalantad ang kabuuan ng sinulat bagama't di kongkreto. Ang halimbawa ay ang mga abstrak ng tesis o disertasyon. Halimbawa: Orihinal na teksto. Sinopsis/buod. Ang mga lugar sa
Davao Oriental,
Zamboanga del Norte,
at Surigao del Norte ay
gumagamit ng
Cebuano, bagamat
gumagamit din ng
diyalektong Surigaonon. Gumagamit ng
Cebuano ang Davao
Oriental, Zamboanga
del Norte, at Surigao
del Norte. Halimbawa: Teksto: Prese: Likas sa mga Pilipino ang
pagiging malikhain kaya di
katakataka kung makalikha tayo
ng mga terminolohiyang
maaangkin natin bilang
orihinal na bahagi na ng
ating kultura. Malikhain ang mga Pilipino kaya
nakakalikha ng mga katawagang
orihinal nawikang bahagi ng
kultura. Orihinal na teksto: Halimbawa: Maraming bagay ang maaari nating matutuhan na hindi nangangailangan ng malaking halaga ng salapi. Parapreys:

Hindi kailangan gumasta upang marami
tayong matutunan. Ang Abstrak ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: 1. Pangalan ng mananaliksik. Nakasulat ang buong pangalan ng mananaliksik. Ito'y madalas na nakasulat sa malalaking titik. 2. Pamagat ng tesis. Ang buong pamagat ng tesis ay dapat na nakasulat nang buo at
malinaw. Ito't dapat na aprobado ng mga tagapayo at panelists. 3. Pangalan/Mga pangalan ng tagapayo. Ang buong pangalan ng mga tagapayo ay dapat nakatala
ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang punong tagapayo ang
siyang dapat na nasa unahan ng talaan. 4. Mga layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay nahahati sa dalawa: pangkalahatan at tiyak. Ang pangunahing layuning ng pag-aaral ay nakasulat sa pangkalahatang bahagi, at ang dalawa o tatlong sub-layunin ay nakasulat sa tiyak na bahagi. 5. Metodolohiya. Nakalahad sa bahaging ito ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral, gayundin ang paraan/pamaraan kung paano naisagawa ang pag-aaral. Maging ang instrumentong ginamit ay dapat ding nakatala ng buong linaw sa bahaging ito. 6. Resulta. Ang buod ng kinalabasan ng pag-aaral ay nakalahad sa bahaging ito.
See the full transcript