Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Sanaysay

Isang pag-uulat sa mga katangian at saklaw ng sanaysay.
by Anthony Ferma on 5 October 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Sanaysay

Ikalawang Grupo deVilla.DelRosario.Ferma.SanJuan.Tan Sanaysay Depinisyon Alejandro G. Abadilla Mula sa depinisyon ni... - makata't mananaysay "pagsasalaysay ng
isang sanay" Kasaysayan Mga Bahagi at Sangkap Isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan.
Karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
Komposisyon itong taglay ang tatak ng panlasa at hilig, reaksyon at palagay, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat may akda. Mga Uri Maanyo o Pormal
vs
Pamilyar o 'Di-Pormal Ito ay Maanyo o Pormal kung... Maanyo o Pormal Layunin ng uring ito ang magpaliwanag at magturo para sa kagalingang-isip at moral ng mga mambabasa. pangkaisipan
mahirap itong basahin
ikatlong panauhan at mapamitagan
ang tono ay seryoso, paintelektuwal, walang halong pagbibiro.
nakakapamigat ng pihik-mata dahil matataas at hindi pang-araw-araw ang ginagamit na pananalita.
nagpapabatid ng mahahalagang kaalaman sa lohikal at masining na paglalahad ng mga impormasyong dito ay tinatalakay
ang mananaysay ay hindi rin nagpapakita ng personal niyang damdamin at pananaw kaya ito'y obhektibo. Pamilyar o 'Di-Pormal Layunin ng uring ito ang manguha ng simpatya o empatya upang manghikayat ng pananalig ng mga mambabasa.
Nanggaganyak din ito ng tuwa, nanunudyo sa mga kakatwa at nang-uudyok ng galit sa madla. karaniwan at ayon sa gusto lamang o hilig o karanasan ng mananaysay ang mga paksa nito
palagayan kung ilahad ito sa unang panauhan na ang tono ay parang nakikipag-usap lamang bilang kaibigan ang may-akda sa mga mambabasa
madali itong intindihin dahil ang ginagamit na mga salita ay pang-araw-araw, kolokyal pa pagkaminsan, kaya pamilyar din ang modo nito
sariling paniniwala at damdamin ng may-akda ang panaiiral o iginigiit dito kaya napakasubhektibo o mapangatig Ito ay Pamilyar o 'Di-Pormal kung... (Impersonal) (Personal) Magbigay-kaalaman at
magdulot ng aliw. Parehong naglalayong... Ito ay Maanyo o Pormal kung... Bahagi ng Sanaysay Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda Katawan - sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay Wakas Sangkap ng Sanaysay Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay mabilis ang utak
sensitibo sa kapaligiran
may laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at ng mga bagay-bagay
may kakayahan manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas laman
malikhain at orihinal sa isip at damdamin
may mapiling panlasa
may kalugurang mapagkakatiwalaan
may kabatiran sa mga kaalaman makabago hinggil sa makataong kapakanan
pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining
may kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa Mga Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay Ating pag-isipan... Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag Panitikan Filipino: Pampanahon Elektroniko, Binagong Edisyon nina Jose A. Arrogante, Erlinda M. Dizon et. al.
Panitikan Filipino: Antolohiya, Binagong Edisyon nina Jose A. Arrogante, Nunilon G. Ayuyao, Vilma M. Lacanlale
Sanaysay, Okt 17, 2007, kinuha mula sa http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/20/Sanaysay?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem Sanggunian: Pinaniniwalaan din ni Montaigne na magkakatulad ang panaligan ng mga makataong katangian na ang isang malalim na subhektibong pagtuklas ng sariling kaisipan ay tulad ng pagharap ng isang salamin sa mundo para rito makita ang sariling imahen. Datapwat ang sanaysay kung pakalilimiing gaygayin ang kasaysayan at pagsusuriin ang mga taglay nitong katangian at kaanyuan, mauugat ito sa sibilisasyong Greyego, Romano, at iba pa. Tunghan ang tesis, diskurso, at iba pang mga akda ng mga batikang manunulat nila noon. Ang panunuri at panagubiling pampanitikan nina Aristotle at Horace ay komposisyon kung tagurian sa wikang Latin ay “oxageum”. Ang kaibahan lamang ng tinuklas ni Montaigne ay ang palagayang paglalahad niya nito. Magkagayunman, makalipas ang isang dekadang muli itong isinilang sa Pransya, hinuwid ito ni Francis Bacon ng Inglatera na tulad ng kina Aristotle at Horace na napakaobhektibo, napakaseryoso at napakaaral-na-aral ang pagkakatalakay sa mga paksang sinulat.

Punung-puno ng mga praktikal na pagpapayo sa mga panlipunan at pampulitikang bagay at tuyung-tuyo ang pagkakalahad. Tuloy, sa kadahilanang ito, tinagurian siyang ama ng maanyo o pormal na sanaysay. Samantala, halos magkasabay ang pagkakalipat nito sa Amerika at Pilipinas. Sa una, si Washington Irving ang nag-umpisa noong 1819 sa kanyang Sketch Book.
Dito sa atin, si P. Modesto de Castro, ang tinaguriang ama ng panitikang klasiko sa tuluyan, noong unang hati ng siglo 19, sa kanyang Urbana at Feliza. Nobela nang ito’y kanyang ipakilala. 1819 Wala siyang kamalay-malay dahil pawang mga liham lamang ng magkaibigang magkakalayo ay nagkasulatan para magkabalitaan, na ang mga ito ay mga sanaysay na kung tawagin ay epistolaryong sanaysay. Ang uring ito ay makikita sa mga aklat ng Bibliya ng mga apostoles. Samakatuwid, sadyang malaon nang isinulat ang uring ito ng panitik. Masigasig at mapanuto, kawili-wili at kapaki-pakinabang, mapangaral at mapanggabay ang mga liham na iyon nina Urbana at Feliza.

Gayun din ang mga liham ni Jose Rizal sa kanyang mga kaibigan, mga katalo, mga kung sinu-sinong iba’t-ibang tao. Ito’y sa ikalawang hati na ng siglo 19. Pormal ang kanyang mga pananalita, pinag-aralan niyang mabuti ang mga paksa, sinaliksik niya ang mga kaalaman, tinimbang-timbang niya ang mga kuru-kuro. Mga tunay na sanaysay sa anyo at nilalaman ang kanyang mga liham.
Samakatuwid, ang sanaysay bilang sangay ng panitikan ay nabuhay sa Pilipinas noong huling siglo ng pananakop ng mga Kastila.
Sumulong ito nang dumating ang himagsikan. Una, laban sa mga Kastila. Pangalawa, laban sa mga Amerikano. Mga Filipinong Mananaysay Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." Habang patuloy ang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng liham sa mga taong interesado sa kalagayan ng Pilipinas, si Jose Rizal ay sumama ring nakipropaganda kina Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena sa pahayagang La Solidaridad na itinatag ng una. Hindi na paliham ang naging anyo nito ng sanaysay kundi patudling. Gayun din sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan. Sa pamamagitan ng kanilang mga patudling na sanaysay, naibulalas nila ang mga hinaing at mga layunin ng pakikibaka. Mangyari pa, sa pamamagitan ng kanilang mga panulat, nagkiskis ang isip, nagsindi ang galit, at nagsiklab ang lakas ng pagkakaisa ng bayan sa tawag ng nasyonalismong ipaglaban ang kalayaang-Pilipino. Jose Rizal Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle. Marcelo H. del Pilar Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle. Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino. Graciano Lopez Jaena Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices. Nick Joaquin Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa. Jose Garcia Villa Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. N.V.M. Gonzales Lope K. Santos Pambansang Alagad ng Sining ng Manunulat/Mananaysay Ang paghihimagsik laban sa mga Amerikano ang nag-udyok naman kay Apolinario Mabini upang sumulat ng mga sanaysay. Ang pamahayagan ay muling naging instrumentong mamuna, manudyo, at mang-udyok ng kinauukulan. Ang unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano (1901) ay itinatanggi rin sa kasaysayang isang yugto ng panunupil lalo na sa karapatang-pamamahayag. Ang isa sa mga itinuturing na subersibong diyaryo ay ang El Nuevo Dia na pinamatnugutan ni Sergio Osmeňa sa Cebu. Naging pangunahing sandata ito ng pakikibaka bilang pahayagang makabayan. 1901 Amado V. Hernandez Isang makata, nobelista, mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril. Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at supling nina Juan Hernandez at Clara Vera. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakamit ang titulong batsilyer sa sining. Nagsimula bilang peryodista, at pagkaraan ay naging editor, si Hernandez sa mga pahayagang gaya ng Watawat, Pagkakaisa, Makabayan, Sampaguita, at Mabuhay Extra. Sumapi siya sa Akademya ng Wikang Tagalog at Manila Press Club noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at naging tiktik para isulong ang paghihimagsik. Nahirang siyang konsehal noong 1945, at nahalal noong 1947. Nakilahok siya sa kilusang manggagawa noong dekada 1940–1950, at kinatawan ang mga mamamahayag sa Congress of Labor Relations (CLO). Noong 1947, nahalal siyang pangulo ng CLO ngunit nabilanggo naman siya noong 1951 dahil sa paratang na pagiging subersibo. Pinalaya siya noong 1956, at napawalang sala nang ganap noong 1964. Muling pumalaot sa peryodismo si Hernandez, at naging kolumnista sa Taliba noong 1962–1967, at editor ng Ang Masa. Nahalal si Hernandez na ikalawang pangulo ng Aklatang Bayan, ang pinakamalaking samahan ng mga manunulat na itinatag noong bago magkadigma; Nakipagbalagtasan siya sa pahayagan at kinalaban ang tarikang si Jose Corazon de Jesus. Mga Aklat Mga Sanaysay Kayumanggi at iba pang Tula' (1940);
Isang Dipang Langit (1961);
Bayang Malaya (1969);
Ibong Mandaragit (1969);
'Luha ng Buwaya (1972);
Muntinlupa (1957);
Hagdan sa Bahaghari (1958) Si Atang at ang Dulaan
salem'
Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay Amado V. Hernandez kinuha mula sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Amado_V._Hernandez Sa Maynila, isinirkula naman ang El Renacimiento. Pinamatnugutan naman ito ni Rafael Palma. Nagkaroon pa ito ng paglalathala sa wikang Tagalog, ang Muling Pagsilang. Matatapang ang mga nalathalang patudling na sanaysay rito. Katunayan, isa na rito ang di-makakalimutang Aves de Rapiňa na tumutuligsa sa oksploytasyong ginawa noon ng mga Amerikanong opisyal at mangangalakal kaya ito ay naging usapin sa hukuman sa kasong paninirang-puri o libel. Dalawa ang naging pangkat ng mga mananaysay noong panahon ng Amerikano:
> ang henerasyong dekada 20 na hindi pa gaanong marurunong sa Ingles kaya mahihina ang pambansa nitong kahalagahan; at ang
> henerasyong 30 hanggang magkagiyera na naging magaan na ang pagsulat sa wikang Ingles dahil natuto nang mabuti ang ilan kaya nakilala na sa tulong ng Literary Apprentice ng Pamantasan ng Pilipinas at ng mga magasing Free Press, Graphic, at iba pa. Kabilang sa una sina Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Julian Cruz Balmaceda, Iňigo Ed. Regalado, atbp. Sayang at mahirap nang makakuha ngayon ng kanilang mga sinulat dahil karamihan nito ay nawala nang wakasin ng giyera ang National Library.

Ang mga kilala naman sa ikalawa ay sina Carlos P. Romulo, Vicente M. Hilario, Salvador P. Lopez, Francisco Icaciano, atbp. Sa kalahating dekada namang ipinanakop ng mga Hapon (1941-1945) sa pangunguna ni Kinichi-Ichikawa, ang sanaysay ay tinangkang mapaibayo sa wikang Tagalog. Anumang impluwensiya ng mga Amerikano ay ibig nilang burahin sa isipan ng mga Pilipino. Anupa’t sa paglukob nila sa Pilipinas, para isipin ng mga Pilipino na sadyang mabuti at para sa tunay na ikauunlad ng bayan ang kanilang panghihimasok at nang ganap na pagtiwalaan ang platapormang kanilang ipinasusunod, ang wikang Tagalog ang opisyal nilang ipinagamit. Sumikat ang Liwayway. Sa mga dahon nito, gintong itinala ang panitikang Tagalog. Dito nakilala sina Maria Luna, Lina Flor, at Maria Mabahanglad bilang mananaysay sa paninitik. 1941 Natapos ang digmaan. Nanauli ang kalayaan. Nagbalik ang kasiglahan ng buhay. Patuloy na dumaloy ang “Isip-Pinoy.” Ang mga naging karanasang walang kasing kukulay ay nangailangan ng iba’t ibang sangay ng panitikan para maisalaysay. Ang sanaysay ay isa sa mga naging hanayhayang tunghayan ng kamalayan. 1945 Sa huling hati ng dekada 40 (1945-1950), ang sanaysay ay lumuklok sa trono ng lugod ng mga mambabasa. Marami ang napabilang sa listahan ng mga batikang mananaysay
- Teodoro A. Agoncillo, Alejandro Rufino, Liwayway A. Arceo, Brigido C. Batungbakal, Manuel Principe Bautista, Genoveva D. Edrsa, Alfredo S. Enriquez, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Narciso G. Reyes, Trinidad Tarrosa Subido, Fernando Monleon, Gregorio Garcia, Florencio Garcia, Antonio B. L. Rosales, Apolonio C. Arriola, Epifanio Isar. Matute, Pablo R, Glorioso, at marami pang iba. Naging mapangako ng maluwalhating wikang Tagalog, kundi gayun din sa Ingles. Kabilang sa huling ito sina Leon Ma. Guerrero, Jose P. Laurel, Benjamin P. Dionisio, Leopoldo Y. Yabes, Alfredo Gonzales, Pascual R. Ricardo, Godofredo Rivera, at iba pa. Dumagsa ang mga nailimbag na kathang sanaysay nang lumaong pagsulong ng panahon mulang 1950 hanggang sa kasalukuyang dekada. Ito’y sa mga anyong kalipunan – Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat Sa Aming Sulok ni Paraluman Aspiras, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza, Bato Sa Katedral nina B.S. Medina et. al., Laging May Bituin ni Gemiliano Pineda, at iba pa; sa mga inilakip sa mga aklat-pampaaralan at magasin; sa koleksyon ng mga organisasyong pampatimpalak at mga institusyong nagpapatimpalak – Carlos Palanca Awards for Literature, Gawad Surian, at iba pa. Anupa’t sa mga paaralan ngayon, ang pag-aaral sa pagsulat at pagbasa ng sanaysay ay kabilang na sa kurikulum. Mangyari pa, ang kalaganapan para makilala at mapahalagahan, makalugdan, at maitaguyod ang sangay na ito ng panitikan ay nasa ibabaw na ng kamalayan ng halos lahat. Samakatuwid, ang sanaysay ay mananatili at magpapatuloy sa panulat ng henerasyon ngayon at ng mga susunod pa. Setyembre 21, 1972, ang dating Presidente na si Ferdinand Marcos ay nag deklara ng Batas Militar. Binigyan niya ang kanyang sarili ng kapangyarihan para pamunuan at mapasunod ang lahat.

Marami ang nag-aklas at dito na umusbong ang paggawa ng sanaysay at iba pang klase ng panitikan upang tuligsain ang pamamahala ni Marcos sa Pilipinas.
See the full transcript