Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

SIBIKA.

No description
by Sandra Flauta on 15 January 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of SIBIKA.

Ang kasalukuyang kalagayan ng kabuhayan ng bansa ay bunga ng iba't-ibang yugto ng kasaysayan ng pinagdaanan ng mga Pilipino. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng kabuhayan ng Pilipinas sa maraming bahagi. Kasaysayan ng Ekonomiya ng Bansa Noong una, dinarayo ang dalampasigan ng Pilipinas ng mga sasakyang pandagat ng mga mangangalakal ng Asyano. Dala nila ang mga produkto mula sa iba't-ibang bansa sa Asya na ipinapalit naman nila sa mga produkto mula sa Pilipinas. Sinasabing ang mga Pilipino ay nagtutungo sa mga sasakyang pang dagat ng mga dayuhan upang kumuha ng mga produktong naiibigan nila. Bumabalik naman diumano ang mga ito dala ang mga pamalit ng produkto, tulad ng pulot pukyutan at kabibe. Ari-arian Ang lupang kinatitirikan ng mga tahanan ay ari-arian ng barangay. Maaaring magtanim sa lahat ng dako ng mga lupain ngunit mahalaga ang pagsangayon ng datu ng barangay. Panahon ng mga Espanyol Naglunsad sila ng iba't-ibang programang pang kabuhayan sa bansa. Ang mga programang ito ay pawang pabor sa interes ng mga mananakop. Sinasabing noon pa man ay may mahalagang papel na ang mga Tsino sa kabuhayan ng bansa. Ang mga tsino ay naninirahan na sa Pilipinas sa pag dating ng mga Espanyol. Sila ay pinagbawalang pumasok sa Intramuros, ang napapaderang lunsod ng Espanyol. Gayumpaman, patuloy silang naging mahalagang bahagi ng kabuhayan noon. Malaking bahagi ng kita ng lungsod ay galing sa ibinabayad nilang buwis noon, sa kabilang pagmamaliit sa kanila ng mga Espanyol. Produksyon Sapat lamang para sa pansariling pangangailan
ng barangay ng nilikha ng mga tao. Nagsimula
lamang silang lumikha ng mas higit sa kailangan
nila nang magsimula ang barter o palitan ng
mga produkto. Sistemang Encomienda Sa panahon ng kanilang pananakop inangkin ng mga Espanyol ang mga lupain ng mga Pilipino. Hinati nila ang mga lupain sa mga Espanyol na naninirahan sa bansa, sa mga principalia, mga dating datu at sa mga tagakolekta ng buwis. Nawala ang kalayaan ng mga Pilipino na gamitin ang kanilang mga lupain sa nais nila. Bilang gantimpala sa mga Espanyol na nakapagsilbi ng mahusay sa kaharian ng mga Espanya, ngayon din sa mga Pilipinong kasapi ng principalia pinagkalooban sila ng mga lupain kung saan ang mga nanirahan ay nagbabayad sa kanila ng buwis. Ang sistemang ito ay tinawag na encomienda. Tumagal ang sistemang encomienda mula ika-16 hanggang ika-17 ng siglo. Ipinatigil ng hari ng Espanya ang sistemang ito dahil sa ilang pagmamalabis ng ilang encomiendero sa mga taong nasasakupan nila. Pakikipag-ugnayan sa mga Karatig-bansa Kalakalang Galyon Kalakalang Galyon ang tawag sa palitan ng mga produkto ng Mexico at Maynila. Hango ang ngalang ito sa sasakyang galyon na ginamit sa pagdadala ng mga produktong nag mula sa Pilipinas patungong Mexico at Espanya. Tumagal din ang kalakalang ito nang may dalawa at kalahating siglo. Monopolyo sa Tabako Sa ilalim ng administrasyon ni Jose Basco, inilagay ang lalawigan ng Marinduque, Ilocos, Nueva Ecija, at Cagayan sa maramihang pagtatanim ng tabako. Ang mga nasabing lalawigan ay pinakamainam na pagtaniman ng nasabing produkto. Bawat pamilya ay pinagtanim ng tabako sa kanilang lupain at sila ay tinakdaan ng dami ng tabakong dapat maani at maipagbili sa pamahalaan. Ngunit katulad ng ibang programang pangkabuhayan, naging ugat ito ng pang-aabuso dahil sa pagpapatupad ng bandala o ang sapililitang pagbebenta ng mga produkto sa pamahalaan. Hindi maaaring ipagbili ang tabako sa iba maliban sa pamahalaan kaya kontralado nito ang presyo. Pinatindi pa ito ng mga abusadong pinuno at ang mga madayang timbangan. Administrasyong Aquino III Compania Real de Filipinas Noong 1785, sa pamamagitan ng kautusan ng hari ng Espanya, itinatag ang samahang nagbukas ng tuwirang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas. Ito ay Compania Real de Filipinas. Ang puhunang ginamit nito ay mula sa mga isinosyo ng mga bangko, kompanya, at pribadong indibidwal sa Espanya. Maging ang hari ng Espanya at iba pang bansa. Nang lumaon, pinatigil rin ito dahil sa pagkalugi dahil sa maling pamamalakad. Isa ring dahilan ay ang pagkiling ng mga mangangalakal sa mga produktong mula sa Mexico at ibang bansa sa Europa kaysa sa mga produkto ng Espanya. Nakatulong naman ang Compania Real de Filipinas sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan. Panahon ng mga Amerikano Sa mga Amerikano nagmula ang sistemang kapitalismo na umiiral ngayon sa Pilipinas. Sa ilalim ng sistemang kapitalismo, maraming kalayaan ang tinatamasa ng mga namumuhunan. Malaya ang pagtatayo ng alin mang uri ng negosyo, basta legal at naaayon sa batas. Malaya nilang naitatago ang kanilang tubo. Sa panahon ng pananatili nila sa Pilipinas na umabot sa halos kalahating siglo, maraming pagbabago ang nagawa ng mga Amerikano sa kabuhayan ng bansa. let us study
about economics! for watching! Thank you Sa pagsisimula ng kanyang termino, nag-iwan siya ng pangako sa mga pilipino na ihahatid niya ang bansa sa matuwid na daan.Isasa mga inumpishang niyang pagbabago na ikinabigla ng lahat ay nang ipagbawal niya ang paggamit ng "wang-wang" o sirena sa mga sasakyan.ipinagbawal ang sirena pulis escorts ng diplomatic corps, VIPS at mga pulitiko. ito ay isang halimbawa na ang lahat pantay-pantay. Una sa plataporma ng Administrasyong Aquino III. Ang mabigyan ng trabaho ang maraming bilang ng mga Pilipino dahil sa naniniwala siya na nanggaling sa trabaho ang tunay na paglago ng ekonomiya ng bansa. Sa kanyang unang SONA o State Of The Nation Address, ninanais niya ang isang batas na magbibigay-buhay at magbibigay ng pagkakataon sa Small- at Medium- scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ekonomiya. Administrasyong Roxas Dahil sa katatapos lamang ng ikalawang Digmaang Pangdaigdig, kailangan ng bansa ang tulong ng pinansiyal na inaasahang nilang manggagaling sa Estados Unidos, bukod pa ito sa kanilang bayad-pinsala para sa pagkasira ng bansa dahil sa digmaan.

1, Bell Trade Act Nagtadhana ito ng malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, ngunit hindi naging pantay ang mga kondisyong nakapaloob dito. Walang kota para sa produktong inululuwas ng Pilipinas sa Estados Unidos. 2. Parity Rights Amendment Nagtadhana ito ng pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa paglinang at paggamit ng mga likas na yaman ng bansa. Administrasyong Quirino Matindi ang problema sa pagitan ng pamahalaan at samahang HUKBALAHAP sanhi ng problema sa lupa. ilan sa mga hakbang na isinagawa niya ay ang pagtatag ng mga bangkong rural sa layuning matustusan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pautang. Pinasigla rin niya ang pagtatayo ng kooperatiba sa layuning matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang mga aning palay. Ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga tao sa pamamagitan ng radyo. Administrasyong Magsaysay Nagpatayo siya ng mga daan at poso para sa mga magsasaka.Nagpadala rin siya ng mga tauhan sa baryo para magbigay ng tulong-teknikal sa mga magsasaka. Sa panahon din ng kanyang panunungkulan, naaprobahan ang Agriculture Tenancy Act kung saan pinahintulutang mag-usap at magkasundo ang magsasaka at may-ari ng lupa sa kanilang magiging hatian at patakaran sa pagsasaka sa lupain sa pagsasaka ng lupain.

Sa panahon ni Magsaysay naipasa ang Laurel-Langley Act nalalong nagpalawak sa karapatan ng mga Amerikano upang linangin ang ating mga yamang likas. Ang pinakamahalagang nagawa ni Pangulong Magsaysay ay ang panunumbalik ng kapayapaan dahil sa pagsuko ng mga lider ng HUKBALAHAP at pagsuko nila ng kanilang armas.
Administrasyong Garcia Nilinang ni Pangulong Garcia ang pagiging makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mamamayan na tangkilikin ang sarili nating mga produkto.Inilunsad niyaang programang "Pilipino Muna" o Filipino First Policy na nagbigay ng higit na maraming mga pagkakataon sa mga Pilipinong mamumuhunan na mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan.Itinatag niya rin ang Pilipino Retailer Fund Act (1955) na nagpa-utang sa mga Pilipino at ang National Marketing Corporation Act (NAMARCO) na naglayong magtutos sa mga maliliit na mangangalakal na Pilipino. Binuwag niya rin ang kartel sa pag-aangkat ng mga produkto. Administrasyong Macapagal Sa panahon ng Aministrasyong Macapagal, nagwakas ang bisa ng Parity Rights Amendment, ngunit napalawak naman ang kasunduan ng Laurel-Langley, kung saan ang mga Amerikano ay pinayagang palawakin ang kanilang karapatan sa pagsali sa lahat ng negosyo sa Pilipinas. Ito ay itinadhanang tatagal sa loob ng 28 na taon o hanggang 1974. Sa ganitong sistema hindi na nahihirapan ang mga magsasaka malaya na silang itanim ang produktong nais nila. Administrasyong Marcos Ang pagkahalal niya sa ikalwang pagkakataon ay katunayan lamang na kinalala ng taong-bayan ang kanyang husay na ipinakita sa pamumuno. Marami siyang naging proyeckto na tunay na pinakinabangan, lalo na ng mga mahihirap. Ilan dito ang elektripikasyon, patubig, irigasyon, kalsada, at komunikasyon na nakatulong upang maganyak ang pagpasok ng mga namumuhunang dayuhan.
Ang pagpapatayo ng gusali tulad Folk Arts Theater (ngayon ay Tanghalang Francisco Balagtas), Cultural Center Of The Philippines, Philippine International Convention Center, at iba pa ay mga proyektong unang itinaguyod ni unang Ginang Imelda Marcos. Ang reporma sa lupa ay na inilunsad sa panahon ni Marcos ay isa ring malaking hakbang tungo sa magandang kalagayan ng mga magsasaka. Dito kasi nagmula ang paghahati ng mga palayan at maisan sa mga kasama o magsasaka sa lupa. Sa kabilang banda, naging problema ng kanyang Administrasyon ang pagbabayad ng lumalaking utang ng bansa. Isinisi rin sa pangulo ang katiwalian sa pamahalaan, pagmamalabis ng kanyang mga crony, paggamit ng terorismo, pananakot ng kanyang tauhan,at ang talamak ng kahirapan. Administrasyong Aquino Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino naging malawakan ang programa ng pamahalaan reporma sa lupa. Nakilala ito sa taguring Batas sa malawakang Reporma sa lupa. Hindi lamang mga palayan ang isinailalim dito, maging ang taniman ng mais, tubo, at niyog, gayundin ang mga palaisdaan at sugpuan. Ipinagutos din niya ang pagbabalik sa mga itinuturing na ilegal na yaman ngpamilya Marcos at kanyang mga crony sa pamahalaan. naging maluwag din ang pamahalaan sa pagpasok ng mga dayuhang produkto dahil sa pag-iral ng programa ng liberalisasyon. Ito ay nagdulot ng kompitensya ng mga angkat na produkto at produktong lokal Administrasyong Ramos Ipinagpatuloy ni Pangulong Fidel Ramos ang programa ng liberalisasyon ng Administrasyong Aquino. Pinayagan ng kanyang pamahalaan ang pagpasok sa bansa ng maraming bangkong dayuhan. Nagkaroon din ng regulasyon sa industriya ng eroplano, telephono, at langis, kaya nabawasan ang monopolisasyon sa maraming larangan ng negosyo. Naglaan din ang pangulo ng malaking bahagi ng panahon sa pagdalaw saiba't-ibang bansa sa daigdig Sa layuning maakit ang mga dayuhan upang mamuhunan sa Piipinas. Administrasyong Estrada Bagaman hindi natapos ni Pangulong Estrada ang kanyang panunungkulan dahil sa EDSA II, nakagawa rin siya ng maraming bagay para sa mahihirap. Napalakas niya ang pambansang komisyon laban sa kahirapan. Nakapagpagawa siya ng maraming pabahay, mga tulay at daan, patubig at iba pang estruktura. Pinalakas din niya ang kampanya laban sa mga krimen organisadong sindikato. Nailunsad din niya ang linis bayan na naglalayong maging kaagapay ng bansa ang mga pribadong kompanya sa pagpapaganda ng paligid ng Metro Manila. Sa ilalim ng proyektong ito, itinakda ang mga partikular na lugar na napasailalim sa pangangalaga ng mga kompanya na pipili at magbibigay ng pasahod sa mga indibidwal na maglilinis at magpapaganda sa mga nasabing lugar. Administrasyong Arroyo Pumalit bilang pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo ayon sa itinadhana ng Konstitusyon. Ang pangangasiwa ni Gloria Macapagal-Arrayo sa pamahalaan upang tapusin ang termino ni Joseph Estrada ay naging maayos naman. Gayunpaman, ang kanyang pamumuno bilang pangulo ng bansa matapos ang eleksyon noong 2004 ay napuno ng mga balakid. Una ay bunga ng pag-amin niya sa pakikipagusap sa sang opisyal ng Commision on Electronics (COMELEC) kaugnay ng resulta ng halalan. Ang pakikipag-usap niya ay nakapaloob sa isang tape. Kiniala si COMELEC Commisioner Garcilliano na kanyang kausap . Ilan sa programa ng kanyang administrasyon ay ang mga sumusunod: 1. Pag-aproba sa Revise Value-added Tax. 2. Pagpapagawa ng mga daan at tulay. 3. Karagdagang trabaho taon-taon. 4. Pakikiugnay sa ibang bansa. Presented by:

Group 3
See the full transcript