Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Teknik sa Pagbasa

Iskiming, Iskaning
by John Christian Malabanan on 19 January 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Teknik sa Pagbasa

(Iskiming at Iskaning) Mga Teknik sa Pagbasa John Christian C. Malabanan Iskiming (Skimming) - ito ay isang teknik ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung dapat o di dapat basahing mabuti. - gayundin, kung hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang impormasyon ng materyal na magagamit sa isinasagawang proyekto na siyang nilalayon ng pagbasa. Mga hakbangin sa pag- iiskim
a. Prebyuwing (Previewing)
b. Sarbeying ( Surveying)
c. Oberbyuwing (Overviewing) A. Prebyuwing (Previewing) - pag- iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu tungkol sa paksang sasaliksikin. - pagsasaisip ito ng mga opinyon tungkol sa materyal na babasahin, kasama ang pagtataya sa pansariling interes at kaligiran ng paksa. - sa hakbang na ito maari nating maitala ang bahaging naglalaman ng hinahanap nating impormasyon, gayundin, ng lahat ng kinakailangang impormasyon mula sa isang babasahin. B. Sarbeying (Surveying) - pagtingin sa iba't- ibang bahagi ng aklat upang madetermina kung may kaugnayan o wala ang nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na paksa, sa gayon, masinsin itong basahin sakaling mayroon. Binabasa ang mga sumusunod:
- deskripsiyon, maiiklling rebyu o rekomendasyon sa pabalat.
- paunawa ng pabliser sa dyaket
- impormasyon hinggil sa pagkakalimbag at awtor
- paunang salita at pambungad
- talaan ng nilalaman sa mga unang pahina
- indeks sa mga huling pahina
- pamagat ng mga tsapter, mga litrato at kapsiyon nito, drowing, tsart, at iba pa. C. Oberbyuwing (Overviewing) - dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang natunghayan sa ginawang pangkalahatang sarbey. Iskaning (Scanning) - ay isang uri ng pagbasa na nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. - ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. - nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. - mahalaga ito kapag nagrerebyu na hindi na kailangang basahin lahat ang detalye, hindi para unawain ang lahat ng sinasabi, iyong makuha lang ang salita, ang bilang o ang ideya sa pahina ay sapat na. WAKAS NG PAG- UULAT salamat...
See the full transcript