Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pagbabagong Morpoponemiko

pag-uulat
by Jecs Bunnz on 1 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagbabagong Morpoponemiko

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO A. Kahulugan ng Pagbabagong Morpoponemiko
B. Ang mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon
*Asimilasyong Parsyal o di-ganap
*Asimilasyong Ganap
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin Morpema
*ay pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan.
* Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na
yunit ay yunit na hindi na maaari pang
mahati nang hindi masisira ang
kahulugan nito.
* ito ay maaaring salitang ugat o isang
panlapi. * ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi).
*ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaaring yaong sinundan ng morpema o yaong sumusunod dito.
(karaniwan nang ang sinusundang ponema ang nakakaimpluwensya) Pagbabagong Morpoponemiko [pang-] + paaralan =pampaaralan

[pang-] + dikdik = pambayan Mga Halimbawa: Asimilasyon
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Paglilipat - diin Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ŋ / sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. ASIMILASYON Asimilasyong Parsyal o Di-ganap
Asimilasyong Parsyal o Ganap Uri ng Asimilasyon Ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /ŋ / sa pusisyong pinal ng isang morpena dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.
Ang /ŋ / ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ / dahil sa kasunod na tunog. A. Asimilasyong Parsyal o
Di-ganap Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ / at ito’y ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /ŋ/.
Pansining iisa ang punto ng artikulasyon ng /p,b,m/. A. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap Mga Halimbawa:

[pang-] + paaralan = pampaaralan
[pang-] + bayan = pambayan A. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap Ang huling ponemang /ŋ/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema:
/d, l, r, s, t/ A. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema, B. Asimilasyong Ganap Mga Halimbawa:

[pang-] + dikdik = pandikdik
[pang-] + taksi = pantaksi A. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap Mga halimbawa:

[pang-] + palo = pampalo = pamalo
[pang-] + tali = pantali = panali B. Asimilasyong Ganap B. Asimilasyong Ganap May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita. Mga halimbawa:
Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon:

[pang-] + kuha = pangkuha panguha
[pang-] + tabas = pantabas panabas

(Ang simbolong ay ginagamit upang ipakita na ang dalawang ponema ay maaring magkapalitan) B. Asimilasyong Ganap Yaong hindi ginagamitan ng asimilasyong ganap

[pang-] + bansa pambansa (*pamansa)
[pang-] + luto panluto (*panuto) May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsa, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin
/d/ /r/ 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Mga halimbawa:

[ma-] + dapat = marapat

[ma-] + dunong = marunong 2. PAGPAPALIT NG PONEMA May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [ -an] o [ -an], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/. 2. PAGPAPALIT NG PONEMA lapad + [-an] - lapadan laparan

tawid + [-in] -tawidin tawirin Mga halimbawa: 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Bagamat opsyunal ang pagpapalit, higit na gamitin ang anyong may /r/ sapagkat higit na naaayon ito sa likas na hilig ng tao na gawing lalong madali para sa kanya ang pagbigkas.

Samantala, sa halimbawang
[ma-] + dunong = madunong = marunong 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig.
Bagamat maaaring gamitin ang alinman sa mga salitang madunong at marunong , higit na palasak ang ikalawang anyo sapagkat ito ang lalong magaan at madulas bigkasin 2. PAGPAPALIT NG PONEMA May mangilan-ngilang pagkakataon na ang nabubuong mga salita ay magkaiba ng kahulugan, tulad ng
madamdamin = ‘full of feeling”
maramdamin = ‘sensitive’
Sa ganitong halimbawa, hindi masasabing maaaring magkapalitan ang /d/ at /r/ 2. PAGPAPALIT NG PONEMA /h/ /n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping
/-han/ ay naging /n/.

Halimbawa:

tawa + [ -han] = tawahan = tawanan 2. PAGPAPALIT NG PONEMA /o/ /u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng mga salita. 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Mga halimbawa:

dugo + [-an] = duguan

mabango = mabangung-mabango 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Masasabing ang pagpapalitang ito ng /o/ at /u/ ay sa palabaybayan lamang sapagkat, kung mga ponema ang pag-uusapan, ang ponemikong transkripsyon ng dugo ay maaaring /dugoʔ/ o /duguʔ/.
Malayang napapalitan ang /o/ at /u/ sa pusisyong pantig na pinal ng salita.
Sa katotohanan ay walang nagaganap na pagbabagong morpoponemiko. 2. PAGPAPALIT NG PONEMA Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ng /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon. 3. METATESIS Mga halimbawa:
[-in-] + lipad = nilipad
[-in-] + yaya = niyaya

May gumagamit din ng linipad at yinaya ngunit higit na gamitin ang nilipad at niyaya 3. Metatesis May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon ng dalawang ponema
3. Metatesis Mga halimbawa:

atip + [-an] - atipan = aptan

tanim + [-an] - taniman = tamnan 3. Metatesis Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito. 4. PAGKAKALTAS NG PONEMA Mga halimbawa:

takip + [-an] = takipan = takpan
sara + [-an] = sarahan = sarhan 4. Pagkakaltas ng Ponema May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig patungong unahan ng salita. 5. PAGLILIPAT - DIIN Mga halimbawa:

basa + [-hin] = basahin

[ka-] + sama + [-han] = kasamahan

Laro + [-an] = laruan (lugar) 5. Paglilipat ng diin
See the full transcript