Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Retorika

No description
by robin cabrera on 12 October 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Retorika

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN


1. May tiyak at kawili-wiling paksa
- Dapat isaalang-alang ang isang kawili-wiling paksa
upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa sa isang pahayag na paglalarawan.

2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
- Upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang pahayag
ay dapat itong magtaglay ng wasto at angkop na pananalita.

3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
- Ang isang mahusay at epektibong paglalarawan ay dapat may malinaw
na pagbuo sa mga larawang nais ipakita upang mas maunawaan ng mga mambabasa
ang nais ilarawan ng pahayag.

4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.
- Kailangang may orihinal na pananaw sa paglalarawan upang
maipakita ang mga mas malalim na gustong ipahayag sa mambabasa.
Pahayag na Naglalarawan o Deskriptiv Mga Uri ng Paglalarawan

PAGLALARAWAN
Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.
Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao o bagay. Impresyunistikong nagpapakita ng pansariling pananaw lamang ng sumulat. Obdyektibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na dato, mga illustration at dayagram.

Iba't Ibang pananaw na magagamit:

A. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
B. kung nasa loob o labas
C. ayon sa sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng
karanasan ng ibang tao.
D. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang
narinig o nabasa.

5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam:
-Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.

6. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
- Ang mga kaisipan ay dapat magkakaugnay at hindi nagkakalayo sa paksa.

7. May tiyak na layunin sa paglalarawan
- Ang layunin ay dapat maipakita sa paglalarawan upang maging mabisa ang pahayag.





1.Karaniwan o konkretong Paglalarawan
layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa
pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan,
naipakikita ang fisikal o konkretong katangian. Higit na binibigyang - diin sa paglalarawang ito
kung ano ang nakikita at hindi and nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
2. Masining o abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang patalinhaga.
Mga Halimbawa ng Masining o Abstratikong Paglalarawan:
1. Paglalarawan sa Tao
- ... sapagkat si Susana'y mukhang angel ng
kagandahan sa kanya... (Talulot sa pagas na
Lupa - Landicho)

2. Paglalarawan sa Damdamin
- ...punung-puno ng nakatatakot na larawan ang
kanyang ulo. (O Pangsintang labis - Tumangan)

3. Paglalarawan sa Bagay
- ... ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang
kapangyarihang nalalamon... (Makina - Marisa)

4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar
- sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman
nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki.
(Kasalan sa Malakaing bayan - Pineda)
Ang Pang-uri Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay. Kayarian ng pang-uri
May apat na anyo ang mga pang-uri.
Ito ay ang mga sumusunod:
Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
Kaantasan ng Pang-uri Lantay
Ito ay kung tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tinuturingan.
Halimbawa: mayamang lahi, masipag na ama

Pahambing
Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa: mas magaling, mas malakas, higit na mabilis

Magkatulad
Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing
Halimbawa: kasingpalad, singganda, magkasinggaling


Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisiumula sa d, l, o, r, s, t ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.
Halimbawa:
Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.

Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.
Halimbawa:
Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark.
Di-magkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng:
tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa:
Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.



Pasukdol

Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat.
Gamitin ang sumusunod na paraan:
Pag-uulit ng pang-uri na inuugnay ng, na at nang.
Halimbawa: pabait nang pabait, mababaw na mababaw
pamura nang pamura
Paggamit ng panlaping nag, napaka, pinaka, an at han.
Halimbawa: nagtataasan, napakabait , pinakamabait
Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunay.
Halimbawa:
masyadong malaki, lubhang mainit, talagang mabait
Paggamit ng mga pariralang: ubod ng, reyna ng, at hari ng , hari ng yabang, ubod ng sipag, reyna ng kagandahan.


Uri ng Pang-uri

1. Pang-uring panlarawan
Ang mga likas na pamng-uring nagpapakilala ng
katangian ng pangngalang binibigyang-turing.
Halimbawa:
matayog na pangarap
malapalasyong bahay

2. Pang-uring pamilang
Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng
binibigyang-turing na pangngalan o panghalip.

Maaring tiyak o di-tiyak.
Halimbawa:
di-tiyak: mga, marami, kaunti
tiyak: dalawa, isa, sampu, tig-apat


URI NG PANG-URING PAMILANG

Patakaran o Kardinal
Ito ay gamit sa bilang o dami
Halimbawa:sandaan, sanlibo

Pamahagi
Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.
Halimbawa:
Kalahati, bahagdan (1/100), kaapat (¼)

Pahalaga
Ito ay nagsaad ng halaga ng mga bagay.

Palansak
Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.
Halimbawa: dala-dalawang bata, pito-pitong dahon

Panunuran
Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.
Halimbawa:
Una, ikalima/ika-5, pangalawa, ikasiyam/ika-9
Kailanan ng Pang-uri

A.Isahan
Karaniwang payak ang pang-uri at nagpapakilala sa tulong ng pamilang ng isa, mga panghalip na isahan at ng panandang ang at si.
Halimbawa:
Isang masipag na magwawalis si Mang Tasyo.


B.Dalawahan
Nakikilala ito sa pang-uring pamilang na dalawa: sa paggamit ng unlaping magsing-, magka-, magkasing-, at ng iba pang unlaping kapwa, kambal, at iba pa.
Halimbawa:
Kapwa masipag ang mag-asawang Tomas at Nena.

C.Maramihan
Ginagamitan ito ng panandang pangmaramihan tulad ng: mga; ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng: tatlo, sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring inuulit ang unangpantig ng salitang ugat tulad ng: magaganda, ang yayaman, at iba pa.
Halimbawa:
Himbing na himbing pa ang mga taga-baryo.
Wakas.
See the full transcript